Ibinahagi ni Angelica Panganiban sa kaniyang vlog ang nakakapagod pero masayang trip to Taiwan kasama ang kaniyang partner na si Gregg Homan at ang kanilang baby Bean.
Baby Bean ni Angelica Panganiban behave sa kanilang trip to Taiwan
Hindi lang isa kundi dalawang YouTube vlog ang ibinahagi ni Angelica Panganiban kung saan mapapanood ang kanilang masayang bakasyon sa Taiwan.
Sa video makikita ang paggagala nila sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bansa. Behave naman si baby Bean sa kanilang pamamasyal.
Larawan mula sa Instagram ni Angelica Panganiban
Bago ang nasabing byahe pinaranas din muna nina Angelica Panganiban ang first plane ride ni baby Bean sa pagpunta nila sa Coron, Palawan.
Noong February 26 ay ibinahagi ni Angelica ang Instagram reel kung saan mapapanood ang first plane ride ni baby Bean. Mula sa pagpunta sa airport, pagsakay sa plane at paglanding sa Palawan. Sinubukan daw muna nila ang local trip bago magtungo sa ibang bansa.
Larawan mula sa Instagram ni Angelica Panganiban
Matapos ito ay ibinahagi naman ni Angelica ang pag-eempake nila ng mga gamit para sa kanilang trip to Taiwan.
“As new parents, as first-time parents as well, hindi kami marunong pang mag-travel na may kasama kang infant. Nakakakaba siya, nakakapraning siya. Marami pa kaming kailangan matutunan.
Kaya naman yun mga ginagawa namin ngayon ay learning steps para pagdating namin dun sa mga goals namin pagdating sa travel, kahit papano may idea na kami at hindi na kami mga kabadong parents,” saad ni Angelica sa kaniyang vlog.
Larawan mula sa Instagram ni Angelica Panganiban
Samantala, isang Instagram post naman ang ibinahagi ni Angelica. Kung saan ay makikitang nagpapasuso siya ng kaniyang anak sa isang park sa Taipei.
Makikita sa IG post na saan man ay handang magpasuso ng kaniyang anak si Angelica. Kinagiliwan naman ito ng netizens.
Saad ng isang netizen, “Yes breastfeeding is very convenient strike everywhere talaga no more feeding bottles to wash and carry ..no panis smell ..Good job Mommy Angie.”
Segunda naman ng isa pa, “Super healthy ng milk mo, kya nman super healthy baby mo.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!