Ano Ang Magandang Negosyo Sa Maliit Na Puhunan? Alamin Dito!

May talent, creative ideas, at mahaba ang pasensya pero walang pondo? Huwag kang mag-alala! Maaari pa ring maging boss ang sarili sa mga business idea na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gusto mo ba ‘yong ikaw ang boss ng iyong sarili? Walang magmamando o mag-uutos sa iyo at hawak mo ang iyong oras. Tingnan ang mga business ideas na ito para sa mga gustong magsimula ng negosyo. Alamin kung ano ang magandang negosyo sa maliit na puhunan!

Sabi nga nila, magsimula ka nang maliit pero mangarap nang malaki. Kaya naman, kung isa ka sa mga talented at inventive na tao na nangangara ng independence at rewarding project, alamin dito kung ano ang magandang negosyo na pwede mong simulan sa halagang P1000.

Maaaring ma-satisfy ang iyong kagustuhang maging negosyante sa isa o dalawa sa mga idea na ito. Ang maganda pa rito, ang ilan sa mga business idea na ito ay maaari mong gawin kahit nasa bahay ka lang! So, good luck!

Ano ang magandang negosyo para sa mga beginner

Ink scribbling o Calligraphy

Magkano ang magagastos sa puhunan? P300 hanggang P500.

Larawan mula sa Shutterstock

“To make a business out of calligraphy, you really just have to start with a nib, holder and ink,” ito ang sabi ng calligrapher at designer na si Alexis Dianne Ventura ng Ink Scribbler.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gumastos lamang siya ng nasa P300 nang magsimula siya sa paggawa ng calligraphy bilang libangan apat na taon na ang nakararaan. Unti-unti ay nag-invest siya ng iba pang tools –mas magandang ink, iba’t ibang nibs, books, at classes. Aniya, ang pinaka malaking investment na kailangan mo sa calligraphy making ay ang paglalaan ng oras.

“It takes a lot of practice and patience to become better and to get your work out there, before clients will be confident enough to avail of your services,” pagbabahagi pa ni Ventura. Si Ventura ang gumawa ng mga wedding invitation ng celebrity couple na sina Drew Arellano at Iya Villania.

Para sa iba pang detalye tungkol sa calligraphy at sa mga workshop kaugnay nito, maaaring bumisita sa Ink Scribbler.

Ano ang magandang negosyo? Face painting

Magkano ang puhunan? P900 hanggang P1000

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Patok ang ganitong activity sa mga children’s party at iba pang kasiyahan. Kailangan mo rito ang water-based face paints, brushes, sponges, at tubig na pang banlaw ng mga brush. Ayon ‘yan sa world-famous brand na Snazaroo, gumagawa ng skin-friendly, non-toxic at washable paints.

Mayroon na ring design suggestions na karaniwang kasama ng paints. Samantala, mayroon ding mga design ideas at tutorials na maaaring mapanood online. Kaya naman, mas mapapadali ang paghasa sa ‘yong skills.

Kapag naging bihasa ka na sa pagpipinta, maaari na ring dagdagan ang tools mo tulad ng glitter gels, glitter dust, stencils, maliit na towel, at salamin, para makita ng iyong model ang kaniyang sarili at ang iyong art work.

Available ang Snazaroo paints, kits, at tools sa The Oil Paint Store sa Manila at sa National Bookstore Glorietta 1 branch sa Makati.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Candy o money bouquet making

Magkano ang puhunan? P600 hanggang P800

Larawan mula sa Shutterstock

Mas nagiging espesyal ang chocolates, lollipops, at iba pang sweets kung ide-decorate ito into bouquets.

Kailangan mo lang ng chocolates o ano mang candy, fancy paper o wrapper, tape, balloon/popsicle sticks (o recycled cardboard/containers na paglalagyan ng sweets), glue, gunting, at ribbon na mas magpapaganda ng package. Pwede mo itong i-customize depende sa okasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwedeng i-attach ang mga round chocolate tulad ng Ferrero Rocher at Lindor Truffles sa balloon sticks at lagyan ng dekorasyon para magmukha bulaklak. Kung nais mo naman ng mas simpleng arrangement, pwedeng panoorin ang Candy Bouquet tutorial na ito mula sa Ksripriya Kanigolla YouTube channel.

