LOOK: Angeline Quinto kumpirmadong engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend!

Angeline sinabing si Nonrev ang true love niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angeline Quinto confirms engagement to boyfriend Nonrev Daquina. Narito kung paano ginawa ng singer ang kumpirmasyon.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Nonrev Daquina and Angeline Quinto engagement.
  • Usapang kasal nina Angeline at Nonrev.
  • Relasyon nila Angeline Quinto at Nonrev Daquina.

Nonrev Daquina and Angeline Quinto engagement

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Ilang buwan naring tanong sa marami kung engaged na ba ang singer na si Angeline Quinto sa boyfriend niyang si Nonrev Daquina. Ito ay matapos mag-post ni Angeline ng larawan noong Hulyo kung saan mapapansing may kumikinang na singsing sa daliri niya. Si Angeline, nanatiling tikom ang bibig at hindi nag-react sa tanong at palagay ng mga netizens.

Nitong nakaraang araw, September 24, sa kaniyang Instagram stories, nagparamdam ulit si Angeline patungkol sa engagement.

Sabi niya sa isang IG story ay ito “It’s time to write a new story.” Sinundan ito ng mga salitang “boyfriend” at “girlfriend” na may guhit o slash na tila pinalitan ng mga salitang  “fiancé” at “fiancée”. Sa ginawa na ito ni Angeline ay mas umingay ang usap-usapan na siya talaga ay engaged na kay Nonrev Daquina.

Si Angeline ngayon ay nasa Amerika para sa isa sa mga concert doon. At sa isa mga performances niya ay sa wakas nagbigay linaw na si Angeline tungkol sa mga espekulasyon. Siya nga ay engaged na kay Nonrev Daquina. Ang kumpirmasyon ng singer ginawa niya sa pamamagitan ng pag-acknowledge sa presensya ng ina ni Nonrev sa isa sa mga shows niya sa US. Ito ay tinawag niyang kaniyang future mother-in-law at ina ng kaniyang fiancé.

“Espesyal ang gabing ito ngayon para sa akin. Dahil nandito po sa audience ang soon-to-be mother-in-law ko. Ang nanay po ng aking fiancé ay nandyan.”

Ito ang sinabi ni Angeline na kumpirmasyon ng engagement nila ni Nonrev Daquina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Usapang kasal nina Angeline at Nonrev

Larawan mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Sa isang panayam sa kaniya ng isang showbiz news site ay sumagot si Angeline sa mga usaping pagpapakasal nila ni Nonrev. Ayon sa singer, alam niyang si Nonrev ang kaniyang one true love at kung may tao siyang gustong pakasalan, walang iba kung hindi ito.

"Alam kong siya na yun. Siya 'yong ano ko, 'yong true love."

Ito ang sabi ni Angeline sa panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi pa niya ay napag-uusapan na naman nila ang tungkol sa kasal. Minsan naring sinabi ni Nonrev sa kaniya na siya ang gusto nitong makasama habang-buhay.

“May mga ganoong usapan na talaga. Hindi man napapag-usapan na lahat, pero unti-unti, dumarating kami sa puntong ganoon. Syempre, sa ngayon na nagkaanak ako at bumubuo kami ng sarili naming family pinag-uusapan namin ang tungkol sa kasal. Siya naman ang nag-o-open noon, e. Ang suwerte ko lang kasi naririnig ko sa kanya, ako 'yong gusto niyang makasama habang buhay.”

Ito ang sabi pa ni Angeline.

Relasyon nil=na Angeline Quinto at Nonrev Daquina

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang noong una ay pinili ni Angeline na hindi muna ipakita sa publiko ang mukha ng boyfriend niyang si Nonrev. Ibinahagi rin ni Angeline na ito ay may anak sa naunang babaeng nakarelasyon niya. Si Nonrev hindi naman ito idineny. Pero sabi ng singer ay hindi ito problema sa kaniya at sa katunayan ay gusto niya pa itong makilala.

“'Yong una kong anak nung 15 ako sa first partner ko. Bale nagkaroon kami ng dalawang anak na babae. Tapos hindi nag-work 'yong relationship namin. Nagkaroon ulit ako ng partner na pangalawa, nagkaroon ulit kami ng isang anak na babae. And then hindi rin nag-work 'yong sa amin tapos si Angge na 'yong nakilala ko. Bale si Sylvio, pang-apat ko siya na anak.”

Ito ang pagbabahagi ni Nonrev tungkol sa nakaraan niya at sa mga nauna niya ng pamilya.

Si Angeline naman ay very positive ang reaksyon dito. Dahil ang singer umaasa at gustong gusto na sana kapag nasa tamang oras na ay makilala rin ni Sylvio ang mga kapatid niya.

“Parang ang saya nun. Kahit hindi man mangyari ngayon, mangyayari rin naman 'yan in the future. Pero gusto ko kapag nangyari 'yon malaki na rin si Sylvio para makilala niya rin mga ate niya.”

Sa hiwalay na panayam ay may hiling at mensahe si Angeline para kay Nonrev at sa binuo nilang pamilya kasama si Sylvio. Ito ang sabi ng singer.

“Sana palagi kaming maging isa at sana lagi kaming mag-tulungan para kay Sylvio. Sana kung mayroon mang pagkakataon na hindi kami okay or nagkakaroon kami ng tampuhan sa isa't-isa, sana huwag hayaang lumaki. Laging pag-uusapan. Kasi ayokong masanay ng ganun.”

“Sana palagi lang tayong maging buo at saka alam mo naman na kayo yung pinaka-inspirasyon at buhay ko ngayon.”

Ito ang sabi ni Angeline.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Nonrev ito naman ang mensahe para sa singer at ina ng kaniyang anak na si Sylvio.

“Kahit marami kaming bagay na hindi pinagkakaintindihan, sana palagi namin piliin ang isa't isa.”

Ito ang sabi pa ni Nonrev.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement