LOOK: Angelica Panganiban ipinasilip ang nursery room ng kaniyang baby

Aktres ready narin sa pagpapa-breastfeed sa oras na isilang niya ang kaniyang first baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban, super excited na ipinasilip ang nursery room ng kaniyang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban may pa-tour sa nursery room ng kaniyang baby
  • Iba pang paghahandang ginagawa ni Angelica sa nalalapit na panganganak

Angelica Panganiban may pa-tour sa nursery room ng kaniyang baby

Larawan mula sa YouTube video ni Angelica Panganiban

Ilang linggo bago manganak ay ipinasilip ng aktres na si Angelica Panganiban ang itsura ng nursery room ng kaniyang baby. Si Angelica makikitang very happy at excited habang ipinapakita sa mga followers niya ang set-up ng kwartong paglalagian ng kaniyang baby sa oras na ito ay maipanganak na.

Sa tulong ng kaniyang kaibigang director na si Andoy Ranay ay naibahagi ni Angelica ang ilang paghahandang ginawa niya sa nalalapit na katuparan ng pangarap niyang maging isang ina. Isa na nga rito ang pagbuo at pagdisenyo ng nursery room na kung saan nandoon lahat nakalagay ang mga gamit na kakailanganin ng kaniyang baby.

Sa pagsisimula ng vlog ni Angelica Panganiban ay makikita ang nursery room ng kaniyang baby ay katabi mismo ng kwarto nila ni Gregg. Mula sa kanilang bed room ay sliding glass lang ang pagitan nito. Kaya naman madali niyang nababantayan ang kaniyang baby kahit sa gabi.

Maliban dito ay mayroon ring naka-install na baby CCTV sa nursery room. Sa tulong nito ay mamo-monitor nila ang galaw ng anak habang ito ay tulog at hindi nila kasama.

Pagbabahagi ni Angelica, karamihan ng gamit sa loob ng nursery room ng kaniyang baby ay locally-made products. Tulad ng crib ng kaniyang baby na ipinasadya nilang ipagawa mula sa Cebu. Habang ang iba pang gamit ay na-order niya sa Instagram at ibinigay ng kaniyang mga kaibigan.

Pati na rin ang mga damit ng kaniyang baby na hanggang pag-1 year old nito ay mayroon na siyang susuotin. Lahat nga daw ito ay bigay lamang dahil hindi pa dumarating ang mga in-order niyang boxes rin ng damit mula pang Amerika.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dapat talaga nakinig ako na huwag na bibili ng damit ng bata kasi marami palang nagbibigay talaga.”

Ito ang isa sa mga realizations ng soon-to-be mom at aktres na si Angelica Panganiban.

Dagdag pa ni Angelica, sa ngayon ay hindi pa niya talaga alam ang kakailanganin ng anak niya. Dahil karamihan sa mga gamit na mayroon ito maliban sa bigay ay hinanap niya lang sa Google at YouTube na naging source of information bilang isang first time mom.

Pag-amin ni Angelica, sa nalalapit niyang panganganak ay lumala rin ang pagiging makakalimutin niya. Habang nagto-tour nga sa nursery room ng kaniyang baby ay nakita niya ang hinahanap niyang baby hip seat carrier na binigay ng kaibigan at kapwa niyang aktres na si Camille Prats.

“Yong pregnancy brain ko hindi na kaya, nawawala-wala ko na 'yong mga gamit.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa niya, halos nagagalit na siya sa boyfriend na si Gregg Homan sa paghahanap sa naturang hip seat na talaga naman daw gustong-gusto nila at alam nilang kakailanganin nila para sa kanilang anak.

“Nakita namin ito kay Ketchup Eusebio. 'Yong bumisita sila, nakita namin yung baby nila inuupo lang nila sa parang belt bag so parang nainggit kami. Minanifest namin na may magreregalo satin niyang hindi natin kailangang bumili. Tapos true enough may nagbigay nga sa amin,” pagkukuwento pa ni Angelica.

Iba pang paghahandang ginagawa ni Angelica sa nalalapit na panganganak

Larawan mula sa YouTube video ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita ring ready na si Angelica sa pagpapa-breastfeed ng kaniyan anak. Dahil nagpagawa pa ito ng rocking chair para mas komportable daw ang pagpapa-breastfeed sa kaniya. Mayroon naring siyang breast pump, nipple cream at iba pang gamit para gawing successful ang breastfeeding plan niya para sa kaniyang baby bean.

Sa kabuuan, ayon kay Angelica ay hindi pa totally ready ang nursery room ng kaniyang baby. Dahil pakiramdam niya ay may mga gamit o bagay pang kulang dito.

“Medyo 'di pa talaga siya parang 100%. Di pa ako ganun ka-happy,” sabi pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan, dagdag pa ni Angelica ay hindi pa nga nalalabhan ang mga damit sa loob ng nursery room ng anak. Gusto niya daw makita sa ngayon kung tama ba ang pagkakaayos nito. Ibinahagi niya rin ang birth plan nila ng boyfriend na si Gregg. Pagbabahagi niya ay sa Maynila nila hihintayin ang paglabas ng kanilang first baby.

“Lahat ng ‘to hindi pa nalalabhan. Kasi gusto kong makita kung tama na ba yung pagsalansan ok na yung space niya, tama na ba yung mga gamit. Saka na namin lalabhan kasi by September titira po muna ko sa Maynila habang naghihintay ng paglabas ng baby. Tapos pagbalik namin bitbit na namin yung baby.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Ang mga followers ng aktres masaya at excited rin sa nalalapit nitong panganganak. Sa ginawa ngang nursery tour nito ay sinabi nilang kitang-kita ang happiness nito. At tulad ng kamakailan lang maternity shoot nito ay nag-gloglow sa ganda ang aktres sa kasiyahang nararamdaman sa bagong chapter na ito ng buhay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement