Angeline Quinto ipinakita kung paano niya pinaliliguan si Baby Sylvio. Singer may mga tips rin na ibinahagi para masigurong ligtas at maayos ang pagpapaligo mo sa iyong sanggol.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Paano pinapaliguan ng first-time mom na si Angeline Quinto si Baby Sylvio.
- Tips sa pagpaligo sa baby.
Paano pinapaliguan ng first-time mom na si Angeline Quinto si Baby Sylvio
Higit isang buwan narin ang nakalipas ng maipanganak ng singer na si Angeline Quinto ang kaniyang unico hijo na si baby Sylvio. Sa kaniyang latest vlog episode ay ibinahagi ng first-time mom kung paano niya pinaliliguan ito.
May mga tips at kaalaman rin siyang ibinahagi sa kung paano masisigurong tama at ligtas ang pagpapaligo kay baby. Una na nga rito ay ang dalas ng pagpapaligo sa newborn baby na dapat ay two to three times a week lang.
“Actually bagong panganak palang si Sylvio wala pa siyang two weeks sabi ng mga doctors na kilala ko at yung pedia at OB ko, dapat 2 to 3 times a week lang pinaliliguan ang baby. Dahil kapapanganak palang talaga nila.”
Ito ang unang kaalamang ibinahagi ng first-time mom na si Angeline Quinto sa kaniyang manonood.
Ngayon na si Sylvio ay higit isang buwan na, ay araw-araw na daw nila itong pinapaliguan. Sa katunayan ang bath time ay nagsisilbing bonding time daw nila ng anak kasama narin ng ama nitong si Nonrev na very hands on din papa din daw.
Image from Angeline Quinto’s Instagram account
“Ang pagpapaligo kay Sylvio ang nagiging bonding moment namin kasama si Nonrev, ‘y0ng papa niya. Talagang very hands on rin at tinutulungan ako sa pagpapaligo kasi minsan hindi ko kaya.”
Ito ang sabi pa ng singer.
Pagkukuwento pa ni Angeline, noong unang beses daw na pinaliguan niya si baby Sylvio ay nataranta siya. Dahil sa umiiyak ito at hindi niya sigurado kung tama ang kaniyang ginagawa.
“As in natataranta ako kasi feeling ko baka mali ‘yong timpla ng tubig. Baka masyadong malamig o mainit.”
Ito ang pag-aalala ng singer noong unang beses niyang pinaliguan si Sylvio na malamang lahat ng mga ina ay makaka-relate.
Kaya naman si Angeline ay hindi daw nagdadalawang-isip na magtanong sa mga doktor at mga experienced nanay na. Ito ay para makasigurado na tama ang ginagawa niyang pag-aalaga at pagpapaligo sa kaniyang anak.
Pagdating nga daw sa pag-check ng tamang temperatura ng tubig na gagamitin sa pagpapaligo ng baby. Ito ang bahagi ng katawan na dapat gamitin at hindi ang kamay o ating palad.
“Kapag tatantsahin natin ‘yong init ng tubig ang gamitin natin yung siko kasi mas mararamdaman natin kung tama ‘yong init ng tubig.”
Dagdag pa ng aktres, dahil palaging nag-iiyak si Sylvio kapag bath time na, ito ang isang paraan na natutunan niya para pakalmahin ito.
“Nakaisip ako ng isang paraan para maging kalmado rin ang anak ko ‘pag pinaliliguan. Nagpe-play ako ng music. Syempre ‘yong mga kanta ko.”
Ito ang natatawang pagbabahagi ng singer.
Image from Angeline Quinto’s YouTube video
Isa pang tip ng singer sa mga tulad niyang first time mom sa pagpapaligo ng kanilang baby, siguraduhing nakahanda na isang lugar ang mga gamit na kailangan mo sa pagpapaligo sa iyong anak.
Siguraduhin ring abot kamoy mo ito para hindi ka mahirapan at hindi na ma-delay ang pagpapaligo kay baby at malamigan siya.
Matapos ang pagpapaligo at pag-iyak ay nare-relax na daw si baby Sylvio. Sa ngayon ito daw ang isa sa daily routine ng mag-ina.
“After ko siyang paliguan, after niyang umiyak ng malakas tatahimik siya kasi inaantok na siya. Ito lagi ‘yong nangyayari sa amin everyday na pinaliliguan ko ang baby love (Sylvio).”
Ito ang sabi pa ng first time na si Angeline Quinto.
BASAHIN:
Angeline Quinto wants to meet other children of her boyfriend: “Gusto ko po silang makilala bilang kapatid ni Sylvio.”
Angeline Quinto sinorpresa ng partner sa kaniyang first Mothers’ Day celebration: “Ang sarap sa pakiramdam.”
Kylie Padilla nakikipag-date ulit, friends na kay Aljur Abrenica: “I want him to be happy.”
Dagdag tips sa pagpaligo sa baby
Image from Angeline Quinto’s YouTube video
Ang mga netizens naaliw sa vlog episode na ito ni Angeline. May ilang mommies at grandmoms rin ang Ingeberg ng dagdag nilang tips pagdating sa pagpapaligo ng baby.
Ito ang ilan sa paalala at tips nila hindi lang sa singer kung hindi pati narin sa iba pang first time moms.
“I have a 3 month granddaughter n if i can suggest mas maganda kung meron net na pwedeng ilagay sa bathtub. Attach mo lang yun para hands free ka at mas safe. Love watching your vlog!”
“Pag magpapaligo kay baby po based on my experienced lang po kamay po muna ang gamitin natin sa pagbuhos ng water sa kanila. Kasi minsan nagugulat sila sa tubig pag ganyan na nakatabo.
And para mas mabanlawan natin sila ng maayos pag kamay natin ang gamit kasi nararamdaman natin kung madulas pa yung part ng katawan niya o kaya singit singit po. Anyways enjoy your journey po sa pagiging first time mom.”
“Recommendation from a Mommy of 3 grown up children and a grandmother of 3. Huwag mong gamitan ng tabo sa may ulo ksi baka mapasukan ng water ang ears ni baby – ear infection ang kalalabasan. Good luck! And I could tell that you’ll be a great mom to your child.”
“Kapag maliligo si baby lagyan ng maliit na towel ang dibdib nya habang naliligo. Sa paraang ito nababawasan ang takot, pagkabigla at kaba ni baby habang pinaliliguan. Enjoy your bathing and bonding time with Baby Sylvio.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!