LOOK: Anak ni Cesar Montano at Sunshine Cruz, malapit nang mag-debut

lead image

Silipin ang ilang litrato sa ginawang creative shoot ng anak nila Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Angelina Cruz Montano para sa nalalapit niyang debut.

Nagkaroon nga ng isang creative shoot ang anak nila Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Angelina Cruz Montano kasama ang Nice Print Photography para sa nalalapit nitong debut.

18th birthday ni Angelina Cruz Montano, malapit na

Sa nalalapit na debut ni Angelina Isabele, binigyan nga ng pasilip ni Sunshine Cruz kung anong panimulang paghahanda ang ginagawa ng kaniyang dalaga.

Aniya ng celebrity mom sa kaniyang Instagram account kung saan ni-repost nito ang post ng Nice Print, "#Repost @niceprintphoto with @get_repost・・・Beautiful Angelina Cruz turning 18 soon ❤️"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Nag-post din si Angelina sa kaniyang Instagram ng kaniyang shoot pero nilagyan lang niya ito ng emojis na berde at kahel na dahon, "??"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Angelina Cruz (@angelinaisabele) on

Creative shoot

Sa paghahanda para sa kaniyang debut, nagkaroon ng mala-forest themed shoot si Angelina Isabele kasama ang Nice Print Photography.

Aniya nga ng Nice Print sa kanilang post, "Beautiful Angelina Cruz turning 18 soon ❤️"

Nag-post din ang Nice Print kung saan wari'y tumatakbo papalayo ang dalaga, “She loved life and it loved her back. Angelina Cruz 18 soon ? #niceprintdebut"

Nagbahagi rin ang Nice Print ng ilan pang mga litrato na kung saan may hawak na bulaklak si Angelina Isabele.

Para sa kaniyang creative forest-themed shoot, lumabas nga lalo ang kagandahan ng dalagang si Angelina Isabele.

Nagmistulang mala-engkantada o dyosa ang dalaga sa kaniyang suot na puting flowy long dress, na ang background ay wari'y nasa gubat talaga. Siguradong magiging engrande ang selebrasyon ng 18th birthday ng panganay na anak ni Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Source: Nice Print Photography

Basahin: LOOK: Cute photos ng pamilya ni Lara Quigaman at Marco Alcaraz

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!