Anne Curtis, ipinagbubuntis ang unang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff

Anne Curtis, ipinagbubuntis ang unang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff

Ang Filipino-Aussie singer-host at actress na si Anne Curtis ay buntis na!

Anne Curtis at Erwan Heussaff love story

Kung matatandaan noong taong 2011 ipinakilala ng It's Showtime host na si Anne Curtis si Erwan Heussaff bilang kaniyang boyfriend at later that year din kinumpirma nito na naipakilala na rin ni Anne si Erwan sa kaniyang pamilya.

Sumunod na taon, 2012 binigay ng ina ni Anne na si Mommy Carmen ang vote for approval nito kay Erwan sapagkat si Erwan pa lamang ang napakilala nito na "best boyfriend" di-umano.

Sa tagal na nang kanilang relasyon, laging binabato ang tanong sa kanila noon ng mga tao kung kailan nga ba ang kasalan, ngunit sinasagot lamang ito nila Anne at Erwan na masyado pa raw silang mga bata upang isipin na agad ang pagse-settle down.

Ang ikaapat na taon nga nila bilang mag-boyfriend at girlfriend binato sila ng issue na sikreto di-umano silang nagpakasal sa Australia.

Noong 2014 nga nagkaroon pa ng issue na naghiwalay na di-umano sila Anne at Erwan pero hindi sila nagpaapekto sa issue na ito.

Pribado sila Anne at Erwan sa kanilang relasyon pero noong 2015 nagkaroon sila ng pasilip sa kanilang relasyon at sa trip nila sa Paris.

At taong 2016 ng Disyembre, na-engage na sila Anne at Erwan at kinumpirma pa ito ng actress at host sa kaniyang noontime show na It's Showtime.

Na-engage ang dalawa noong sila nagkaroon ng trip sa New York at Connecticut. I-shinare pa ni Erwan ang video nila sa kaniyang vlog na pinamagatan pa niyang, "Going Around New York City and Connecticut (Best Trip Ever)."


Linggo, ika-12 ng Nobyembre, taong 2017, sa wakas nga'y ikinasal na sila Anne at Erwan. Ikinasal ang long-time couple sa New Zealand kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pat Dy (@patdy11) on

Anne Curtis nagdadalang-tao na!

Ika-10 ng Nobyembre, nag-post nga si Anne Curtis ng video nila ni Erwan na may caption na, "I think you should know something...Another reason to love [email protected]"

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Ibinalita ni Anne ang kaniyang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang short video clip kasama ang asawang si Erwan, kung saan nga sa huli ni-reveal nito ang kaniyang napaka-cute na baby bump.

Nag-share din ang kaniyang sister-in-law na si Solenn Heussaff sa kaniyang Instagram na may caption na, "4 humans in a photo :) happy to grow with you @annecurtissmith," pagbati ni Solenn kay Anne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

Congratulations Anne at Erwan!

Source: Anne Curtis, ABS-CBN News

Basahin: LOOK: Anne Curtis is pregnant with first child!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner