Sa edad na 19 na taong gulang, nakamit nga ng Philippine gymnast na si Carlos Yulo ang gintong medalya para sa Pilipinas sa 2019 World Artistic Gymnastics Championships nooong Sabado, ika-12 ng Oktubre.
Carlos Yulo: First Filipino gymnast na nanalo sa world stage
Si Carlos Yulo nga ang first gymnast sa Pilipinas na hinirang nga na kauna-unahang Pilipino na gymnast na nanalo sa world gymnastics stage na ginanap sa Stuggart, Germany.
Ito ang kauna-unahang ginto medalya para sa Pilipinas sa larangan ng gymnastics. Nagtamo nga si Carlos ng 15.3 sa kaniyang total score sa men’s floor exercise final.
Si Carlos nga rin ang kauna-unahang Southeast Asian male world champion. Natalo nga niya ang pambato ng Israel na si Artem Dolgopyat at ang pambato ng China na si Xiao Ruoteng.
Ang pambato ng Israel na si Artem Dolgopyat ay nakuha ang silver medal sa record niyang 15.2 na puntos, habang ang pambato naman ng China na si Xiao Ruoteng ay nakuha ang bronze medal sa record niyang 14.933 na puntos.
Training
Tatlong taon na ngang nagte-training ang binatang gymnast na si Carlos Yulo sa Tokyo, Japan, sa pangangalaga ng isang Japanese coach Munehiro Kugimiya, na kilala ngang coach na nagpro-produce ng mga world champion gymnasts.
Nakilala ni Carlos ang kaniyang coach na si Coach Kugimiya noong naipadala ang kaniyang coach ng Japan Gymnastic Association para i-coach ang Philippine team.
Nakitaan nga ng potential ni Coach Kugimiya si Carlos kung kaya’t naisipan niya itong i-train at sa edad na 16 nga ay sumama si Carlos sa kaniyang coach sa Tokyo upang simulan ang kaniyang intesive training sa gymnastics.
Iniidolo nga di-umano ni Carlos ang three-time Olympic gold medalist at 21-time world champin ng Japan na si Kohei Uchimura kung kaya’t hindi ininda ang mahirap na training.
Subalit kahit nga naghihirap siya sa kaniyang training upang matupad ang kaniyang pangarap patungo sa Olympics, hindi niya nalimutan ang kaniyang edukasyon.
Ngayon nga’y college student na si Carlos sa Teikyo University kung saan ang kaniyang coach ay nagta-trabaho rin bilang assistant professor sa unibersidad.
2020 Tokyo Olympics
Si Carlos Yulo nga ay ang kauna-unahang Pilipino na nag-podium finish sa World Championships noong taong 2018, kung saan nakuha nito ang bronze medal sa parehong kategorya.
At ngayon nga ang gymnast na si Carlos ang pangalawa namang Pilipino na nag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics matapos makuha ng pole vaulter na si EJ Obiena ang unang spot noong Setyembre.
Si Carlos nga ay nagkamit ng 82.164 na puntos sa buong event ng 49th Artistic Gymnastics World Championships.
Hinihikayat nga ni Carlos ang ibang Pilipino na tangkilikin rin at i-try ang sports na gymnastics, dahil masaya rin daw ito tulad ng ibang sports, marahil mas masaya pa.
Source: Phil Star Global
Photo: Philstar
Basahin: 7 ways sports can help your child achieve future success
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!