5 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Japanese Encephalitis

Alamin ang mga sintomas, sanhi at paggamot ng Japanese Encephalitis, isang uri ng viral brain infection

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang Japanese Encephalitis? Ito ay isang viral disease o brain infection na ito na dala ng mga lamok ay nagiging sanhi ng pamamaga ng inflammation ng utak.

Nakamamatay ang sakit na ito na sanhi ng virus, at dinadala ng mga lamok. Tinatayang may 50,000 katao ang naapektuhan ng virus na ito taon-taon.

1. Ano ang Japanese Encephalitis?

Karaniwang mga sanggol at bata ang tinatamaan ng sakit ng ito. Ito ay tinawag na Japanese Encephalitis (JE) dahil una itong nabalita o nakita sa Japan noong 1871, at ang pangunahing komplikasyon nito ay encephalitis o pamamaga ng utak—kaya’t nabansagang “brain fever”. Ito ay isang flavivirus, kaparehong virus na nagiging sanhi ng dengue, yellow fever at West Nile viruses.

Ayon kay Dr. Janette Calzada isang pediatric neurologist,

“Mataas ang mortality rate ng Japanese Encephalitis.Parang rule of thirds ‘yan. Meron may ⅓ na magsusurve na okay, mayroong ⅓ na magsusurvive na pero may disabilities tapos may ⅓ na hindi maganda ang mangyayari.

Mga bata at adolescents ang karaniwang naapektuhan nito. Ito ay sinasabing isang importanteng uri ng viral encephalitis na makikita sa Southeast Asia, China, India, and Oceania.

Nagmula ito sa virus na Japanese encephalitis ang pangalan at nalipat ng lamok na Culex tritaeniorhynchus, mula sa mga hayop tulad ng baboy at ibon sa tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa World Health Organization, hindi ito nakakahawa ng tao sa tao, at tunuturing na “dead-end host” ang mga tao.

Naging endemic o laganap ang paglipat ng JE virus (JEV) sa 24 bansa ng WHO South-East Asia at rehiyong Western Pacific, at tinatayang 3 bilyong katao ang nalalantad sa impeksiyon, at may 68,000 clinical cases ang naiuulat na sa isang taon. Nasa 30% ang fatality rate.

Isang permanenteng bunga ng JE ay neurologic o psychiatric injuries, sa 30%–50% na mayroong ganitong kondisyon.

2. May dalawang uri ng impeksiyong Japanese Encephalitis

1. Primary Infection, ay sanhi ng direktang impeksiyon mula sa JEV. Ito ay mas seryosong kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Secondary Infection, ay ang mas karaniwang uri ng JE na sanhi ng post-infectious immune reaction sa impeksiyon sa virus.

photo: dreamstime

3. Mga sintomas ng Japanese Encephalitis

Tinawag itong “brain fever” dahil ang karaniwang impeksiyon ay walang infections kitang sintomas kundi lagnat at pagsakit ng ulo. Dagdag pa ni  Dr. Janette Calzada,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kadalasan walang sintomas na nangyayari sa mga taong tinamaan ng Japanese Encephalitis, kaya mahirap talaga itong alamin kung hindi ka pupunta sa hospital.”

Ngunit iilan sa mga sintomas na nararanasan ay  malalang kombulsyon, kasunod na ng kakaiba sa pag-iisip, seizures, tremors, sakit ng ulo, paninigas ng leeg at madaling pagkasilaw.

Larawan mula sa Image by jcomp on Freepik

Sa mga sanggol, ang pangunahing sintomas ay paninigas ng leeg o stiff neck at nakaumbok na bumbunan. Sa mga batang 2 taong gulang pataas, matinding sakit ng ulo, lethargy, confusion, hemiparesis (panghihina sa isang bahagi ng katawan), opisthotonus (“arching” ng katawan, tulad ng sa tetano), dystonia (abnormal na muscle tone kaya’t may muscle spasm sa apektadong bahagi ng katawan), at pagiging sensitibo sa liwanag.Mayroon ding pagsusuka at pagkahilo. 

Para naman sa mga mas matatanda, mental disturbances ang mas karaniwang sintomas.

4. Paggamot ng Japanese Encephalitis

Kinakailangan ng tahasan at metikulosong physical examination upang malaman kung malala o hindi, o kung anong uri ng JE ang natamo ng pasyente. May mga laboratory tests na makakatulong na makita kung gaano kalala ang kondisyon, kasama na ang MRI.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Walang tiyak na paggamot sa Japanese encephalitis, lalo’t walang antiviral drug para dito. Tanging ang mga sintomas lamang ang maaaring gamutin.

Tulad ng pananakit ng katawan at intracranial pressure. Ang ibang pasyente ay nangangailangan ng long-term care at rehabilitation para maagapan ang residual neurologic deficits.

Karamihan ng mga pasyente ay nangangailangan ng pagpapakain at ventilation support, pati na ng Intravenous (IV) fluids upang mapanatiling hydrated.

Nariyan din ang painkillers para sa pananakit at anticonvulsants para sa seizures. Sa mga mas malalang kondisyon, binibigyan ang mga pasyente ng matagalang pag-aaruga at rehabilitation para sa residual neurologic deficits.

5. Paano maiiwasan ang Japanese Encephalitis?

Ang tanging paraan para maiwasan ang virus na ito ay ang pagbibigay proteksiyon laban sa kagat ng lamok, lalo’t nasa ibang bansa ay ang paggamit ng insect repellent na may picaridin o langis ng lemon eucalyptus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Damitan ang sanggol at mga bata ng damit na nababalot ang katawan, mga kamay at binti. Maaari ring lagyan ng insect repellent ang mga damit ng bata. Iwasan ang paglalagay ng repellent na may permethrin ng direkta sa balat ng bata.

Larawan mula sa Image by Freepik

Katulad ng ibang virus, maaaring maagapan ang Japanese encephalitis sa pamamagitan ng bakuna. Narekumenda na ng World Health Organization ang pagbabakuna ng JE bilang bahagi ng mga bakunang kailangan ng mga bata sa mga bansang laganap ang virus na ito.

Paano maiiwasan ang kagat ng lamok kapag ikaw ay naglalakbay

Alalahaning dalhin ang mga susunod na gamit: 

  • Rehistradong mosquito repellant
  • Mga shirt na may manggas at mahabang pantalon. Ang mga lamok ay maaaring kumagat sa manipis na damit kaya iwasan ang padala nito
  • Damit at gamit (tulad ng bota, pantalon, medyas, tent) 
  • Mosquito net kung ikaw ay natutulog sa labas o kung ang mga naka-screen na silid ay hindi magagamit.

Pagpili ng lugar

  • Pumili ng isang hotel o panunuluyan na may aircon o window at door screen.
  • Gumamit ng isang mosquito net kung hindi mo magawang manatili sa isang lugar na may aircon o kung natutulog ka sa labas.
  • Bed net sa package
  • Matulog sa ilalim ng isang mosquito net
  • Matulog sa ilalim ng isang mosquito net kung nasa labas ka o kung ang mga naka-screen na silid ay hindi magagamit. Ang mga lamok ay maaaring mabuhay sa loob ng bahay at kumagat sa araw at gabi.
  • Bumili ng isang mosquito net sa iyong lokal na tindahan o online bago maglakbay sa ibang bansa.
  • Pumili ng isang mosquito net na siksik, puti, hugis-parihaba, na may 156 butas bawat parisukat na pulgada, at sapat na haba upang mailagay sa ilalim ng kutson.
  • Ang Permethrin ay isang pamatay insekto na pumapatay sa mga lamok at iba pang mga insekto.
  • Pwede rin ang mga kulambo ay maaaring i-hang sa itaas ng isang kama upang maprotektahan laban sa mga kagat ng lamok. Ang mga matatanda at bata ay dapat matulog sa ilalim ng isang mosquito net kung ang mga aircon at naka-screen na silid ay hindi magagamit.

Kapag gumagamit ng isang mosquito net:

  • Ilagay ang lambat sa ilalim ng kutson upang hindi maiwasan ang mga lamok.
  • I-tuck netting sa ilalim ng kutson 
  • Mahigpit na hilahin ang lambat upang maiwasan ang mga mapanganib na panganib para sa mga maliliit na bata. Suriin ang mga tagubilin sa label para sa karagdagang impormasyon.
  • I-hook o itali ang mga gilid ng net sa iba pang mga bagay 
  • Suriin ang mga butas sa lambat kung saan maaaring pumasok ang mga lamok.
  • HUWAG isabit ang lambat malapit sa anumang mga kandila, sigarilyo, o bukas na apoy, dahil maaari itong masunog.
  • HUWAG direktang matulog sa lambat, dahil ang mga lamok ay maaari pa ring kumagat sa mga butas sa net.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.