Kung hindi candy bouquet, pwede ka naman sumabay sa kung ano ang trending ngayon. Ang money bouquet. Huwag kang mag-alala, ang client mo naman ang magpro-provide ng cash money na ilalagay mo sa bouquet. Kailangan mol ang ay i-arrange ito nang maganda. Narito ang tutorial.

Ano ang magandang negosyo? Event hosting

Magkano ang puhunan? P300 hanggang P500

Ang kailangan mo lang dito ay talent sa hosting, damit na akma sa okasyon, at pamasahe papunta sa event.

Syempre, ang pagiging lively at engaging ay bonus points na. Lalo na kung alam mo kung paano makako-connect sa iyong audience.

Maaari kang magsimula sa mga children’s party ng mga kaibigan o kamag-anak, pati na rin sa mga family get-together. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ka na ng experience bilang host o emcee.

Ngayon na uso na rin ang Zoom o online parties, pwede mo na ring gawin ang business na ito kahit nasa bahay lang. Kailangan mol ang ng costume at props at handa ka na para sa new gig mo!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang magandang negosyo? Paggawa ng accessories

Magkano ang puhunan? P200 hanggang P700

Larawan mula sa Shutterstock

Para sa mga mahilig sa arts and crafts, alam niyo na maraming magagandang materyales at designs na pwede niyong gawing decorative arm and wrist bands. Maaaring gumamit ng loom band at hemp cords. Pwede ka ring gumawa ng face mask holders, na uso rin ngayon.

Kailangan mo lang na lagyan ito ng makukulay na beads at cute charms na magpapaganda sa mga accessories mo. Pwedeng tumingin  sa mga onlune stores para malaman kung ano ang mga supply na available, at baka sakaling maaari mo rin itong mabili nang mas mura kung bibili ka nang bultuhan o wholesale.

Ano ang magandang negosyo? Cartooning/Illustrating

Magkano ang puhunan? P200 hanggang P500

Mae-enjoy mo na gawin ang business na ito kung hilig mo at may talento ka sa pag-drawing ng mukha ng mga tao. Maaaring mag set-up ng lamesa sa mga party o school fair. Tiyakin na mayroon kang lapis, pambura, pangkulay, at stack ng oslo paper.

Para naman mas maging maikli ang waiting time at makapag-accommodate ka nang mas maaraming customer, makatutulong kung gagawa ka ng pre-made body drawings ng iyong mga cartoon. Ilan sa mga popular na gusto ng mga kabataan ay superheroes, athletes, prinsipe at prinsesa, at musicians o rock stars.

Sa kabilang banda, pwede ka rin tumanggap ng commissions at gawin ang trabaho sa iyong bahay. Kailangan mo lang ay picture mula sa iyong client.

Anong magandang negosyo sa maliit na puhunan? Condiment o sauce making

Magkano ang puhunan? P500 hanggang P700

Kung hilig mo naman ang pagluluto, ito na ang pagkakataon mo para pagkakitaan ito. Maraming online food businesses ang pumatok simula noong mag-pandemic. Pwede kang mag-bake, gumawa ng frozen meals, o kung mayroon kang special recipe ay pwede mo ring gawin. O kaya naman ay gumawa ka ng homemade sauces o condiments.

Kung meron ka nang food processor, cooker, at refrigerator sa bahay, mas madali ka nang makagagawa ng masarap na sauce. Madali at abot-kaya lamang na gawin ang mga food complements na ito. At tiyak din na mas mapapasarap ang kain kapag mayroon nito.

Pwede kang magsimula sa paggawa ng fishball sauce. Narito ang paraan ng paggawa nito mula sa Lutong Filipino.

Maaari mo ring subukan ang five-minute, five-ingredient na Easy Homemade Pesto mula sa Damn Delicious.

Kapag nakagawa ka na ng sauce, palamigin ito at isalin sa glass jars. Huwag itong ilalagay sa plastic jars para mas maayos na flavor retention.

Pwede ring subukan ang recipe na ito ng chili garlic sauce mula sa Negosyo Recipes.

Errand running

Magkano ang puhunan? P200 hanggang P300 (para sa pamasahe)

Ang business na ito ay paraan na rin ng pagtulong sa mga taong masyadong busy para gumawa ng mga personal at business errands tulad ng pagbili ng grocery at pagbabayad ng bills. Hindi mo naman kailangan ng special skills dito o kaya ay training. Pwede ring i-incorporate ito sa daily chores mo.

Para sa business na ito, ang kailangan mo lang ay cellphone para ma-contact ka ng iyong kliyente. Kailangan mo rin ng pamasahe o sasakyan para madali kang makapunta sa dapat mong puntahan. At syempre, dahil importante rin ang iyong kaligtasan, mas makabubuti na mag-invest din sa pagbili ng face masks para tiyak na protektado ka sa mga germs kapag lalabas ng bahay. Advantage din kung organized ka at madaling makisalamuha sa mga tao.

Pwede mong singilin ang customer mo kada task na ipagagawa niya. Maaari din naman na per hour ang singil mo depende sa preference at arrangement na napagkasunduan niyo.

Tutoring

Magkano ang puhunan? P500 hanggang P1000 para sa internet connection

Larawan mula sa Shutterstock

Fluent ka bas a Chinese, Japanese, o ano mang foreign language? Magaling ka ba sa particular sport o magaling tumugtog ng musical instrument? O kaya naman ay standout student ka pagdating sa Math at Science?

Pwede mong pagkakitaan ang mga kaalaman mo at skills sa pamamagitan ng pago-offer ng one-on-one lessons. Noon, kailangan mong bumyahe para makipagkita sa iyong estudyante. Pero ngayon, pwede mo na itong gawin online sa pamamagitan ng gusto mong video chatting service.

Kakailanganin mo ang gadget tulad ng phone at laptop, good communication skills, at pasensya sa pagtuturo sa mga bata o pati na rin sa matatanda.

Anong magandang negosyo sa maliit na puhunan? Truffle making

Magkano ang puhunan? P800 hanggang P1000

Kayang-kaya mo ang paggawa ng no-bake, bite-size chocolate-covered delights na ito kung mayroon ka nang fully-equipped kitchen. Maganda itong panregalo o pang-giveaway. O kaya naman ay family dessert. Tiyak na magugustuhan ito ng sino mang mahilig sa matamis na pagkain.

Ang maganda pa rito, pwede mong patulungin ang mga chikiting sa paggawa ng truffle. Hindi lang ito for the business, pwede ring maging family bonding. Tiyak na ma-eenjoy nila ang paggawa ng balls mula sa mixture, at ang pag-dip at roll nito sa chocolate, at ang paglalagay ng sprinklers bilang final touch.

Syempre, pwede ring turuan ang mga bata ng pagbabalot o pagbo-box ng truffles.

Narito ang 2 terrific recipes na pwede niyong subukan. Ang Oreo Truffles mula sa Cooky M at ang Graham Cracker Balls mula kay Aling Oday’s Kusina.

Online selling

Magkano ang puhunan? P500 hanggang P1000 para sa internet connection at pagbili ng mga paninda

“Pa-mine mon a ‘yan, sis!”

Kung natural na sa’yo ang galing sa pagkumbinsi sa mga tao na bilihin ang mga paninda. O kaya naman ay gustong-gusto mo ang pakikipag-connect sa mga friend mo sa social media, bakit hindi mo subukan ang online selling business?

Ano ang kailangan mong ibenta? Kahit ano! Kung mayroong mga bagay sa inyong bahay na hindi na ginagamit pero nasa maganda pang kondisyon (lahat siguro tayo ay mayroong damit na hindi na sinusuot o kaya naman ay bag na hindi na ginagamit), pwede kang magsimula rito. Kung may green thumb ka naman, pwedeng magtanim ng mga halaman sa inyong garden at ibenta ito sa mga plantita friend online.

Ang pinakakailangan mol ang talaga rito ay ilang bagay na pwede mong ibenta, superior convincing power, at stable na internet connection.

Kapag mayroon ka nang kinita sa mga preloved items, pwede nang gamitin ang pera sa kapital. Maaaring palakihin ang iyong business sa pamamagitan ng pagbili ng mga bultuhang damit sa ukay-ukay o kaya naman sa mga wholesaler.

Maging VIP Influencer

Hindi mo kailangan ng kapital o puhunan!

Kung sa palagay mo ay pwede kang maging influencer, bakit hindi mo subukang tuparin ang pangarap na ito! Pwede kang magsimula sa pag-build ng sarili mong brand, gumawa ng relatable content, at magbahagi ng iyong expertise at experience bilang mommy. Kapag nagkaroon ka na ng steady following, pwede kang kumita sa pamamagitan ng pakikipag-collaborate sa mga brands na gusto mo at pinagkakatiwalaan mo, at i-promote ang mga ito sa social media.

Ang platform naming na VIParent ay magandang starting point kung gusto mong kumita sa pamamagitan ng content creation. Alamin ang buong detalye rito.

Ano pang ibang magandang negosyo sa maliit na puhunan ang alam mo? Pwede mong ibahagi ‘yan sa comment section!

Larawan mula sa Shutterstock

Tips sa pagsisimula ng business

Ang pagsisimula ng magandang negosyo sa maliit na puhunan ay parehong exciting at challenging. Kaya naman, narito ang ilang tips para sa mga magsisimula pa lang ng small business:

Kailangan mo ng solid plan

  • I-outline ang iyong business idea, goals, target market, competition, at financial projections
  • Gumawa ng business plan para magsilbing roadmap mo sa pagsisimula ng negosyo.

Alamin kung sino ang iyong target audience

  • Unawain ang pangangailangan, kagustuhan at behavior ng iyong mga customer
  • I-angkop ang iyong mga produkto at serbisyo sa kanilang demands

Mag-build ng strong online presence

  • Gumawa ng professional website at i-establish ang presence mo sa social media platforms.
  • I-utilize ang online marketing strategies upang maabot ang mas maraming audience.

Mag-focus sa customer service

  • Mag-provide ng excellent customer service para magkaroon ng positibong reputasyon.
  • Hikayatin ang mga customer na magbigay ng feedback at gamitin ito para ma-improve ang produkto at serbisyo.

I-manage nang maayos ang iyong finances

  • Gumawa ng detalyadong financial records
  • Mag-set ng budget at sundin ito
  • Magtabi ng pondo para sa taxes at emergencies.

Unawain ang legal na aspeto

  • I-register ang inyoong business at asikasuhin ang mga kailangang lisensya at permit.
  • Alamin ang tax regulations at compliance requirements.

Gumawa ng network at bumuo ng relationships

  • Makipag-ugnayan sa mga small business owner, industry professionals, at potential customers
  • Dumalo sa mga networking events at sumali sa mga business associations

Maging adaptable

  • Maging bukas sa feedback at maging handa na gumawa ng adjustments sa iyong business model.
  • Mag-adapt sa pagbabago sa market at industry trends.

Mag-invest sa marketing

  • Mag-develop ng marketing strategy upang ma-promote ang iyong mga produkto o serbisyo.
  • Gamitin ang parehong online at offline marketing channels.

Mag-focus sa kalidad

  • Mag-provide ng high-quality products o services upang makuha ang tiwala at loyalty ng ga customer. Kung satisfied ang iyong customer sa produkto o serbisyo mo, pwede itong maging repeat customer o kaya naman ay i-refer ang iyong negosyo sa ibang tao.

Matuto sa mga pagkakamali

  • Mahalagang maunawaan na hindi magiging madali ang lahat
  • Gamitin ang mga setback bilang learning opportunity at mag-adjust sa iyong strategies.

Manatiling organized

  • Tiyaking organized ang iyong workspace at business operations
  • Gumamit ng tools at systems upang ma-streamline ang tasks at ma-improve ang efficiency.

Alagaan ang sarili

  • Mahalaga pa rin na alagaan ang sarili. Hindi madali ang magpatakbo ng negosyo kaya naman, importanteng i-prioritize pa rin ang self-care upang maiwasan ang burnout.
  • Tiyakin na may work-life balance pa rin para mapanatili ang physical at mental well-being.

Tandaan na ang tagumpay sa pagsisimula ng maliit na negosyo ay nagmumula sa pagpupursige, dedikasyon, at kagustuhang matuto mula sa mga karanasan. Patuloy lang na mag-adapt at ayusin ang iyong approach habang lumalaki ang iyong business.

Kung nais mabasa ang English version ng artikulong ito, maaaring basahin dito.

Sinulat ni

Jobelle Macayan