Angeline Quinto inaming mahigpit sa partner niya: “Ganyan ako katakot kasi may nangyari before.”

Ibinahagi rin ni Angeline ang dahilan kung bakit minabuti niyang hindi ipakilala sa publiko ang kaniyang boyfriend at ama ng kaniyang magiging anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angeline Quinto ipinaliwanag ang dahilan kung bakit ayaw ipakilala sa publiko ang boyfriend niya. Angge aminado ring may pagkamahigpit at praning siyang girlfriend sa magiging ama ng anak niya.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Bakit nga ba pinili ni Angeline Quinto na huwag ganap na ipakilala at ipakita ang mukha ng boyfriend niya sa publiko.
  • Pag-amin ni Angeline na may pagka-praning siyang girlfriend dahil minsan na siyang naloko.

Bakit nga ba pinili ni Angeline Quinto noong una na huwag ganap na ipakilala at ipakita ang mukha ng boyfriend niya sa publiko?

Image from Angeline Quinto's Facebook account

Magmula ng umamin ang singer na si Angeline Quinto na siya ay buntis ang laging tanong ng marami ay kung sino ang ama. Sa isang exclusive interview kay Boy Abunda ay inamin noon ni Angeline na hindi taga-showbiz ang lalaking nakabuntis sa kaniya.

Pero minabuti niya na lang na huwag ng mabanggit pa ng impormasyon tungkol rito. Pati na ang huwag nang ipakita ang mukha nito at itsura.

Marami ang spekulasyon kung bakit ganito ang naging desisyon ni Angeline. May ibang nagsasabing ikinahihiya ni Angeline ang boyfriend na agad niyang nilinaw na kung hindi man niya ipinapakilala ang boyfriend sa publiko ay dahil mismo sa kagustuhan nito.

Kagabi sa part 2 ng Chikahang Misis vlog episode nila ng komedyanteng si Vice Ganda ay sinabi ni Angeline ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya isinasapubliko ang larawan at impormasyon tungkol sa ama ng kaniyang magiging anak. Ayon sa kaniya, ayaw ng boyfriend niyang ma-judge at makuwestyon ang pagmamahal niya para kay Angge.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Minsan pinag-uusapan naming dalawa ng partner ko na, 'ganun pala talaga pagka-showbiz ano masyado kang i-jujudge kahit hindi ka nila kilala’.

Kaya ayaw niyang picturan ko siya. Proud naman ako siyempre mahal mo 'yong tao. Medyo hindi pa siya ready sa ganun."

"Minsan makakatanggap ka, mababasa mo 'yong mga comments na 'naku ang suwerte niyang kay Angeline kasi maganda trabaho ni Angeline'."

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi ipinakilala ni Angeline sa publiko ang boyfriend niya. Ang request umano na ito ng ama ng kaniyang magiging anak ay ginagalang niya.

Pero pagtatanggol ni Angeline sa boyfriend, hindi nila kilala ito sa paraan ng pagkakakilala niya. At ito ang muling nagpasaya sa kaniya mula ng masawi ang kaniyang Mama Bob.

“Doon ako nasasaktin din kasi hindi ninyo naman kilala yung tao, 'di ninyo naman alam kung ano 'yong pinagdaanan namin.

At hindi rin kasi alam ng mga tao na ngayon lang ulit ikaw naging masaya nang ganito. Kung puwedeng sabihin mo sa mga tao na ibigay ninyo na akin 'to.”

Ito ang sabi pa ni Angeline habang nakikipag-kuwento kay Vice na tinuturing niyang Ate o nakakatandang kapatid na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angeline umaming may pagkamahigpit na girlfriend dahil sa naloko na siya noon

Angeline Quinto with boyfriend and family of Vice Ganda/Image from Angeline Quinto's Facebook account

Sa parehong vlog episode nina Angeline at Vice, ay inamin rin ni Angge na may pagka-mahigpit siya sa kaniyang boyfriend. Nang minsan nga daw magpaalam ito na mag-o-overnight kasama ang kaniyang mga kaibigan sa isang resort ay halos ayaw niyang payagan. Ito ay sa kabila ng maayos nitong pagpapaalam tungkol sa okasyong pupuntahan.

