Paulo Avelino nasorpresa na mabilis na nakapag-adjust ang kaniyang anak na si Aki sa America. Binahagi rin ni Paulo Avelino ang pinagkakaabalahan niya ngayon na company maliban sa showbiz.
Mababasa sa artikulong ito ang sumusunod:
- Paulo Avelino gives update about his son, Aki
- Paulo Avelino owns a gaming company
- Parenting kapag malayo ang anak
Paulo Avelino gives update about his son, Aki
Kahit malayo sa kaniyang piling, hindi pa rin nakakalimutan ni Paulo Avelino na maging responsableng ama para kay Aki.
Nakapanayam ng theAsianparent Philippines si Paulo sa nangyaring partnership ng LuponWXC at Enderun College. Doon naitanong kay Paulo ang tungkol sa adjustment ng kaniyang anak na ngayon ay nakatira na sa America.
Ayon kay Paulo, nasorpresa siya na mabilis naka-cope up si Aki sa ibang bansa. Noong magtungo siya doon ay si Aki pa raw ang nag-tour sa kaniya.
“Surprisingly, he coped really fast. I was surprised as well. He knows everyone in school. He toured me around.”
“I think he is really happy there.”
Larawan mula sa Instagram account ni Paulo Avelino
Kasama ni Aki sa New York ang kaniyang mommy na si LJ Reyes, pati ang kaniyang bunsong kapatid na si Summer.
Matatandaan na nagtungo ang pamilya sa America noong umusbong ang balita na hiwalayan ni LJ sa komedyanteng si Paolo Contis.
Sa kabila ng pagiging malayo ni Paulo kay Aki, hindi pa rin natitigil ang kanilang komunikasyon bilang mag-ama. Nito lang April ay nagtungo sa New York ang aktor para makita ang kaniyang anak.
Nagbigay rin siya ng mensahe para kay Aki sa kaniyang Instagram post.
“Weird to see this little boy so independent. Don’t grow up so fast.”
Sa nakaraang interview, madalas din daw niyang makausap ang anak kapag mayroon itong free time. Ang nagiging bonding moment nila ngayong mag-ama ay sa pamamagitan ng games.
“Pero usually ang bonding namin parang gaming rin talaga. Kumbaga, parang mahilig din sa games yung anak ko. Siguro nagmana sa tatay.”
Paulo Avelino owns a gaming company
Sa parehong interview ng theAsianparent, naibahagi rin ni Paulo Avelino na siya ay isa sa mga owner ng LuponWXC, isang gaming at streaming company na specialized sa Esports industry.
Sa ngayon ay ka-partner nila ang Enderun Colleges para magtatag ng summer courses para sa Esports.
“It’s gaming in general. Our company also does live broadcasts. I think part of the courses is also behind the casters, tech. Basically how to run a live broadcast.”
Larawan mula sa Instagram account ng LuponWXC
Sa ngayon ay summer courses pa lamang ang kanilang partnership with Enderun Colleges. Ngunit umaasa si Paulo na in the future ay magkaroon ng full courses para sa mga gustong pasukin ang Esports industry.
“As well all know, Esports is becoming bigger and bigger as the years pass by. And we have proof that people could actually have a career in Esports.”
Ayon kay Paulo Avelino, maging siya ay mahilig din sa gaming.
“I grew up playing games. It’s my past time. I’m still playing games until now and I’m happy that I have an opportunity to enter and have a company that gives opportunity to people who wants to enter Esports and work in gaming.”
Isa ang Pilipinas sa mga Asian country kung saan malaki ang gaming scene, partikular ang Esports industry. Nandiyan ang mga medalya na nakukuha ng bansa sa ilang competitions tulad ng Southeast Asian Games dahil sa Esports.
Paano ang parenting kapag malayo ang anak
Hindi madali ang set-up na long distance parenting. Ito ay kapag malayo sa iyong tinitirahan ang iyong anak. Ngunit kailangan mo pa rin maparamdam sa kaniya na ikaw ay magulang niya.
Larawan mula sa Shutterstock
Heto ang ilan sa mga paraan para masigurong hindi malayo ang loob sa iyo ng anak kahit hindi kayo magkasama:
Makipag-usap sa iyong co-parent
Kung hiwalay na kayo ng isa pang magulang ng inyong anak, mahalaga na magkaroon pa rin kayo ng communication. Ito ay para na rin malaman niyo ang mga nangyayari sa inyong anak.
Malalaman din sa kanila kung ano ang schedule na maluwag sa inyong anak para sila ay mabisita o matawagan. Maaari ring makibalita kung may problema ba ang inyong anak na ayaw nilang sabihin.
Magpadala ng mga regalo o pasalubong
Kung hindi kayang dalawin sila, maipapakita na hindi niyo sila nakakalimutan sa pamamagitan ng pagpapadala ng pagkain na kanilang paborito. Ang mga regalo din sa kanilang espesyal na araw ay hindi rin dapat makalimutan.
Huwag masyadong mag-expect
Hindi ka dapat ma-disappoint kung sakaling hindi kaagad makapag-reply ang iyong anak. Minsan kasi ay busy rin ito o kaya ay nagpapahinga. Expected ito lalo kung nasa ibang bansa ang inyong anak.
I-record ang inyong mga memory ‘pag magkasama
Sulitin na ang mga panahon sa tuwing kayo ay magkasama. Laging mag-take ng videos at pictures at ipadala ito sa kanila. Ito ay para may alaala rin sila sa inyong bonding moments.
Technology is the key
Kung dati ay mahirap makipag-usap kapag long distance, ngayon ay sobrang dali na. Ang paggamit ng mga social media platform para makausap ang inyong anak ay magandang way para makipag-communicate sa kanila regularly.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!