LOOK: Angeline Quinto, ipinakita ang maternity shoot

Angeline Quinto, stunning sa kaniyang maternity photoshoot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angeline Quinto, ibinahagi sa mga netizen ang ilang mga litrato at behind the scene footages ng kaniyang ginawang maternity shoot.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Angeline Quinto maternity shoot
  • Angeline Quinto pregnancy update
  • 5 Maternity photoshoot ideas na maaaring gawin sa bahay

Angeline Quinto maternity shoot

Proud na proud na ipinakita ng aktres na si Angeline Quinto ang kaniyang baby bump sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kaniyang maternity shoot.

Pagbabahagi ni Angeline Quinto sa kaniyang Instagram post,

“My Maternity shoot. Napakasarap sa pakiramdam na maranasan lahat ito. Lalo kasama ang mga taong malapit sa puso ko.”

Masasabing hindi lamang ang kaniyang team ang tinutukoy niyang mamamalapit sa puso niya na nakasama niya sa ginawang maternity shoot na iyon.

Bagama’t hindi pa tuluyang nire-reveal ang totoong identity, ipinakita na rin ni Angeline ang mukha ng ama ng kaniyang magiging baby boy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaan na sa ilang mga vlogs niya at sa ilang mga interview kasama ang ilang mga kilalang personalidad ay hindi niya intensyong gawing pribado ang kanilang relasyon.

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Bagkus, ito ay pansamantala lamang dahil nais niyang sulitin ang pagkakataong ito upang mag-focus muna sa kaniyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Angeline Quinto,

“Walang katumbas na kasiyahan ang nararamdaman ko habang ginagawa namin lahat ito.”

Bilang isa na siya sa mga soon-to-be mom, sinigurado naman niyang mayroon silang magagandang litrato bago pa man tuluyang lumabas ang kaniyang baby.

Sa ginanap na maternity shoot, gumamit ang aktres ng iba’t ibang simple subalit napaka-elegant na mga kasuotan. Karaniwan sa kulay ng kaniyang outfit para sa kaniyang maternity shoot ay neutral colors, gaya na lamang ng black, white, at beige.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Angeline Quinto pregnancy update

Nito lamang din nakaraan ay ibinahagi ng aktres na si Angeline, na 31 weeks na siyang pregnant sa kasalukuyan. Ayon kay Angeline Quinto,

“I’m 31 weeks pregnant and counting kicks…came from my doctor today and happy to share with all of you that my baby boy is growing healthy and strong!”

Hindi nakakalimutan ni Angeline na parating i-update ang netizen, lalo na ang kaniyang mga followers at supporters na excited na rin sa pagdating ng kaniyang baby.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account at Youtube channel, naibabahagi niya ang kasalukuyang lagay ng kaniyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masaya niyang ibinahagi kung gaano siya ka-excited na mailabas na ang bata sa kaniyang sinapupunan upang ito ay kaniya nang makita at mahagkan.

“I can’t wait to meet you anak,” saad ng aktres na si Angeline Quinto.

Angeline pregnancy update. | Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

BASAHIN:

Want a newborn photoshoot? Here are 11 photography studios offering home service shoots

Mother breastfeeds her daughters in a stunning photoshoot

Angeline Quinto sa kaniyang 3rd ultrasound: “Dito ko unang narinig ‘yong heartbeat ni baby”

5 maternity photoshoot ideas na maaaring gawin sa bahay

Sulitin ang limitadong mga oras ng iyong pagbubuntis at mag-iwan ng mga litratong maaaring ninyong balik-balikan bago pa man lumabas ang iyong little one! Maaari kang mag-photoshoot kahit sa loob lamang ng iyong tahanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang maternity photoshoot ay isang magandang paraan upang iyong mai-celebrate at i-honor ang iyong pagbubuntis sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato na maaari ninyo balikan pagdating ng panahon.

Kailan ang best time para magkaroon ng maternity shoot?

Ang kahalagahan ng maternity shoot ay ang mai-flaunt ang iyong napakagandang baby bump. Ang best time upang gawin ito ay bago matapos ang iyong second trimester o sa panimula ng third trimester ng iyong pagdadalang-tao.

Sa mga panahong ito mas makikita na ang iyong baby bump, perfect na perfect para kuhanan ng liltrato.

Hindi ka habambuhay buntis, maaari pagsisihan mo na hindi mo ito sinubukan. Kaya naman ano pang hinihintay mo? Narito na ang ilang mga DIY [do-it-yourself] maternity photoshoot ideas:

1. Silhouette

Ang silhouette photography ay isang magandang paraan upang magkaroon ng maternity pictures na walang masyadong ipinapakita. Isa itong magandang paraan upang mabalanse ang art ng revealing at concealing.

Perfect din ang ganitong uri ng photography para sa mga taong medyo mahiyain at hindi masyadong komportableng humarap sa camera upang kuhanan ng litrato.

2. Outdoors

Karaniwan sa mga litratong kuha sa labas ay nagreresulta ng maganda. Ito ay dahil sa natural light na nagbibigay buhay at nagpapaganda ng bawat detalye ng litrato.

Hindi rin ito mahirap gawin dahil bukod sa mayroon nang natural light, medyo effortless pa dahil hindi na kinakailangan ng marami pang props at extra element para kumpletuhin ang litrato.

3. Indoors

Samantala, maganda rin ang magkaroon ng indoor shots lalo na kung mayroon bahagi ng inyong tahanan na significant para sa inyong mag-asawa o para sa inyong baby. Halimbawa naman lamang nito ay ang inyong living room o nursery room.

4. Photoshoot kasama ang nakatatandang kapatid

Matutuwa ang iyong panganay na anak kung isasama mo siya sa gagawin mong maternity shoot. Isa rin itong magandang paraan upang i-celebrate ang pagdating ng iyong bunso at pagiging kuya o ate ng iyong firstborn.

5. Photoshoot na mayroong prop

Para mas lalo pang maging meaningful ang iyong maternity photoshoot, maaari kang gumamit ng isa hanggang dalawang prop. Halimbawa na laman nito ay libo, laruan, sapatos, o damit na pambata.

Limitahan lamang hanggang dalawa upang ang baby bump mo pa rin ang maging kapansin-pansin sa litrato.