Ibinahagi ng vlogger na si Anne Clutz sa kaniyang YouTube video ang dahilan kung bakit may cleft lip ang dalawang anak niya. Noong Agosto 2022 ay dumadaan sa pregnancy si Anne Clutz kung saan nakita sa congenital anomaly scan na mayroon ding cleft lip ang kaniyang nasa sinapupunan.
Anne Clutz ipinaliwanag kung bakit may cleft lip ang dalawa niyang anak
Naging roller coaster ang third pregnancy journey ni Anne Clutz. Ito ay matapos niyang malaman na mayroon ding cleft lip ang baby sa kaniyang tiyan. Ito ay dahil nagkakaroon ng instances na nagiging underdeveloped ang ilang features ng sanggol.
Ibinahagi niya sa pamamagitan ng vlog sa kaniyang YouTube channel ang isang video kung bakit nga ba nagkaroon ng cleft lip ang dalawa sa kaniyang anak. Madalas daw kasing tinatanong sa kaniya kung paano nagkakaroon ng ganito ang mga bata. Dahil dito ikinuwento niya kung paano ito nangyari sa case niya.
“Sa case ko, sa case namin, malakas po sa dugo namin.”
Ito raw ay dahil apat sa kamag-anak niya ang mayroong cleft lip. Pinalakas niya rin ang loob ng mommies na nalamang mayroong cleft ang kanilang baby.
“Alam ko sa umpisa kapag once na nalaman niyo sa ultrasound na ayon nga may ine-expect kayong baby na may cleft, ‘wag kayong ma-discourage kasi anak niyo pa rin ‘yan. They are wonderful just the way they are, cleft lang ‘yan. Kaya nila ‘yan lagpasan.”
Mas maganda raw kasing naagapan kaagad ang batang may cleft lip para mabilis ding maayos ang improvement nila lalo na pagdating sa speech.
“Magugulat kayo sa progress ng mga bata at hindi lifelong na problema ang cleft basta maagapan nang maaga. I encourage lahat ng nanay o kung mayroon kayong kakilala. Mas maaga na intervention, mas maaga na mapatignan sila, mapa-therapy, mapaoperahan, mas ok.”
“Para mas maganda ‘yong improvement nila, ‘yong progress nila lalong-lalo na sa speech.”
Shinare rin ni Anne Clutz ang ilang knowledge patungkol sa kondisyong ito. Ayon sa vlogger may mga pagkakataon daw na bumubuka pa ang cleft palate kahit matapos na itong operahan,
“Bumubuka pala ‘yong cleft palate kaya pala ‘yong iba, isang opera ok na sa cleft palate… Kaso ‘yong iba parang umaabot ng dalawa, tatlo. ‘Yun pala kasi bumubuka pala siya so ‘yun ang kinakabahan ako. Sana hindi kami mahirapan kay Jirou.”
Pagbabahagi niya, sa unang taon lang naman daw ito mahirap. Kapag nagawan kaagad ng paraan kung paano masosolusyunan, makikita na kaagad ang improvement. Mahalaga raw kasing maayos ito kaagad upang normal na ang development ng bata.
Importante rin daw na healthy na si baby para maoperahan kaagad dahil daw required ito para payagan ng ospital na sumailalim sa procedure.
Pinaaalalahan niya rin ang kapwa parents niya na mahalaga ang suport nila para sa mga batang may cleft lip,
“Ganito na lang isipin niyo, kung kami nga nakayanan namin kay Joo noon dati, ngayon kakayanin namin ulit kay Jirou. Kaya ‘yan, basta ‘wag lang mawawala ‘yong suporta niyo sa bata.”
Sa tingin niya rin daw, kaya may cleft lip ulit ang second baby niya ay dahil ‘calling’ na ito upang magbahagi siya ng information hinggil sa kondisyong ito.
“Noong pinanganak ko si Joo, hindi ko siya nakita as batang may cleft.”
Minsan pa nga raw ay nami-miss niyang nakikita niya ang anak niya noon dahil ang laki ng smile nito tuwang masaya siya.
Wish niya rin daw sa mga anak niya na hindi makalimutan ng mga anak niya na pinagdaanan nila ang pagkakaroon ng cleft. Nais niya raw maalala nila na bata pa lang ay warrior na sila.
Sa nagdaang vlog ni Anne Clutz tungkol sa kaniyang pregnancy, hindi na niya iniisip ang cleft lip ng kaniyang parating na baby. Hiling na lang niya na maging healthy ito.
Bakit nagkakaroon ng cleft lip ang isang baby?
Nade-develop daw ang lip ng baby pagdating ng fourth and seventh week ng pregnancy. Nagpo-form ng iba’t ibang tissue upang makabuo ng facial features katulad na nga lang ng labi. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, nangyayari raw ang cleft lip kung ang tissue na dapat bumubuo sa labi at hindi buong nagsama. Kaya nauuwi na mayroong opening sa upper lip.
“A cleft lip happens if the tissue that makes up the lip does not join completely before birth. This results in an opening in the upper lip. The opening in the lip can be a small slit or it can be a large opening that goes through the lip into the nose.”
Ilan daw sa maaaring pagmulan ng cleft lip during pregnancy ay ang mga sumusunod:
- Pagkakaroon sa genes ng pamilya na mayroong cleft lip
- Pagninigarilyo habang nagbubuntis
- Pagkakaroon ng diabetes
- Pagte-take ng ilang gamot
Paano maiiwasan na magkaroon ng cleft lip ang baby
Ayon sa Cleveland CIinic unpreventable o hindi mapipigilan kung sakaling magkaroon ng cleft lip ang bata habang ito ay pinagbubuntis pa lang. Subalit, mayroon din namang mga hakbang na maaaring gawin para kahit paano ay mapababa angb tiyansa na magkaroon nito ang iyong anak.
Para ma reduce ang risk na magkaroon ng cleft lip ang anak, mahalagang iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at iba pang medication na posibleng makaapekto sa bata. Ugaliing magpakonsulta sa doktor at uminom ng prenatal vitamins na mayaman sa folic acid para matulungan ang maayos na development ng bata