Angelica Panganiban gets candid on her breastfeeding experience. Pinakamahirap daw ang pagpapasuso para sa kaniya pero pinaka-fulfilling naman din daw na parte ito ng pagiging isang ina.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Angelica Panganiban on breastfeeding.
- Inspirasyon ni Angelica sa patuloy na pagpapasuso sa anak na si Amila.
Angelica Panganiban on breastfeeding
Base sa mga social media post ng aktres na si Angelica Panganiban makikitang nai-enjoy niya talaga ang role niya ngayon bilang isang ina. Makikita kung gaano siya kasaya sa pag-aalaga sa anak na si Amila at ang masaksihan ang paglaki nito sa piling niya.
Sa bagong Instagram post ni Angelica, ibinahagi niyang hindi lang puro happy moments ang pagiging isang ina para sa kaniya. Pagbabahagi nga ng aktres kung tatanungin siya kung ano ang pinakamahirap na stage ng pagiging isang ina, pagpapasuso ang magiging sagot niya. Bagamat hirit niya, ito rin daw ang pinaka-fulfilling na parte ng bagong role niya ngayon.
“Kapag may nagtatanong sakin ano ang pinaka mahirap na stage ng motherhood, mabilis kong nasasagot. BREASTFEEDING. But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat. After a week of breastfeeding, muntik na ko sumuko. Iniisip ko na lang, kung kaya ng iba, kaya ko rin.”
Ito ang sabi ni Angelica.
Inspirasyon ni Angelica sa patuloy na pagpapasuso sa anak na si Amila
Pagpapatuloy pa niya, kung may naging inspirasyon siya para ipagpatuloy ang breastfeeding kahit mahirap at may sakit itong dulot, ay walang iba ito kung hindi ang iba pang mommies na kinaya ang pagpapasuso para sa anak nila. Ito nga ang mensahe ng aktres para sa kanila.
“Kaya naman salamat sa lahat ng ina na naging inspirasyon ko at Lifeline ko. Sa mga panahon na duguan at puyat na puyat na ko. Salamat sa inyo. Masaya akong nakikiisa sa breastfeeding awareness month. Nagmamahal, inang may paltos, inang puyat, inang hawak ng anak ang oras. Pero inang masaya at kilig na kilig sa tuwing hinahanap ng anak. 💓”
Ang mga mommy netizens nag-agree naman sa pahayag na ito ni Angelica. Ito ang ilan sa naging reaksyon nila sa post ng aktres.
“Worth it po talaga lahat ng pagod. Breastfeeding mom here too,4yrs and counting.”
“It is also the hardest to stop and let go. Proud padede mom.”
“Breastfeeding= love and dedication happy for you mama! ❤❤❤❤”