LOOK: Annabelle Rama nag-celebrate ng 67th birthday

LOOK: Annabelle Rama nag-celebrate ng 67th birthday

Alamin ang mga ilang highlights sa nangyaring grand 67th birthday bash ni Annabelle Rama kasama ang kaniyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Nag-celebrate nga ng 67th birthday ang dating aktres na si Annabelle Rama kasama ang kaniyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Ang aktwal na birthday ni Annabelle ay ika-28 ng Oktubre, ngunit pinili nila itong i-celebrate ng mas maaga.

Nagkaroon nga ng grand 67th birthday bash ang pamilya nito para sa kaniya sa Palm Grove sa Makati.

"Age is just a number," sabi ni Annabelle Rama

Sambit nga ni Annabelle Rama sa kaniyang Instagram birthday post na "age is just a number," dahil bumabata pa rin di-umano ito sa kaniyang positibong outlook sa buhay niya.

Aniya pa, "And I always pray to God, thanking Santo Niño for the gift of life, nakikita ko ang aking mga anak na napaka-successful na sa kani-kanilang career at personal life."

"Gikan sa akong kasing-kasing daghan gyud kaayong salamat sa akong family sa inyong pagmamahal sa akin," pasasalamat ni Annabelle sa pamilya.

"Maraming salamat sa aking mga supporters lalo na sa pag-support ninyo sa aking mga anak sa kanilang career," pasasalamat naman ng dating aktres sa kaniyang mga taga-suporta at sa mga supporters ng mga anak niya.

Pasasalamat naman ni Annabelle sa mahal niyang asawang si Eddie Gutierrez, "Words are not enough na ma-express ko sa inyo kung gaano ako ka-happy sa buhay ko, lalong-lalo na nandyan pa rin sa tabi ko in good times and in bad times—salamat sa iyo aking pinakamamahal na Asawa ko Eduardo."

"Maraming salamat sa mga kaibigan ko sa patuloy ninyong pagsuporta at pagmamahal sa akin," pasasalamat naman nito sa mga kaibigan.

"Happy talaga ako sa birthday ko," pagbahagi ni Annabelle ng kaniyang kasiyahan.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig) on

Naging biruan ang pagkakadamay ni Ruffa sa patutsandahan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie

Sa naganap na 67th birthday bash ni Annabelle Rama, tila hindi naiwasang maging biruan din ang recently lamang na pagkakadamay ng anak na si Ruffa Gutierrez sa patutsandahan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie.

May mga ilang mga memes nga na kumakalat recently dahil sa video ng pagto-toast na ito nila Annabelle at Ruffa.

Habang ngang nagto-toast ang mag-inang Annabelle at Ruffa, tila pabirong hinamon ni Daisy Romualdez si Annabelle habang sila ay nagto-toast.

Bago mag-toast sambit ng anak na si Ruffa sa ina, "Huwag mo nang i-post ang 10-page letter mo, Ma, peaceful na ang lahat."

Tugon naman ni Annabelle sa anak, "Tapos na ang giyera, Ruffa. Minsan lang ako magpo-post, tapos na."

Biglang sambit at hamon naman ni Daisy kay Annabelle, "Tirahin mo na si Gretchen, 'day!"

"Tapos na, 'day," natatawang tugon ni Annabelle kay Daisy, sabay tawanan ang lahat ng bisita nito.

Kinilig sa asawang si Eddie Gutierrez

Isa pang video na nai-post online ay pagka-kilig ni Annabelle Rama sa asawa nitong si Eddie Gutierrez.

Sa naturang video, ang napaka-gwapong si Eddie ay inalayan ng kanta ang asawang si Annabelle.

Kumanta si Eddie ng Blue Suede Shoes ni Elvis Presley na kalaunan ay niyaya kumanta ang apong si Zion na anak nila Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Ito pa ang ilan sa mga litratong kuha ng Nice Print sa 67th birthday bash ni Annabelle Rama.

Source: Nice Print Photography

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner