Angelica Panganiban to take a break from showbiz: "Tutukan ko na muna 'yong baby."

Angelica ang boyfriend niyang si Gregg ang pinaglilihian. “As in ang sakit, sakit sakin kapag hindi ko siya nakikita”, ito ang sabi pa niya sa tuwing nalalayo sa kaniya si Gregg.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban magpo-focus muna daw sa anak nila ng kaniyang boyfriend na si Gregg Homan sa oras na ito ay maipanganak na. Angge willing na iwan muna ang showbiz para matutukan ang pagiging isang ina.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Love story ni Angelica Panganiban at Gregg Homan
  • Balak ni Angelica sa oras na siya ay makapanganak na

Balak ni Angelica sa oras na siya ay makapanganak na

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Marami ang natuwa ng ianunsyo ng aktres na si Angelica Panganiban na siya ay buntis. Pero higit sa kanino man ay walang mapaglagyan ang saya ni Angelica sa bagong chapter na ito ng buhay niya na matagal niya daw pinapangarap.

Base nga sa mga naunang panayam ni Angelica ay hindi niya inakala o inaasahan ang naging pagbubuntis niya. Dahil isang taon rin silang sumubok ng boyfriend niyang si Gregg at hindi sila biniyayaan. Pero sa oras na hindi nila ito iniisip ay saka ito dumating na nagdagdag ng kaba at saya sa kanila.

“Kahit ano palang sabihin ninyo na ready ka pinag-pray mo, ang tagal ninyong sinubukan pag dumating na 'yon at makita mo yung dalawang lines na 'yon, manginginig pala talaga yung katawan mo.”

“Hindi mo alam kung talagang alam mong ready ka. Never pa akong nakapagbuhat ng newborn parang one day old na anak. Tapos magbe-breastfeed ka na. Parang ang daming takot tapos lahat 'yon kaya ko ba?”

Ito ang pag-alala niya noong malaman niyang buntis siya. Ang karanasan ni Angelica Panganiban ay ibinahagi niya sa YouTube vlog nila ng boyfriend na si Gregg na pinamagatan nilang “The Homans”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica si Gregg ang pinaglilihian

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

 

Sa nasabing vlog ay ibinahagi rin ni Angelica kung sino ang pinaglilihian niya. Ito daw ay ang boyfriend niyang si Gregg na ayaw niyang nawawala sa tabi niya.

“Si Gregg ang pinaglilihian ko. Sobrang arte ko ngayon. Aalis lang siya papunta sa work which is 7 minutes lang dito kung saan kami nakatira umiiyak ako palagi."

"As in ang sakit, sakit sakin kapag hindi ko siya nakikita. Nagdidilig lang siya ng halaman sa labas nasa-sad ako na parang bakit ang layo mo.”

Ito ang natatawang kuwento ni Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kuwento pa ni Angelica, ini-enjoy niya sa ngayon ang moment ng kaniyang pagbubuntis. Ganoon rin daw kapag nakapanganak na siya. Kaya ang balak niya ay saglit na iwan ang acting career para maging full-time mom sa magiging anak niya.

“I-enjoy ko na muna. Thirty years naman na ako sa industriya, marami naman na akong naiambag. Siguro ngayon na hinihingi na ng life ko eh mag-focus naman na ako sa aking family.”

“Dahil sobrang blessed ko na magkaroon ako ng tinatawag kong family ngayon. Gusto ko doon ako mag-focus. Gusto ko ibigay lahat ng oras ko doon.”

Ito ang sabi ni Angelica, at nilinaw na hindi pa naman daw sinasara ang pinto niya sa pag-aartista.

“Kasi si Gregg din babalik ng work so tutukan ko na muna 'yong baby. Kapag kaya ko ng iwan siya yung bata siguro babalik ako ng work.”

May mga naiisip narin silang kandidato para sa mga magiging ninong at ninang ng kanilang baby. Hindi syempre mawawala dun ang malalapit na mga kaibigan ni Angelica na sina Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio at John Pratts.

BASAHIN:

Angeline Quinto sinorpresa ng partner sa kaniyang first Mothers’ Day celebration: “Ang sarap sa pakiramdam.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”

Cong TV umatras patungong Vietnam para kina Viy Cortez at Kidlat: “Saka na lang ‘pag kasama ko na kayong dalawa.”

Love story ni Angelica Panganiban at Gregg Homan

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa parehong vlog ay ikinuwento rin nila Angelica at Gregg Homan kung paano sila nagkakilala. Ito daw ay sa pamamagitan ng aktres na si Cherry Pie Picache na naging tulay para makilala nila ang isa’t-isa. Bagamat ayon kay Angge ay ayaw niya pa noong una dahil hindi pa siya sana ready na makipag-relasyong muli.

“Noong una, ayoko talaga kasi parang tamad na ako sa dating dating na ganyan, hindi na ako interesado. Masaya naman naman na ako na single.”

Pero nang mabigyan ng pagkakataon na makilala niya si Gregg ay nagustuhan niya agad ito. Sa katunayan ay ayaw pa niya sanang sagutin ito dahil sa takot na mawala rin ito sa buhay niya tulad ng ibang nakarelasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Gusto kong i-take things slow kasi gusto kong maging sure. Ayoko siyang mawala kasi parang sobrang ok niyang tao. Mahu-hurt ako even as a friend na ma-miss ko 'yong opportunity na ma-gain ko siya sa life ko.”

Pero pagkakataon na ang naglapit sa kanila at mas lalong nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Nang minsang bumabyahe nga daw sila mula sa Subic papuntang Maynila doon nila naipaalam sa isa’t-isa ang nararamdaman nila. Doon din nagsimula ang mga plano nila sa buhay kasama na ang pagbuo ng pamilya.

“Sobrang happy nun. Sabi natin kapag going strong lang 'yong relationship natin, kaya natin magkaroon ng baby.”

“Feeling ko doon ko naramdaman na worth it ang lahat kasi wala akong naramdamang takot noong pinag-uusapan namin about building a family together. Parehas namin siyang gusto.”

Ito ang sabi pa ni Angelica Panganiban tungkol sa kung paano nagsimula ang pagmamahalan at journey nila ng boyfriend na si Gregg Homan sa pagbuo ng isang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement