TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Angelica Panganiban nalungkot para sa anak na si Bean dahil sa bone disease na nararanasan: “Paano niya ko mai-enjoy maging nanay kung limited yung puwede kong gawin.”

3 min read
Angelica Panganiban nalungkot para sa anak na si Bean dahil sa bone disease na nararanasan: “Paano niya ko mai-enjoy maging nanay kung limited yung puwede kong gawin.”

Si Angelica pinayuhan ng doktor na magpa-hip replacement kung hindi madidisable siya.

Angelica Panganiban hindi napigilang maluha ng magkuwento tungkol sa kaniyang health condition. Ayon sa aktres, nalulungkot siya na hindi niya magawa ang responsibilidad niya bilang isang ina ng dahil sa sakit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Angelica Panganiban sa health condition na nararanasan.
  • Aktres as a mom sa anak na si Amila.
  • Realizations ni Angelica dahil sa sakit.

Angelica Panganiban sa health condition na nararanasan

angelica panganiban bone disease

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Hindi napigilang maging emosyonal ng aktres na si Angelica Panganiban ng magkuwento tungkol sa kaniyang health condition. Si Angelica sinabing nagulat siya at natakot nung una ng malaman ang bone disease na nararanasan. Siya ay na-diagnosed na may sakit na avascular necrosis. Ito ay ang pagkamatay ng buto sa kaniyang bewang na dahilan ng sakit na nararanasan niya ng higit isang taon na.

Sa programang “Magandang Buhay” ay ikinuwento ni Angelica ang naging reaksyon niya ng malaman niya ang tungkol sa sakit. Ang aktres at ina na ngayon sa anak niyang si Amila ay hindi napigilang maluha habang nagkukuwento.

“Kumbaga namatay ang hip bone ko. Nawalan na siya ng blood flow, hindi niya kayang gumaling on its own. Kailangan ng tulong, like ng operation, hip replacement, mga ganyan.”

“So nung naririnig ko ito, wait lang magte-37 pa lang ako. Tapos ngayon pa lang natutupad ang mga pangarap ko sa buhay. Sabi ko pero bakit naman medyo unfair?’ Gusto ko pang i-enjoy ang mga ibinibigay sa akin.”

Ito ang naluluhang kuwento ni Angelica.

angelica panganiban health condition and christmas celebration

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Aktres as a mom sa anak na si Amila

Ang surgery ang nangungunang paraan para tuluyang gumaling si Angelica. Pero sa ngayon ay hindi ito ang option na naiisip niya. Bagamat ayon sa doktor maari siyang ma-disable kung hindi agad na malulunasan ang sakit niya. Ito ang mas lalong nagpalungkot kay Angelica na very hands-on mom sa anak na si Amila.

“Paano niya ko mai-enjoy maging nanay kung limited yung puwede kong gawin.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Kuwento niya pa, sa tulong ng mga eksperto ay naghanap sila ng mas conservative na approach kung saan hindi na kailangan ng surgery. Siya ngayon ay sumasailalim sa stem cell treatment. At lahat ng payo ng doktor ay sinusunod niya partikular na ang complete bed rest sa unang dalawang araw ng magsimula ang treatment niya. Bagamat pag-alala ni Angelica ay naging mahirap daw sa kaniya noong una dahil sa hindi niya maalagaan ang anak na si Amila.

“May mga gabi na magigising yung bata tapos yung yaya yung hahanapin. E sobra akong hands-on kaya nung nangyari yun, medyo masakit pala siya.”

Ito ang naluluha pang kuwento ni Angelica.

angelica panganiban and baby amila

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Realizations ni Angelica

Pero sa kabila ng hirap, lungkot at sakit na naranasan ng dahil sa kaniyang health condition, si Angelica may na-realize patungkol sa fiancé niyang si Gregg Homan. Mas naramdaman niya daw sa ngayon ang pagmamahal ni Gregg na araw-araw bumabyahe ng tatlong oras ng Subic to Manila at pabalik para lang maalagaan siya. Si Angelica ngayon ay nasa Maynila para sa kaniyang treatment at ang trabaho naman ni Gregg ay sa Subic.

“Syempre sumasaya ko at damang-dama ko talaga na mahal ako nito. Ngayon lang talaga ako inalagaan ng ganito.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Magandang Buhay

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban nalungkot para sa anak na si Bean dahil sa bone disease na nararanasan: “Paano niya ko mai-enjoy maging nanay kung limited yung puwede kong gawin.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko