Ano ang ibig sabihin ng burnout?
May pagkakataon talaga na minsan ay pakiramdam natin ay power mommy tayo. Nandyan ang pag multi-task sa iba’t-ibang gawain katulad ng pagluluto, paglilinis, parenting, paglalaba, pamamalengke at iba pa. Ang mga gawain na atang ito ay nasa story na ng bawat nanay.
Ngunit habang tumatagal, hindi natin namamalayan na hindi na tayo excited pag gising sa umaga. Nakakalimutan at wala nang energy sa paggawa ng mga gawaing bahay kahit na ito ay simple lang. Ang pagtulog ay mas nakakaengganyo na kesa sa paggising kinabukasan. Parang may mali diba?
Kung ikaw ay nakakarelate sa aking story, mahalagang magpatuloy lang sa pagbabasa. Dahil ang pagkaubos ng energy, pagkawala ng pag-asa sa mga bagay o demotivation ay isang senyales ng burnout. Kung hindi maaagapan, ito ay maaaring magdala sa’yo sa iba pang medical implication.
Ang ilan sa mga ito ay normal trait na sa journey ng motherhood. Ngunit ang iba dito ay maaaring maging warning sign para sa’yo na kailangan mong bigyan ng pansin. Kaya naman importanteng maging aware sa mga warning tips ng burnout!
Bakit delikado ang mommy burnout?
Walang physical measure para malaman ang pagkakaroon ng burnout ng isang tao. Kaya naman ito ay may pagkakataon na hindi gumaling hanggang dumating sa point na hirap ka nang i-manage ito.
Kadalasang nararamdaman ng mga taong mayroon nito ay feeling of hopelessness o depression na maaaring magdala sa’yo sa hindi pagiging balanse ng iyong mental health.
Paano malalaman na ikaw ay may mommy burnout?
1. Labis na pagkapagod o pagka-drained
Ang nanay na burnout ay nakakaramdam ng pagkapagod bago pa lamang magsimula ang araw niya. Hirap silang umalis sa kanilang higaan at ang 24 hours para sa kanila ay sobrang haba na. Kung ikaw ay napapagod na mentally o physically, kailangan mong pagtuunan na ito ng pansin.
2. Pakiramdam na ikaw ay walang halaga
Ang pagkakaroon ng pakiramdam na ikaw ay walang halaga ay isang trait din ng burnout. Dito sila nakakaramdam ng unaccomplished, unproductive at hopeless.
3. Pagiging iritable
Ang negativity at demotivation ang dahilan kung bakit nagkakaroon rin ng burnout na nagreresulta sa pagkawalan ng interes sa paggawa ng bagay. Ang exhaustion rin ay may ginagampanang role rito.
4. Ang mommy burnout ay nakakaranas rin ng depression
Ang exhaustion, feelingcynical at useless ay nagdadala sa iyo sa depression. Ayon sa research, ang depression ay may kaugnayan sa work at burnout. Kaya naman ang taong prone sa depression ay prone rin sa burnout o vice versa.
5. Ang mommy burnout ay makakapagparanas sa’yo na ayaw mo na sa motherhood
Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang dissatisfied job o routine ay makakapagdulot sa’yo ng burnout. Ang pagkakaroon rin ng sobra-sobrang workload ay maaaring dahilan din dito.
6. Maiksing atensyon
Ang burnout ay makakapagdulot ng cognitive issues kung saan ang isang ina ay hirap makapag focus sa isang bagay. Ang stress na mind rin ay dahilan kung bakit bumababa ang focus ng isang tao. Dito nagsisimula ang pag hate ng isang nanay sa motherhood.
7. Pagkawala ng interes sa sarili
Ito ay isang tipikal na sitwasyon kung saan ang mental battle ay nagsisimula sa physical dilemma. Ang nanay na nakakaranas ng burnout ay nawawalan ng interes sa pag aayos sa sarili, sa basic hygiene o pag-aalaga sa kanyang sarili.
Paano ma-overcome ang mommy burnout?
1. Relax, relax, relax!
Ang relaxation ay isang term para ma-overcome ang stress. ‘Just relax’ ang laging naririnig natin sa mga kaibigan natin para mawala ang tension na nararamdaman natin. Bukod dito, kailangan nating maging seryoso sa katagang ito para naman maranasan natin ang totoong meaning ng ‘relaxation’. Marami ang relaxation remedies, therapies, o serbisyong ino-offer para marelax ang isang tao.
2. Palakasin ang daily routine
Maaaring sabihin mong ito ay imposible. Pero kailangan mong maniwala na ito ay posible at mging open sa iba pang possibilities katulad ng pagkakaroon ng balanseng life. Mayroong maraming resources na makakatulong sa’yo para makapagsimulang mag organize ng healthy routine.
3. Ilayo ang sarili sa mga devices
Pwede mo ring isipin na ito ay imposible. Pero ang ang paglayo sa sarili sa mga device at makakapagdulot sa’yo ng maginhawang buhay. Makakatulong ito para magkaroon ng connection sa iyong pamilya, sa iyong araw pati na rin sa mga tasks.
4. Delegate
Minsan, ang mga nanay ay nagkakaroon ng madaliang desisyon kung saan ginagawa nila ito ng sarili lamang nila. Hindi nila alam na nasasawalang bahala nila ang ability ng kanilang asawa, anak o suport person sa bahay.
Kaya naman kailangan mong bumuo ng communication, teamwork at confidence sa pag-s-share ng mga task sa loob ng bahay. Mapapadali rin nito ang buhay ni mommy.
Translated with permission from theAsianparent Singapore