X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anne Clutz shares reason why her two sons have cleft lip: "Malakas po sa dugo namin."

5 min read

Ibinahagi ng vlogger na si Anne Clutz sa kaniyang YouTube video ang dahilan kung bakit may cleft lip ang dalawang anak niya. Sa ngayon ay dumadaan sa pregnancy si Anne Clutz kung saan nakita sa congenital anomaly scan na mayroon ding cleft lip ang kaniyang nasa sinapupunan.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Anne Clutz ipinaliwanag kung bakit may cleft lip ang dalawa niyang anak
  • Why does a baby develop a cleft lip?

Anne Clutz ipinaliwanag kung bakit may cleft lip ang dalawa niyang anak

Naging roller coaster ang third pregnancy journey ni Anne Clutz. Ito ay matapos iyang malamang mayroon ring cleft lip ang baby sa kaniyang tiyan. Ito ay dahil nagkakaroon ng instances na nagiging underdeveloped ang ilang features ng sanggol.

Ibinahagi niya sa papamagitan ng vlog sa kaniyang YouTube channel ang isang video kung bakit nga ba nagkaroon ng cleft lip ang dalawa sa kaniyang anak. Madalas daw kasing tinatanong sa kaniya kung paano nagkakaroon ng ganito ang mga bata. Dahil dito ikinuwento niya kung paano ito nangyari sa case niya.

“Sa case ko, sa case namin, malakas po sa dugo namin.”

Ito raw ay dahil apat sa kamag-anak niya ang mayroong cleft lip.

Pinalakas niya rin ang loob ng mommies na nalamang mayroong cleft ang kanilang baby.

“Alam ko sa umpisa kapag once na nalaman niyo sa ultrasound na ayon nga may ine-expect kayong baby na may cleft, ‘wag kayong ma-discourage kasi anak niyo pa rin ‘yan. They are wonderful just the way they are, cleft lang ‘yan. Kaya nila ‘yan lagpasan.”

anne clutz pregnancy with joo

Larawan mula sa Facebook account ni Anne Clutz

Mas maganda raw kasing naagapan kaagad ang batang may cleft lip para mabilis ding maayos ang improvement nila lalo na pagdating sa speech.

“Magugulat kayo sa progress ng mga bata at hindi lifelong na problema ang cleft basta maagapan nang maaga. I encourage lahat ng nanay o kung mayroon kayong kakilala. Mas maaga na intervention, mas maaga na mapatignan sila, mapa-therapy, mapaoperahan, mas ok.”

“Para mas maganda ‘yong improvement nila, ‘yong progress nila lalong-lalo na sa speech.”

Shinare rin ni Anne Clutz ang ilang knowledge patungkol sa kondisyong ito. Ayon sa vlogger may mga pagkakataon daw na bumubuka pa ang cleft palate kahit matapos na itong operahan,

“Bumubuka pala ‘yong cleft palate kaya pala ‘yong iba, isang opera ok na sa cleft palate… Kaso ‘yong iba parang umaabot ng dalawa, tatlo. ‘Yun pala kasi bumubuka pala siya so ‘yun ang kinakabahan ako. Sana hindi kami mahirapan kay Jirou.”

Pagbabahagi niya, sa unang taon lang naman daw ito mahirap. Kapag nagawan kaagad ng paraan kung paano masosolusyunan, makikita na kaagad ang improvement. Mahalaga raw kasing maayos ito kaagad upang normal na ang development ng bata.

Importante rin daw na healthy na si baby para maoperahan kaagad dahil daw required ito para payagan ng ospital na sumailalim sa procedure.

Pinaaalalahan niya rin ang kapwa parents niya na mahalaga ang suport nila para sa mga batang may cleft lip,

anne clutz pregnancy

Larawan mula sa Youtube video ni Anne Clutz

“Ganito na lang isipin niyo, kung kami nga nakayanan namin kay Joo noon dati, ngayon kakayanin namin ulit kay Jirou. Kaya ‘yan, basta ‘wag lang mawawala ‘yong suporta niyo sa bata.”

Sa tingin niya rin daw, kaya may cleft lip ulit ang second baby niya ay dahil ‘calling’ na ito upang magbahagi siya ng information hinggil sa kondisyong ito.

“Noong pinanganak ko si Joo, hindi ko siya nakita as batang may cleft.”

Minsan pa nga raw ay nami-miss niyang nakikita niya ang anak niya noon dahil ang laki ng smile nito tuwang masaya siya.

Wish niya rin daw sa mga anak niya na hindi makalimutan ng mga anak niya na pinagdaanan nila ang pagkakaroon ng cleft. Nais niya raw maalala nila na bata pa lang ay warrior na sila.

Sa nagdaang vlog ni Anne Clutz tungkol sa kaniyang pregnancy, hindi na niya iniisip ang cleft lip ng kaniyang parating na baby. Hiling na lang niya na maging healthy ito.

Why does a baby develop a cleft lip?

pregnant girl - anne clutz pregnancy

Larawan mula sa Pexels

Nade-develop daw ang lip ng baby pagdating ng fourth and seventh week ng pregnancy. Nagpo-form ng iba’t ibang tissue upang makabuo ng facial features katulad na nga lang ng labi. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, nangyayari raw ang cleft lip kung ang tissue na dapat bumubuo sa labi at hindi buong nagsama. Kaya nauuwi na mayroong opening sa upper lip.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

“A cleft lip happens if the tissue that makes up the lip does not join completely before birth. This results in an opening in the upper lip. The opening in the lip can be a small slit or it can be a large opening that goes through the lip into the nose.”

Ilan daw sa maaaring pagmulan ng cleft lip during pregnancy ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon sa genes ng pamilya na mayroong cleft lip
  • Pagninigarilyo habang nagbubuntis
  • Pagkakaroon ng diabetes
  • Pagte-take ng ilang gamot

Anne Clutz’ Vlog, Centers for Disease Control and Prevention

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Anne Clutz shares reason why her two sons have cleft lip: "Malakas po sa dugo namin."
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.