Ibinahagi ni Angelu de Leon ang kaniyang pagtanggap sa karamdamang Bell’s Palsy. Paminsan-minsan ay umaatake pa rin daw ito kapag siya ay labis na napagod.
Mababasa sa artikulong ito:
- Angelu de Leon: Bell’s palsy attacks hindi disadvantage
- Ano ang Bell’s palsy
- Angelu on her father: “My career was really good because I had his blessings”
Angelu de Leon: Bell’s palsy attacks hindi disadvantage
Nakapanayam ng ‘Surprise Guest with Pia Arcangel’ ang aktres na si Angelu de Leon. Sa nasabing interview binalikan ng mga ito ang naging buhay showbiz noon ni Angelu de Leon. Naikuwento nga ng aktres na ang naging crush at puppy love niya raw noon ay si Michael Flores habang ang alam ng lahat ay ang kaniyang kaparehang si Bobby Andrews.
Para umano sa kaniya ay parang bunsong kapatid ang turing sa kaniya ni Bobby Andrews. Ani Angelu de Leon, “Hindi kailangang maging romantic para maging authentic.”
Larawan mula sa Instagram account ni Angelu de Leon
Halos parang soulmates daw kasi ang pagkakaunawaan nila ni Bobby Andrews pero hindi in a romantic sense.
Bukod pa rito ay nabanggit din ang naging kalagayan ni Angelu de Leon noong 2009 at 2016 kung saan ay dumanas ito ng pag-atake ng Bell’s palsy.
Sa ngayon daw ay nararanasan pa rin ni Angelu de Leon ang ilang sintomas ng Bell’s palsy pero ayos naman daw ang kaniyang health. Madalas daw na umaatake pa rin ang Bell’s palsy tuwing pagod si Angelu de Leon. Pero tanggap na raw niya ang kaniyang kalagayan.
“It doesn’t bother me anymore. I think that’s one thing — acceptance is key nga ‘di ba,”
Naniniwala naman daw si Angelu de Leon na may rason ang Diyos kung bakit nagkaroon siya ng Bell’s palsy.
“May mga ganun talagang parte sa buhay natin that kahit na anong minsan idasal mo na bumalik sa normal, or ‘wag sana, or gumaling, pero hindi talaga. I think it grounds you also, and you get the fear na you are living [in God’s] ways,” saad nito.
Naging inspirasyon din daw ang kaniyang kalagayan sa ibang dumaranas ng nasabing sakit.
Aniya, “Ako, I feel talaga na it’s really a grace from God, so I think it’s also inspiration to the people who [have] disabilities.”
Bukod pa rito, may mga nagpapadala rin daw ng mensahe kay Angelu de Leon na kapwa niya may Bell’s palsy. Nakapagpapalitan pa nga raw sila ng advice at pagbabahagi ng istorya.
“I guess that’s one-way na to prove na yung disability, hindi siya disadvantage,” aniya.
“Kaya sobra akong happy and kaya siguro nawawala rin siya, kasi nag-facial movement dahil nag tawa ka nang tawa, mukha na siyang normal,” dagdag pa nito.
Larawan mula sa Instagram account ni Angelu de Leon
Ano nga ba ang Bell’s palsy?
Isa itong kondisyon kung saan ay pansamantalang napaparalisa o nanghihina ang mga muscle ng mukha. Kapag mayroong ganitong kondisyon ang isang tao, karaniwang hindi nito maigalaw ang isang bahagi ng mukha.
May mga pagkakataon na agad din namang nawawala ang sintomas ng Bell’s palsy makalipas ang ilang linggo o buwan. Subalit may mga kaso rin na tulad ng kay Angelu de Leon kung saan ay muli niyang naranasan ang pag-atake ng Bell’s palsy.
Ang karaniwang sanhi nito ay pamamaga o pag-compressed sa nerves na kumokontrol sa facial muscles. Hindi pa man malinaw sa mga pag-aaral kung ano ang dahilan ng pamamaga ng mga nerve na ito sa mukha, ngunit pinaniniwalaang dulot ito ng viral infection.
Angelu on her father: “My career was really good because I had his blessings”
Naikuwento rin ni Angelu de Leon na noong bata pa siya ay hindi gusto ng kaniyang daddy na siya ay mag-artista.
Ang mommy niya raw ang lagi niyang kasama at kasabwat tuwing pupunta sa shoot ng mga commercial. Bata pa lang kasi ay alam na ni Angelu de Leon na gusto niyang pumasok sa showbiz.
Tuwing uuwi raw sila mula sa taping ay pinagagalitan sila ng kaniyang daddy.
Madalas din daw na bida sa mga Santa Cruzan sa Cubao ang aktres. Doon nga raw unang nakita ng mommy niya ang potensyal at kagustuhan niyang mag-showbiz.
Nang magkasakit ang kaniyang daddy noong siya ay 12 years old at maratay sa ospital, tsaka lang daw nito napanood ang ginawa niyang commercial.
Larawan mula sa Instagram account ni Angelu de Leon
Nasa hospital bed na raw ang tatay niya nang mapanood ang isa niyang commercial at doon lang daw siya nito binigyan ng blessing na ipagpatuloy ang pag-aartista.
“I think also, my career was really good because I had my father’s blessing.”
Tatlong araw daw matapos ibigay ang blessing nito ay pumanaw na ang daddy ni Angelu.
Sa ngayon nga ay tumigil muna sa showbiz ang aktres para gampanan ang bagong tungkulin bilang public offical sa Pasig. Nais niya raw munang mag-focus sa pagseserbisyo lalo na at aminado siyang marami pa siyang kailangang matutunan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!