LOOK: Angeline Quinto ikinasal na sa long-term partner niyang si Nonrev Daquina

Tingnan dito ang mga larawan sa kanilang naging kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nonrev Daquina at Angeline Quinto wedding ginanap sa Quaipo Church kahapon April 25, 2024.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Nonrev Daquina and Angeline Quinto wedding.
  • Special guest sa kasal nina Angeline at Nonrev.

Nonrev Daquina and Angeline Quinto wedding

Larawan mula sa Instagram

Ikinasal na ang singer na si Angeline Quinto sa longtime partner niyang si Nonrev Daquina. Ang kanilang pag-iisang dibdib naganap kahapon April 25, 2024 sa Quiapo Church. Ito ang napili nilang church sa kanilang wedding dahil si Angeline at Nonrev kapwa deboto ng Poong Nazareno. Sa parehong simbahan rin umano pinagdasal ni Angeline ang lalaking makakasama niya habangbuhay.

“Dito sa lugar na ito, simbahang ito, ako humihingi sa mahal na Mahal na Poong Nazareno na sana bigyan ako ng lalakeng makakasama ko habang buhay. After 4 years, nandito tayo ngayon. Hindi naging madali umpisa natin, pero hindi tayo bumitaw.”

Ito ang bahagi ng wedding vow ni Angeline sa mister niya ng si Nonrev.

Special guests sa kasal nina Angeline at Nonrev

Larawan mula sa Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang ngayon ay wala pang ganap na pahayag si Nonrev at Angeline sa kanilang naging kasal. Pero base sa mga larawang ibinahagi ng kanilang mga kaibigan at nasipagdalo sa kanilang kasal ay simple lang ito. Bagamat ang mga napili nilang entourage at ninong at ninang ay mga kilalang tao sa showbiz industry. Kabilang nga sa kanilang principal sponsors ay sina Martin Nievera, Boy Abunda, Regine Velasquez-Alcasid, Charo Santos at mga executives ng ABS-CBN na sina Laurenti Dyogi, Cory Vidanes, at Roxy Liquigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Present rin sa kasal ni Angeline at Nonrev sina Sarah Geronimo at mister nitong si Matteo Guidicelli. Nandoon rin si Erik Santos, Kim Chiu, ZsaZsa Padilla at Vice Ganda. Syempre hindi rin mawawala sa pag-iisang dibdib ng dalawa ang anak nilang si Sylvio.

Samantala, agaw pansin sa kasal nina Angeline at Nonrev ang kanilang bridal car. Dahil sa ito ay isang traditional jeepney na pinalamutian ng bulaklak at may karatulang “Sa Wakas”.

Congratulations Nonrev at Angeline!

Larawan mula sa Instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement