Kung dati ay ang madalas tanungin kay Anne Curtis ay kung kelan ito ikakasal, iba na ngayon. Simula nang siya ay ikasal kay Erwan Heussaff, ang tanong na kay Anne Curtis ay kung kelan ito magsisimula ng pamilya. Iba-iba man ang naging sagot ng aktres at It’s Showtime host, ang umuulit sa kanyang mga sagot ay “in God’s perfect time.”
Anne Curtis, humingi ng respeto para sa mga kababaihan
Sa press conference na isinagawa ng It’s Showtime para sa ika-10 anibersaryo, humiling si Anne sa mga press. Ito ay nang ang isa sa mga ito ay muling tanungin si Anne kung kailan siya magkaka-baby. Sinagot ito ni Anne ng karaniwang sagot na mangyayari ito in God’s perfect time. Subalit, ginamit narin ng aktres ang pagkakataon para magbigay ng mensahe sa mga press.
“I think the press should stop asking that to any woman because you don’t know what they’re going through,” dagdag ng aktres.
Ayon kay Anne, para sa kanya mangyayari ito at handa naman na siya. Ngunit, hindi lahat ay pareho ang sitwasyon sa kanya. Ngayon siya ay nagsasalita para sa mga kababaihan na maaaring hindi alam ng mga tao ang pinagdadaanan.
Dagdag pa ni Anne, “I have a lot of friends who may be trying. And medyo nakaka-sakit when people keep asking. ‘when are you gonna have a babby?’ Or maybe they just don’t wanna have a baby.”
Ayon kay Anne, bilang respeto sa mga kababaihan, dapat itigil ang pagbibigay ng ilang mga tanong. Kasama sa mga ito ang pagtanong kung kailan magpapakasal, bakit wala silang baby, at kung magkakaroon sila ng baby.
Nagkomento rin si Vice Ganda na ito ang nakasanayan sa atin ngunit, kailangan parin itigil ang pagbibigay ng mga ganitong katanungan.
Naging maayos naman ang pagbigay ng mensahe ni Anne sa press. At nang humingi ng tawad ang nagbigay ng katanungan, nakangiti itong sinagot ni Anne ng “It’s okay.”
Handa nang maging ina
Hindi naman ikinakaila ni Anne Curtis na siya ay handa nang magka-anak at magsimula ng pamilya. Ayon sa kanyang guesting sa Magandang Buhay nuong Agosto, nasa tamang edad na siya at handa nang maging isang ina.
“I feel that it will happen on God’s time. I don’t want to put pressure on myself or Erwan when that happens. Who knows maybe next year, right? It could be this year, next year, we don’t know,” ayon kay Anne.
Sources: ABS-CBN News, Yahoo! Style
Basahin: IN PHOTOS: Anne Curtis and Erwan Heussaff’s dreamy New Zealand wedding
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!