X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Angeline Quinto, 5 months pregnant na!

5 min read
LOOK: Angeline Quinto, 5 months pregnant na!

Angeline Quinto, ibinahagi na siya ay nagdadalang tao sa kaniyang unang baby sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Singer/actress na si Angeline Quinto 5 months pregnant sa kaniyang first baby!

Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:

  • Kumpirmasyon ni Angeline Quinto sa kaniyang pagbubuntis.
  • Sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Angeline Quinto.

Angeline Quinto 5 months pregnant sa kaniyang first baby

Masayang ibinalita ng singer/actress na si Angeline Quinto na siya ay nagdadalang-tao sa kaniyang unang baby. Ito ay kaniyang ginawa sa exclusive “The Purple Chair Interview” sa kaniya ng batikang TV-host na si Boy Abunda.

Nitong mga nakaraang linggo, ay naging usap-usapan na buntis si Angeline Quinto. Nagsimula ito ng kumalat ang isang TikTok video na kung saan makikita ang telepompter sa naganap na 10Q concert series ng singer nitong nakaraang buwan. Ang ginaganap na concert series ay selebrasyon ng ika-10 taon niya sa showbizness.

Sa nasabing viral video ay ito ang makikita na nakalagay sa teleprompter.

“(ANGGE TO SHARE PREGNANCY JOURNEY)
..PREGNANCY KIT
..1ST ULTRASOUND”

Mas lumakas pa ang ugong na nagdadalang-tao nga ang singer dahil sa mga Instagram post niya tungkol sa pagdating ng blessings at pagsisimula ng bagong chapter ng kaniyang buhay.

Ngayong gabi ay nagsalita na si Angeline. Pagbabahagi niya nakapag-post siya ng tungkol sa panibagong chapter sa kaniyang buhay dahil sa dalawang bagay. Isa na nga rito ang masayang balita na siya ay malapit ng maging isang ina.

“Kaya ko iyon nai-post for me nung nawala ang mama ko panibagong panimula ulit. Pangalawa kasi, magiging nanay na rin ako.”

Ito ang masayang pagbabahagi ni Angeline.

Kuwento ni Angeline, Setyembre nitong taon ng malaman niyang siya ay nagdadalang-tao. Ang ang unang naging reaksyon niya ay pagkatakot. Hindi dahil sa bagong responsibilidad na mayroon siya kung hindi sa mga sasabihin ng mga tao sa paligid niya.

“Natakot ako una. Kasi sa totoo lang hindi ko alam tingnan yung positive at negative sa pregnancy test”, natatawang kuwento ni Angeline.

“Nung niresearch ko dalawa pala yung positive. Hindi ako makalabas ng CR noon. Iniisip ko lang sino unang sasabihan ko. Kasi natatakot ako, dahil sa trabaho ko.”

Ito ang kuwento pa ni Angeline na sinabing ngayon ay very happy at excited siya na makita na ang anak niya. Dahil ilang buwan nalang, sa darating na Abril ay ipapanganak niya na ito.

Ama ng dinadala ni Angeline

Isa rin sa malaking tanong ng nakakarami ay kung sino ang ama ng dinadala ni Angeline. Pahayag niya, ito ay ang kaniyang non-showbiz boyfriend na higit isang taon niya ng ka-relasyon. Pero mas minabuti niyang huwag masyadong magbahagi ng impormasyon tungkol dito. Dahil sa pagnanais na gawing pribado hangga’t maari ang kaniyang buhay pag-ibig.

“Nakilala ko siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila. So ngayon bale, mag-iisang taon mahigit narin kami.”

Ito ang nasabi ni Angeline tungkol sa magiging ama ng anak niya.

Dagdag pa niya, para sa kaniya ay ito na ang “the one”. Dahil sa kabila ng komplikadong sitwasyon ay minahal niya ito ng buong-buo.

Ang unang dahilang binanggit ni Angeline kung bakit naging komplikado ang kanilang relasyon ay dahil sa tatlong taon siyang mas matanda dito. At pangalawa, ito daw ay may anak na sa nauna nitong karelasyon.

angeline quinto pregnant

Angeline Quinto kinumpirmang 5 months pregnant siya/Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Pero masayang kuwento ni Angeline, ay very excited sila ng kaniyang boyfriend sa kaniyang pagdadalang-tao. Sa katunayan, ay nag-uusap na sila ng posibleng ipangalan dito.

“Gusto kong magiging name ng anak ko ang meaning is about music and messenger of God.”

Ito ang excited pang kuwento ni Angeline tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao.

BASAHIN:

Maxene Magalona sa kaniyang anxiety: “The more we let go, the more we become free”

Kaya mo bang hulaan ang famous parents nila? 26 celebrity babies na ipinanganak nitong 2021

Elisse Joson: Imbis na “Mama,” ito ang naging first word ni Baby Felize

Buhay ni Angeline Quinto

Si Angeline ay nakilala nang siya’y sumali sa Star Power, isang singing competition sa ABS-CBN. Simula noon ay naging tuloy-tuloy na ang karera niya sa showbiz. Nakagawa na rin siya ng ilang mga pelikula.

Hindi rin mawawala ang mga nakilala at minahal ni Angeline Quinto sa showbiz industry. Sa panayam sa kaniya ni Karen Davila sa YouTube Channel nito, nagbahagi si Angeline ng kaniyang buhay. Isa na rito ang pagkaka-link noon nila ng singer rin na si Erik Santos.

angeline quinto pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

Sinubukan umano nilang pumasok sa relasyon ni Erik noon, subalit hindi ito nag-work out para sa kanila. Pagbabahagi ni Angeline,

“Singing partner ko po talaga (si Erik Santos) , isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya.”

Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa.

Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo,’ kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami.”

Ito ang kuwento ng singer.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
angeline quinto pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Angeline Quinto

 

Source:

Inquirer, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Angeline Quinto, 5 months pregnant na!
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.