TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Angelica Yulo to son Carlos Yulo: “Bukas ang aming pintuan sa tahanan may pera ka o wala kung nanaisin mong bumalik sa amin”

3 min read
Angelica Yulo to son Carlos Yulo: “Bukas ang aming pintuan sa tahanan may pera ka o wala kung nanaisin mong bumalik sa amin”

Angelica humingi rin ng tawad sa anak at umaasang ang anak ang gagawa ng initiative para mabuo muli ang kanilang pamilya.

Angelica Yulo humingi ng patawad sa anak at Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Alamin dito ang mensahe niya para sa anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mensahe ni Angelica Yulo sa anak na si Carlos Yulo.
  • Paghingi ng tawad ni Angelica sa anak na si Carlos.
  • Mensahe ni Carlos sa kaniyang ina.

Mensahe ni Angelica Yulo sa anak na si Carlos Yulo

angelica yulo with son carlo yulo

Larawan mula sa Facebook

Sa gitna ng kinakaharap na intriga at mainit na usap-usapan sa kanilang pamilya ay nagpa-press conference ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo. Doon ay nagbigay ng mensahe si Angelica sa anak na si Carlos. Ipinahayag niya sa anak ang nararamdaman niya sa kanilang sitwasyon ngayon. At ang hangarin niya dito bilang isang ina.

“Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak at walang perketong pamilya. Walang ibang hangad ang isang ina kung hindi ang ikabubuti ng kaniyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Angelica.

Paghingi ng tawad ni Angelica sa anak na si Carlos

Pagpapatuloy pa niya, wala siyang masamang intensyon sa anak. Ang gusto niya lang ay magabayan ito bilang isang magulang at humingi ito ng tawad sa naging reaksyon niya.

“Ako ay isang inang nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang. Kung mali man ang mga naging pagpuna ko sa nobya mo, humihingi ako ng patawad dahil nanay lang ako na nag-aalala,”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

angelica yulo with husband and kids

Larawan mula sa Facebook

Ipinarating niya rin sa anak na sa kamay na nito ang pagdedesisyon para sa kaniyang sarili. Pero magkaano pa man, sinabi niya na bilang ina ay laging bukas ang pinto ng bahay nila at puso niya para dito.

“Matanda ka na at kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Bukas ang aming pintuan sa tahanan may pera ka o wala kung nanaisin mong bumalik sa amin.”

Umaasa rin siya na sana ang initiative ng pag-aayos sa kanilang pamilya ay magmula kay Carlos at girlfriend nitong si Chloe Anjeleigh San Jose.

“Gusto ko manggaling sa kanila mismo yung initiative kung papaano sila, kung papaano ma-e-ease yung pain, kung paano sila lalapit. Gusto ko sa kanila mismo manggaling.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

carlos yulo and girlfriend 2

Larawan mula sa Facebook

Naging madamdamin din ang tagpo sa naging press conference ng ina ni Carlos. Sapagkat naroon rin ang kaniyang ama at kapatid. Ang ama niya ngang si Mark Andrew Yulo nagbigay ng pahayag sa nangyayari sa kanilang pamilya. Nilinaw niya na hindi pera ang ugat ng hindi pagkakaintindihan ng mag-ina. At umaasa siya na magkakaayos na nga ang kanilang pamilya.

“Sanay naman kami walang pera e. Gusto ko sana yung masaya lang kami. Gusto ko nga sana mabalik yung dati. Kasi magulo pala pag ganito, pag marami kang pera.”

Ito ang sabi pa ng ama ni Carlos Yulo tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng kanilang pamilya.

Mensahe ni Carlos sa kaniyang ina

Samantala, sa TikTok ay nagbigay rin ng mensahe si Carlos sa ina na matagal niya na daw napatawad.

“My message to you now is to heal, move on, and you know, I’ve forgiven you a long time ago already… I pray that you are safe and in good condition over there. Let’s stop this and celebrate the sacrifices, achievements and hard work of every Filipino athlete here in the Olympics.”

Ito ang mensahe ni Carlos para sa inang si Angelica Yulo.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Yulo to son Carlos Yulo: “Bukas ang aming pintuan sa tahanan may pera ka o wala kung nanaisin mong bumalik sa amin”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko