Maniwala ka o hindi pero may ibang rare condition sa mga nanay na hindi tumatagal sa kanilang sinapupunan ang kanilang mga baby. Ano nga ba ang ‘Incompetent Cervix’ at gaano ito kadelikado?
Ina na may Incompetent Cervix: “I wish I was normal.”
Ang pagkakaroon ng anak ay isang biyaya para sa mga nanay. Ngunit hindi lahat ay may kakayahan na magkaroon ng anak. Mayroon kasing mga nanay na mabilis magkaanak, meron rin naman na hirap makabuo at kailangan pa dumaan sa maraming medical treatment o process para mabuo ang fetus.
Sa ibang kaso, may mga nanay na may mga medical condition kung saan hirap makapag dala ang kanilang cervix ng bata. Kaya naman habang lumalaki ang baby sa kanilang sinapupunan, ang cervix ay paunti-unting bumubukas agad. At dahil dito, maagang nanganganak ang isang buntis.
Sa isang Facebook post, ikinwento ng isang inang may ‘Incompetent Cervix’ kung gaano kahirap ang kanyang sitwasyon at kung paano niya ito tinitiis.
Ayon sa ina, buwan ng March ng ito ay mabuntis sa kanyang pangapat na anak. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya. Saya, takot at pagkabalisa dahil siya ay mayroong Incompetent Cervix at Diabetes.
“Takot kasi ako dahil mayroon akong incompetent cervix at diabetes. Kung mapapatunayan pa na baka mayroon din akong Anti-phospoliphid Anti-body syndrome (APAS) na nagko-cause ng pre-term na panganganak na sinabi na noon ng isang doktor sa akin, sobra akong nangangamba at natatakot para sa aming mag-ina at pati na rin sa asawa ko.”
Ang Incompetent Cervix ay isang rare condition ng isang babaeng nagbubuntis. Nangyayari ito kapag ang isang ina na buntis at habang lumalaki ang kanilang baby sa sinpupunan, paunti-unti ring bumubukas at hindi nakakayanan ng cervix ang bata sa loob. Dahil dito, nanganganak sila ng maaga o wala pa sa tamang buwan.
Ibinahagi rin nito na hindi madaling magkaroon ng Incompetent Cervix. Ang inang may cervix ay hindi alam kung kailan bubuka ang kanilang pwerta. Ito ang dahilan kung bakit nanganganak na lang sila ng wala sa oras.
May solusyon naman para matigil ang Incompetent Cervix. Ito ay ang Cerclage procedure kung saan tatahiin ang kanilang pwerta kapag 12 to 14 weeks na ang baby. Magagawa nitong maisara ang cervix para hindi lumabas ng bata.
“Kapag nagawa na ang cerclage kailangang mag-bed rest. Depende rin sa Obygenecologist kung moderate o strict ang ibibigay sa ‘yo na bed rest. Kung moderate p’wede ka pang tumayo, maglakad at may comfort room opportunities kung strict naman ay hindi. Kaya mula sa matapos ito hanggang sa araw ng panganganak ay kailangan kang nakahiga lang.”
Dahil dito, hangad pa rin niya na maging normal ang kanyang pagbubuntis. Nagbakasakali rin ito na humingi ng suporta sa publiko gamit ang pagbabahagi ng kanyang karanasan sa social media.
“Maaari ko namang hilingin na lang sa Kanya sa pamamagitan ng dasal, ngunit isina-publiko ko pa. Hindi ito upang may masabi lang kundi naghahanap din ako ng mga taong ipapanalangin din ako dahil gusto ko na talagang mabuhay ang anak ko. Gusto ko nang may mayakap, may mahalikan, may mahawakan at may masabing ‘aking anak’. Hindi nga ba’t masarap din sa pakiramdam na may nagdadasal para sa ‘yo?”
Hindi naman siya nabigo at nabuhayan ng loob kahit paano nang may nagcomment sa kanyang post. Narealize niya kasing hindi siya nag-iisa at may ibang ina na naiintindihan rin ang kanyang kalagayan. Ayon sa nag comment, “We’re not normal. Our story is unique and rare. That makes us special.”
“Doon ko na-feel ang pagpapala ni Lord sa buhay ko. Bakit nga ba kailangan kong pasanin ang lahat ng mga pangamba, takot at problema ko? Kung p’wede ko namang itaas kay God ang mga ito at huwag nang kunin pa kundi humingi ng tulong na samahan Niya ako hanggang sa maka-survive ako dito. Dahil walang malaking problema kung nasa tabi mo ang mapagmahal na Diyos.”
Source:
BASAHIN:
STUDY: COVID-19 inaatake ang placenta ng mga buntis