Anne Curtis humingi ng dasal sa mga netizens at fans para sa ama

lead image

Anne Curtis nagpasalamat sa suporta at dasal ng mga netizens at fans sa operasyon ng amang si James Curtis-Smith.

Noong nakaraang linggo ay humiling ng dasal mula sa mga netizens at kaniyang fans si Anne Curtis para sa operasyon ng kaniyang ama na si James Curtis Smith.

Anne Curtis kasama ang amang si James Curtis-Smith.

Bagamat wala pang sinasabing detalye tungkol sa karamdaman ng kaniyang ama, kinailangang iwan ni Anne ang Christmas party ng isang mobile brand na kaniyang iniendorso noong Miyerkules ng gabi para puntahan ang ama na nasa ospital.

Makikita sa kaniyang post sa Instagram stories noong Miyerkules na naka-ball gown pa ito noong magpunta sa ospital. Dahil sa biglaang pangyayari, pinaabot ni Anne sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kaniyang pasasalamat sa mobile brand na ineendorso para sa pag-iintindi at pagn-unawa sa biglaan niyang pag-alis sa naturang event. Ito daw ay dahil sa kinakailangang dumaan sa isang agarang operasyon ang kaniyang ama at kailangang maipaliwanag kung paano ang gagawing procedure sa kaniya.

Kinabukasan nga ay kumatok si Anne sa puso ng mga netizens at ng kaniyang fans para ipagdasal ang ligtas at successful na operasyon ng kaniyang ama. Ito ay sa pamamagitan parin ng isang Instagram post at sa noontime show na kaniyang kinabibilangan na It’s Showtime.

Sa kaniyang instagram post ito ang hiling at sinabi ni Anne:

“Early morning visit to dad before his operation. Prayer warriors please pray for a successful procedure today. I pray the God takes lead of the whole team and is with him throughout the healing process. Amen.”

Anne Curtis kasama ang amang si James Curtis-Smith.

At dahil sa lakas ng pagdadasal ng mga fans at followers ni Anne, naging matagumpay ang operasyon ng kaniyang ama na ibinahagi niya sa isa paring post sa kaniyang Instagram stories kagabi.

Anne Curtis kasama ang ama na si James Curtis Smith

Bagamat wala paring opisyal na statement si Anne sa nangyaring operasyon at karamdaman ng ama, masaya naman ang mga netizens at madlang people na sa ngayon ang kaniyang ama na si James Curtis-Smith ay ligtas at on the way to the recovery na.

Ang ama ni Anne Curtis na si James Curtis-Smith ay isang Australian lawyer na nakilala ng ina ni Anne na si Carmencita Ojales dito sa Pilipinas ng minsang ito  ay magkaroon ng business trip. Noong una, ay ayaw ng kaniyang ama na sumabak sa pag-aartista si Anne. Ngunit si Anne ay nagpursige upang tuparin ang pangarap ng kaniyang ina na dating umeekstra sa mga pelikula.

Matatandaang naging madamdamin ang muling pagbabalik ng kaniyang ama sa buhay nila matapos ang labing-anim na taong paghihiwalay. Ito nga ay naging surprise gift ng kaniyang showtime family sa kaniyang 28th birthday noong 2013. Nangyari ito matapos ang pagkawala ng isa niyang kapatid na si Claire na itinuring ng kaniyang ama na isang paraan ng Diyos para mabuong muli ang kanilang pamilya.

Si Anne ay may iba pang kapatid sa kaniyang ama maliban kanila Jasmine at Thomas James Curtis-Smith.

Samantala, noong 2014 ay naoperahan din at dumaan sa isang heart surgery ang ama ni Anne na si James Curtis-Smith. Tulad nga ng matagumpay na operasyon ngayon, naging maayos din ang surgery ng kaniyang ama noon dahil sa mga dasal at suporta ng mga netizens at fans niya na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kaniya.

 

Sources: ABS-CBN News, Instagram, Anne Curtis Instagram, Anne Curtis Twitter, SBS, ABS-CBN News

Basahin: IN PHOTOS: Anne Curtis and Erwan Heussaff’s dreamy New Zealand wedding

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!