TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Angelica Panganiban simula noong dumating si Gregg Homan: "Tumahimik 'yong buhay ko, nagkaroon ng peace."

4 min read
Angelica Panganiban simula noong dumating si Gregg Homan: "Tumahimik 'yong buhay ko, nagkaroon ng peace."

Payapa umano ang buhay ni Angelica Panganiban sa piling ng kaniyang boyfriend na si Gregg. Nagkaroon aniya siya finally ng sense of security.

Isang masayang kuwentuhan ang pinagsaluhan nina Angelica Panganiban at Camille Prats sa vlog ng huli. Ibinahagi nga rito ni Angelica Panganiban kung ano ang nabago sa buhay niya dahil sa boyfriend na si Gregg Homan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angelica Panganiban feeling secured sa boyfriend na si Gregg
  • Angge ready na bang maging mommy?

Angelica Panganiban feeling secured sa boyfriend na si Gregg

Sa unang episode ng Cam Cook With Me vlog ni Camille Prats, ang kaibigang si Angelica Panganiban ang una niyang guest. Sa nasabing vlog ay nagluto ang dalawa habang nagkukwentuhan.

Matapos balikan ang mga masasaya at masasakit na alaala nila sa showbiz at love life, naitanong nga ni Camille Prats kay Angelica Panganiban kung kumusta ito sa boyfriend na si Gregg Homan.

Kuwento ni Angelica Panganiban, naging payapa raw ang kaniyang buhay sa boyfriend na si Gregg.

Aniya, “Tumahimik ‘yong buhay ko. Nagkaroon ng peace. Nagkaroon ako ng sense of security, finally.”

Noong una raw ay napapaisip at nangangamba rin si Angelica Panganiban sa peace of mind na dulot ng relasyon nila ng boyfriend na si Gregg.

angelica panganiban boyfriend gregg

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

“Bakit ang kalma, gusto ko lahat? Bakit nakaayon lahat sa gusto ko o sa mga pinagdasal ko?”

Masaya rin daw si Angelica Panganiban na walang bahid ng ka-showbizan ang kaniyang partner. Dagdag pa nga ng aktres, isa marahil sa factor kung bakit maayos din ang relasyon nila ay dahil hindi marunong umarte ang kaniyang boyfriend. Biro niya pa, kahit turuan niya raw itong umarte ay wala talaga.

Isa rin daw sa nagdudulot ng peace of mind kay Angelica Panganiban ay ang pagdedesisyong manatili sa Subic kasama ang boyfriend na si Gregg.

Sa Manila raw kasi dahil malapit sa mga kakilala at kaibigan ay halos lagi niyang ginagawang available ang kaniyang sarili para sa iba. Kaya naman ay nahihirapan siyang makahanap ng pahinga para sa sarili.

“’Yong peace of mind. Hindi ko mabibili ‘yon kahit saan,” pahayag ng aktres.

angelica panganiban boyfriend gregg

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Dagdag pa nito, masarap din daw sa pakiramdam kapag may dumadalaw sa kaniya sa Subic. Sa ganoong paraan daw ay nararamdam niyang mahalaga siya dahil dinayo pa siya ng mga ito kahit kailangang bumyahe ng halos dalawang oras para mapuntahan siya.

Angelica Panganiban ready na bang maging mommy?

Ngayon nga ay pregnant si Angelica Panganiban at ang boyfriend na si Gregg. Naitanong ni Camille Prats kay Angelica Panganiban kung ready na ba ito sa pagdating ng kanilang baby.

Sagot ng aktres, hindi niya rin daw sigurado kung ready na ba siya o hindi pa.

Paliwanag niya, one-year nilang sinubukan ni Gregg na bumuo ng baby.

“Nong nangyari na siya, akala mo prepared ka. Ganon pala ‘yon. Totoo pala talaga ‘yong sinasabi ng lahat na akala mo prepared ka? Hindi.”

Kuwento pa ni Angelica Panganiban, ilang beses din daw siyang dinugo bago nila natuklasan na pregnant nga siya.

Matindi rin daw ang naranasan niyang mood swings na tila mababaliw daw siya.

“Talagang nakakabaliw siya. May mga nights or days na umiiyak na lang ako. Minsan masaya ‘yong iyak. Minsan talagang – ginagawa ko naman lahat, bakit ang hirap?” aniya.

Ang solusyon niya lang daw tuwing umaatake ang anxiety at mood swings ay ine-embrace niya ang kaniyang emosyon. Habang ipinapaalala sa sarili na lilipas din ang ano mang negatibong nararamdaman.

Sa lahat ng nararanasang changes dahil sa pagiging pregnant ay nanatili naman daw ang boyfriend na si Gregg sa tabi ni Angelica Panganiban. Supportive daw ito sa lahat ng kailangan niya.

Sa ngayon ay nakahanda naman na raw ang mga maaaring ihanda. Nagme-meditation din daw si Angelica Panganiban. Halos every morning man daw siyang naiiyak dahil dito ay malaki ang naitutulong nito sa kaniyang pregnancy. Natutulungan siya nitong kumalma at mawala ang duda sa sarili kung kakayanin niya ba ang pagiging isang mommy.

“The more I worry alam ko na mas magiging loving parent ako dahil nag-aalala ako. Dahil gusto kong mag-thrive na maging mabuting ina,” saad ni Angge.

angelica panganiban pregnant - boyfriend gregg

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Dahil sa mga naikwento ni Angelica Panganiban ay naibahagi rin ni Camille Prats na ibang experience nga umano ang pagiging isang ina.

Kahit daw sanay naman silang mga artista sa puyatan ay naging struggle pa rin ni Camille Prats ang pagpupuyat noong bago pa lamang siya sa motherhood journey.

“Iba ang motherhood kasi buong araw ka ring pagod e. So, ‘yong puyat iindahin mo talaga,” saad nito.

Pero mahirap man daw ay masaya pa rin ang maging isang ina.

“Ito talaga ‘yong time na like ‘yong self mo parang hindi mom una talaga siya mababawi kasi parang lahat ng needs niya kailangang nandon ka. Pero masaya,” saad ni Camille Prats.

+Source

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban simula noong dumating si Gregg Homan: "Tumahimik 'yong buhay ko, nagkaroon ng peace."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko