Esports College Philippines degree bubuksan ngayong taon?
Esports College Philippines
Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinalita ng Tier One Entertainment na may niluluto silang malaking proyekto para sa mga gamers dito sa bansa. Ito ay ang pagbubukas ng kurso ng esports dito sa Pilipinas.
Nilalayon nga nilang maisagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa LPU o Lyceum of the Philippines University na mag-ooffer ng nasabing kurso.
View this post on Instagram
A post shared by Tier One Entertainment (@tieroneentertainment) on
Bachelor of Science in Esports
Sa isang Facebook post ay ibinahagi rin ni Tier One CEO, Tryke Gutierrez ang nasabing magandang balita. Ayon sa kaniya, sa loob ng ilang linggo ay mangyayari na nga ang pagbubukas ng kurso sa esports sa bansa. Ito ay ipinangalanan nilang Bachelor of Science in Esports. Na itinuturing nilang isa sa pinakamalaking milestones sa kasaysayan ng esports sa Pilipinas.
“We are weeks away from reaching one of the biggest milestone in Philippine esports history. In the recent years, multiple universities around the world have opened their institutions to esports courses and as one of the biggest esports market in Asia, this is Philippines’ turn to take that leap.”
Ito ang pahayag ni Gutierrez sa kaniyang Facebook post.
Dagdag pa niya ang Bachelor of Science in Esports ay isang 4-year course na mayroong dalawang track na maaring pagpilian ng mga estudyante. Ito ay ang game design at esports management.
“In partnership with LPU, Tier One Entertainment is finalizing the drafted curriculum for a four-year program called Bachelor of Science in Esports. The 4-year course will have two tracks for students to choose from its either game design or esports management. I can’t disclose the full subjects yet but we are 80% done.”
Bagamat sa ngayon ay hindi pa nila tapos ang curriculum design ng kurso ay nilalayon nilang maipakita na ito sa CHED o Commission on Higher Education itong darating na Marso.
Ang esports ay hindi lamang basta pampalipas ng oras.
Ayon pa kay Gutierrez naniniwala siyang magiging napakalaking tagumpay nito sa gaming industry. At isang patunay na hindi lamang basta pampalipas ng oras ang paglalaro. Dahil para magawa ito ay hindi lamang basta passion ang kakailanganin. Kung hindi pagsisikap at skills na maari nilang pag-aralan at hasain sa pamamagitan ng bagong kurso.
“To the future students of this course, this is a golden opportunity to show our society that gaming is not a waste of time. I’m giving you a heads up that this course is not going to be easy. It’s not going to be just about fun and games. I’ve been in this industry for too long to understand that it takes more than passion in order to achieve what you want to achieve in this field. You need hard work, sacrifice, skills, professionalism and many more.”
Image from Unsplash
Ito ay maaring magbukas rin ng oportunidad at trabaho.
Sa hiwalay na Facebook post ay sinabi rin ni Gutierrez na ang nasabing kurso ay magbubukas rin ng oportunidad sa mga gamers na makakapagtraho sa esports industry. At hindi lamang basta mahasa at madagdagan pa ang kanilang skills sa paglalaro.
“The goal has always been to create more opportunities for gamers in Asia. If this curriculum gets approved, we won’t just be providing post-career opportunities for gaming but we will have a new generation of graduates ready to work in the esports industry.”
Ang ilan nga daw sa mga trabahong maaring pasukan ng mga estudyante na makakagraduate sa bagong kurso ay game designer, software developer at animation engineer.
Sa isa paring Facebook post ay hinikayat naman ni world renowned cosplayer at Tier One co-founder Alodia Gosiengfiao ang mga gamers na suportahan ang proyekto nilang ito. Dahil kung sakaling maaprubahan na ito ng CHED ay sisimulan na nilang i-offer ang kurso ngayong taon.
Ano ang Esports?
Ayon sa website na gamedesigning.org, ang esports ay tumutukoy sa competitive video games. Ito ay ang mga larong tulad ng League of Legends at Dota.
Maliban sa Esports College Philippines, ay maraming bansa narin ang nagbukas ng esports program para sa kanilang mga avid gamers. Karamihan nga sa mga universities na nag-ooffer ng esports program ay matatagpuan sa US. Ilan sa mga ito ay ang Miami University sa Ohio, Boise State University sa Idaho at University of California-Irvine sa California.
Source:
Game Design Org, Spin.Ph
Video games can boost maths, reading and science scores, study finds
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!