“Nagpapaalam siya sa akin akala ko uuwi lang sa kaniya tapos sabi niya birthday kasi ng friend niya. Sabi ko saan 'yon, sabi niya babe sa isang resort sa Antipolo. Sabi ko 'oh sige'.

Sinabi niya sa akin kung anong oras siya aalis, alas-tres daw ng hapon. So ibig sabihin abutin kayo ng gabi, huwag ka ng umuwi kung magda-drive ka, halimbawa kung iinom sila. Sabi niya 'oo nga e, baka puwede naman dun na kami matulog kasi resort naman 'yon'.”

“Inaantay ko na sabihin niya na nagdadalawang-isip nga ako kasi buntis ka. Hindi ko narinig 'yon.”

“Ayoko naman ding hindian lahat ng ipapaalam niya, siyempre may sariling buhay yon.”

Ito ang sabi ni Angeline na agad nag-komento si Vice sa point of view naman ng mga lalaki.

“Hindi naman kami manghuhula kung anong gusto ninyo. Sana sinabi ninyo na lang sa amin na, huwag ka nalang umalis kasi buntis ako.

Para kapag sinabi mo 'yon sasabihin ko sa 'yo kung 'yon din 'yong desisyon ko. Kaysa 'yong hindi ka magsasalita tapos kapag hindi namin nahulaan 'yong nasa utak ninyo magagalit kayo.”

Dito na sumagot si Angeline na may dahilan kung bakit ganyan na lang siya pagdating sa boyfriend. Dahil kuwento ni Angeline minsan na siyang naloko sa sobrang pagiging mabait niya. Bagama't hindi niya tinukoy kung ang boyfriend ba ngayon ang sinasabi niyang nagloko noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi mo rin masisisi ang mga babae. Kaya siguro ganyan ako katakot kasi may nangyari before na sa sobrang payag ko naman nagloko na.”

Ito ang sabi pa ni Angeline. Pero pagpapaliwanag ni Vice, kahit na sila ay may relasyon, sila parin ay may sariling buhay. Kaya naman hindi dapat nila pigilan ang isa’t isa na gawin ang mga bagay na ikakasaya nila. Tulad na lang ng pakikipagkita sa mga kaibigan.

“Kailangan kahit may partner ka na sa buhay hindi mawala ang kaniyang pagkatao. Huwag ninyong ipilit na kayong dalawa ay iisa. Hindi totoo 'yon.”

Ito ang sabi ni Vice na ipinupuntong dapat ang magkarelasyon ay nirerespeto ang oras at choice ng isa’t isa.

Image from Angeline Quinto's Facebook account

BASAHIN:

Angeline Quinto sa pagiging bugnuting buntis: “Ang babaw kasi ng mga nagiging dahilan.. Ako nga minsan naiinis sa sarili ko e.”

Angeline Quinto proud ng ipinakita sa publiko ang itsura ng ama ng kaniyang magiging anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Philmar noong nagsisimula ang relasyon nila ni Andi: “Hindi tayo bagay. People don’t like us to be together because taga-isla lang ako.”

Reaksyon ng mga netizens

Sa pag-uusap na ito ni Vice at Angeline ay maraming netizen ang nakarelate at nagbigay rin ng opinyon nila tungkol sa pakikipagrelasyon.

“Having a partner doesn't mean sa relasyon niyo nalang iikot 'yong mundo niyong dalawa, bago pa kayo maging mag-partner may kanya-kanya na kayong buhay. For me, to have a healthy relationship, you need to respect and value your partner and his/her decision.”

“Happily married for 14yrs but the advice made me rethink and reassess if I am still giving enough space for my partner to have his ‘ME’ time. Ang galing lang. Sometimes, it takes other people outside our family to tell us the exact same things we would hear from our parents.”

“Kung napanuod ko to 10months ako siguro 'di tuluyang nasira ang pamilyang binuo namin dami kong natutunan sa vlog na 'to.”

Ito ang ilan sa naging reaksyon ng mga netizen. Ikaw naka-relate ka ba usapan nina Angeline at Vice Ganda?

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement