Angeline Quinto buntis sa kaniyang second baby. Ang pregnancy reveal na sinabayan ng gender reveal ng kaniyang baby ay ginawa ng singer sa nakakatuwang paraan.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Angeline Quinto buntis sa kaniyang second baby.
- Pagpapakasal ni Angeline.
Angeline Quinto buntis sa kaniyang second baby
Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto
Trending ngayon ang kantang “Piliin mo ang Pilipinas” sa TikTok. Ang kanta ginagamit na background music ng makeup challenge na kinasahan ng maraming netizens pati na mga celebrities. Isa nga sa hindi nagpahuli sa nasabing challenge ay ang singer na siyang kumanta ng “Piliin mo ang Pilipinas” walang iba kung hindi si Angeline Quinto.
“Magpapahuli pa ba ako? 💙🩷”
Ito ang caption ng post ni Angeline sa Instagram. Pero ang inakalang makeup challenge lang ng singer ay may kaakibat palang revelation. Dahil sa patapos na parte ng kanta ay ipinakita ni Angeline ang lumalaki niya ng tiyan. Kasunod nito ang pagrereveal ng gender ng kaniyang second baby na isang girl. Ito ay nalaman nila Angeline sa pamamagitan ng pagbasag niya ng palayok habang nakapiring ang mata. Pagkabasag ng palayok, kulay pink ang powder at confetti na lumabas. Kasama niya sa naturang pregnancy at gender reveal ay ang mister niya na ngayong si Nonrev Daquina at anak nilang si Sylvio.
View this post on Instagram
Pagpapakasal ni Angeline
Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto
Nitong nakaraang buwan ay ginulat rin ni Angeline ang publiko ng magpakasal ito sa nonshowbiz partner niyang si Nonrev. Ang kanilang kasal ginanap sa Quiapo Church na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan. Very Pinoy rin ang theme ng kanilang kasal na very unique dahil traditional na jeepney ang kanilang bridal car.
Samantala, nitong nakaraang linggo ay nagdiwang din ng kaniyang second birthday anak ni Angeline na si Sylvio. Ito ang naging birthday message niya sa anak.
“Happy 2nd Birthday, Sylvio👶 Sana lagi kang maging sweet at makulit. I love you very much, Anak🥰🎂 .”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!