Mommy, malapit ka na bang manganak? Handa na ba ang mga gamit na dadalhin sa hospital? Ibinahagi ni Anna Cay Villalobos sa kanyang vlog ang mga kailangan mo sa iyong hospital bag.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang cesarean
- Mga gamit na kailangan sa hospital bag
- Tips para sa scheduled c-section
Anna Cay CS Birth
Ano nga ba ang cesarean section ay isang uri ng surgery kung saan ang ang isang sanggol ay ipinapanganak sa pamamagitan ng paghiwa sa abdomen imbis na sa puwerta.
C-section ay pwedeng planado o hindi. May ilang nanay na hindi naman plinano ang pagiging cesarean halimbawa na ang bata ay mahirap ilabas sa pwerta. Mayroon namang naka-plano na ang panganganak sa pamamagitan ng c-section.
Si Mommy Anna Cay ay nanganak sa pamamagitan ng CS, kaya naman ibinahagi niya sa kaniyang vlog ang mga bagay na kaniyang mga natutunan sa panganganak niyang ito.
Lalo na sa katulad niyang mga moms na manganganak ng scheduled c-section.
Narito ang kaniyang video.
Mga gamit na kailangan mo sa hospital bag ayon kay Annay Cay kapag scheduled CS
Narito ang listahan ng mga gamit na kailangan mong dalhin kung ikaw ay planned c-section mula kay Anna Cay Villalobos:
-
Diaper Bag
Larawan mula sa Shutterstock
Kailangan ang diaper ay easy access para kay mommy. Ang diaper bag ay convenient dahil mas mahirap kumilos kung bagong panganak. Makakatulong ito para sa mas convenient na recovery.
-
Adult diaper
May ibang hospital na nagbibigay ng adult diaper pero siguraduhin pa rinf magdala nito.
-
Baby diaper
May mga hospital na nagbibigay ng libreng baby bag na may lamang diaper. Kung hindi naman ay mas mainam na magdala ng baby diaper na para sa newborn.
-
Alcohol sanitizer
Mahalaga lalo na sa manganganak ang mag-sanitize kaya’t huwag kalimutang magdala ng alcohol sanitizer para kay mommy at para kay baby.
-
Baby toy cleansing
Hindi maiiwasan na humawak sa bassinet ng mga gustong makakita kay baby. Kaya magdala ng baby toy cleansing para i-disinfect ito. Gumamit nito para hindi matapang ang kemikal na ginagamit sa pag-disinfect sa gamit ni baby. Hindi lahat ng disinfectant ay hindi safe para sa newborn.
-
Ballpen
Maraming form ang kailangang sulatan at pirmahan sa hospital. Para mas safe, magdala ng sariling ballpen nang hindi nahahawakan ng ibang tao.
-
Skin disinfectant
Ito ay panglinis ng tahi sa abdomen ni mommy
-
Baby brush/comb
Ginagamit ito habang pinapaliguan ang iyong baby.
-
Skin freshener
Hindi dapat paliguan ang newborn kaya magandang magdala ng skin freshener para sa kanya.
-
Gentle water wipes
Kakailanganin mo ng marami nito dahil ang mga bata ay maya’t mayang dumudumi. Pwede namang gumamit ng cotton pero kung gusto mong convenient sa paglilinis kay baby, gumamit ng water wipes.
-
Portable plasma sterilizer
May portable air purifier na mabibili sa online. Mailalagay mo ito sa tabi ng bassinet ng iyong baby para ma-cleanse ang hangin sa kanyang paligid. May ilang hospital na hindi pinapayagan ito pero pwede pa ring magdala ng air purifier kung ito ay portable at siguraduhin hindi ito naglalabas ng masamang kemikal na pwedeng malanghap ni baby.
-
Extra baby clothes
Asahan na maglulungad si baby at madalas na dudumi. Magdala ng extra clothes para kay baby.
-
Medyas
Importante na maging komportable ka habang nagre-recover lalo na at may tahi ka. Makakatulong ang medyas para mas maging komportable ka.
-
Nano Bamboo Postnatal Recovery Band
Ito ay nagbibigay sa compression sa tiyan. Pwede ring gumamit ng bikini binder pero kung gusto mo ng mas stable na core habang recovering, mas magandang gumamit ng postnal recovery band. Mahigpit ito sa tiyan kay mas mabilis kang makakalakad.
Adjustable din ito hindi tulad ng bikini binder. Masisikipan mo ito depende sa higpit na gusto mo.
-
Maternity nursing bra
Mas convenient para sa newborn at kay mommy ang nursing bra. Mas madaling makakadede si baby dahil hindi sagabal ang pagtanggal ng bra ni mommy. May mabibili online na very affordable.
Larawan mula sa Shutterstock
-
Dress
Magsuot ng dress na de-botones para mas madaling magpa-suso. Lalo na kung malayo ang hospital mula sa inyong bahay para kahit nasa gitna ng byahe, mas madaling padedehin si baby.
-
Nipple nurse
Magagamit ito sa hospital o kahit kung kayo ay nasa bahay na. Kung minsan, ang nipple ay tumutuklap kaya makakatulong ang cream para sa mas maayos shape ng nipple.
-
Lampin
Hindi mo kailangan magdala agad ng bib lalo na sa newborn. Mas maigi na gumamit ng lampin.
-
KF94 respiratory face mask
Bilang pag-iingat sa iyong sarili at kay baby. Mas maiging magdala at gumamit ng KF94 mask lalo na sa hospital.
-
Chocolate
Dahil sa pagod na nararamdaman pagkatapos manganak, kumain ng chocolate para ma-regain ang energy.
Larawan mula sa Shutterstock
5 tips para sa scheduled cesarean section
Narito naman ang tips mula kay Robyn Horsager-Boehrer, isang Obstetrics and Gynecology, kung ano ang dapat gawin ni mommy na scheduled cesarean:
-
Iwasang kumain ng pagkaing matitigas 8 oras bago manganak
Ito ay nakakabawas sa posibilidad ng pagsusuka o mga komplikasyon sa baga. Inirerekumenda ring umiwas sa pag-inom ng anumang inumin bago ang operasyon.
-
Maligo at gumamit ng special soap
Isang araw bago ang operation, inirerekumenda na maligo ng may special soap (ibinibigay ng OB o pwedeng mabili sa drug store). Ito ay para mapatay ang bacteria sa balat para maiwasan ang infection na pwedeng makuha sa operasyon.
-
Huwag ahitin ang buhok sa tiyan o pubic area
Ang pag-ahit ng balahibo sa tiyan bago ang operasyon ay hindi nakakatulong para sa maayos na c-section. Huwag itong aahitin dahil maaari itong magsugat na pwedeng pasukan ng infection.
-
Talakayin sa doktor kung paano tatahiin ang iyong tiyan
Kung unang beses mo palang manganganak, mas maiging itanong sa iyong doktor ang may kinalaman sa iyong operasyon tulad ng closure method.
-
Talakayin sa doktor ang pain control/management
Maraming paraan para sa pain control sa araw ng surgery. Pwede mo itong itanong sa iyong doktror. May pain control na ang medication ay sa pamamagitan ng epidural catheter or spinal.
Magandang ideya na talakayin mo sa iyong doktor ang opsyon mo bago ang operasyon para mas ma-measure nya ang mga hakbang na gagawin sa iyo para ihanda ka sa iyong C-section operation.
Source:
YouTube, UTSMED, WhatToExpect, StandfordChildrens
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!