Ano ang aneurysm at ano ang mga sintomas nito na hindi dapat isawalang bahala?

Ano ang aneurysm at ano ang mga sintomas nito na hindi dapat isawalang bahala?

Narito ang mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa aneurysm na maaring makapagsalba sa buhay mo o ng isang minamahal.

Aneurysm, isa ito sa itinuturong dahilan kung bakit may mga tao ang nakakaranas ng biglaang pagkasawi. Pagkasawi na kanilang naranasan habang sila ay natutulog o kaya naman ay biglaan na sa una ay hindi maipaliwanag ang dahilan. Ngunit ano nga ba ang aneurysm at ano ang ipinapakitang sintomas ng kondisyon na hindi natin inaakala at hindi dapat isawalang bahala.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang aneurysm?
  • Ano ang mga sintomas na ipinapakita nito.
  • Paano ito maiiwasan?

Ano ang aneurysm?

Ayon sa health website na WebMD, ang aneurysm ay tumutukoy sa pagkakaroon ng bulge o umbok na dulot ng pamamaga sa wall ng ating ugat. Nagkakaroon nito kapag labis ang pressure ng dugong dumadaloy sa ating katawan na pumepwersa sa mahinang parte ng ating ugat na lumobo.

ano ang aneurysm

Image from Wikimedia Commons

Ang aneurysm ay maaaring maranasan sa kahit anumang blood vessel sa ating katawan. Subalit madalas, ang pinakadelikadong parte na maaaring magkaroon nito ay ang dibdib, tiyan at utak. Dahil kung ang aneurysm sa parte ng katawan na nabanggit ay lumobo pa at pumutok na, maaaring magdulot ito ng stroke o labis na pagdurugo. Isa itong delikadong kundisyon at maaaring malagay sa peligro ang buhay ng isang tao.

Ayon nga sa mga tala, 10% ng mga pasyenteng mayroon nito ay nasasawi dahil sa pumutok na aneurysm na hindi nakakakuha ng medikal na atensyon na kailangan nila.

Kaya naman mahalagang malaman ang mga sintomas ng aneurysm. Ito ay para maagapan ito at mapigilan ang nakakatakot nitong epekto.

Ano ang mga sintomas na ipinapakita nito?

Bagama't ang aneurysm ay maaring tumubo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, may tatlong kadalasang dahilan naman kung bakit ito nararanasan. Maaaring dulot ito ng mataas na blood pressure, high blood cholesterol at atherosclerosis o ang paninigas ng ugat.

Pwede ring ito'y dahil rin sa malalalim na sugat o impeksyon. O ng isang kondisyon na kung saan ipinanganak na may mahihinang ugat ang isang tao. Ito'y maaring idulot din ng labis na paninigarilyo o pag-inom na alak.

Ang paglala ng aneurysm ay maaari namang maagapan. Ang unang hakbang upang maisagawa ito. Kinakailangang alamin ang mga sintomas ng kundisyon na ito. Minsan hindi natin paghihinalaan na nararanasan na pala natin ang ilang palatandaan ng sakit na ito. Bagama't, ayon sa mga eksperto, hindi lahat ng may aneurysm ay magpapakita ng sintomas. Karamihan nga ng kasong naitala na may kaugnayan dito'y natukoy na lamang ng masawi na ang taong mayroon nito sa pamamagitan ng autopsy.

Ganoon pa man mainam din na malaman ang mga sintomas ng unruptured aneurysm partikular na sa ating utak na dapat nating hindi isawalang bahala sa oras na ating maramdaman. Upang agad na magpakonsulta sa dpktor. Para mas malinawagan sa iyong kondisyon at maiwasang pumutok ang aneurysm na nakakamatay.

Ang mga sintomas ng unruptured aneurysm ay ang sumusunod:

Sintomas ng unruptured aneurysm

ano ang aneurysm

Business photo created by jcomp - www.freepik.com 

BASAHIN:

Varicose veins ng buntis: Sanhi at paano ito maiiwasan

Ano-ano ang sintomas ng high blood o altapresyon?

Pintig sa tiyan, maaaring sintomas na ng isang seryosong sakit!

  • Headache o pananakit ng ulo.
  • Stiff neck.
  • Blurred o malabong paningin.
  • Pananakit sa bahagi ng katawan na may aneurysm.
  • Hirap o pagbabago sa pananalita.
  • Weakness o pamamanhid sa isang bahagi ng mukha o sa parte ng katawan na may aneurysm.

Mahalagang hindi basta balewalain ang mga nabanggit na sintomas. Sapagkat ang aneurysm na hindi naagapan ay maaaring pumutok na pala'y magpapakita naman ng mga sumusunod na sintomas na lubhang seryoso o delikado na.

Sintomas ng ruptured aneurysm

  • Labis at biglaang pananakit ng ulo.
  • Kawalan ng malay.
  • Pagkahilo at pagsusuka.
  • Hirap sa pagbabalanse sa paglalakad at normal coordination ng katawan.
  • Dilated pupils.
  • Sensitivity sa liwanag.
  • Pagbagsak ng pilik-mata,
  • Pagkalito o trouble sa mental awareness.

Paano matutukoy ang aneurysm at paano ito malulunasan?

ano ang aneurysm

Photo by Anna Shvets from Pexels

Ang pagputok ng aneurysm ay madalas na nagaganap ilang oras o araw matapos magkaroon ng kaunting leak sa dugo o magpakita ng sintomas ang isang pasyente. Ang mga paraan kung paano matutukoy kung aneurysm nga ang dahilan ng ipinakitang sintomas ay sa pamamagitan ng CT scan, lumbar puncture, o angiography.

Para malunasan ang aneurysm o maiwasan ito sa pagputok ay maaaring sumailalim sa surgery ang taong mayroon nito.

Sa kaso ng brain aneurysm ay maaaring sumailalim sa neurosurgery ang pasyente na kung saan kailangan lagyan ng clip ang kaniyang weak blood vessel. May ilang pasyente naman ang pinipili na magpagamot sa interventional radiologist o neurologist na gumagamit ng coil para i-fill ang aneurysm at maiwasan ang pagdurugo.

Paano ito maiiwasan?

Dahil sa ang aneurysm ay dulot ng unhealthy lifestyle ng isang tao, ang tanging paraan upang maiwasan ito ay ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan na magagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Tumigil o iwasan ang paninigarilyo at secondhand smoke.
  • Iwasan din ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
  • Umiwas rin sa labis na pag-inom ng alak.
  • Magkaroon ng healthy diet. Kumain ng mga pagkaing mababa sa saturated fats, trans fats, cholesterol, salt, at added sugar.
  • Gumawa ng physical activity hangga’t maari.
  • Makipagtulungan sa iyong duktor upang malunasan ang iyong high blood at high cholesterol.

 

Source:

WebMD, Mayo Clinic, Healthline, CDC, Medicine Net

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner