Ayusin ang relasyong mag-asawa sa loob ng limang minuto

Ipagpatuloy ang inyong pagmamahalan, kahit napaka-busy na kayong dalawa!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alam ba ninyo kung ano ang micro-moments? Baka ito ang susi para masagip at mapabuti ang inyong relasyong mag-asawa!

Kahit gustuhin natin na puro kasiyahan at katuwaan lang ang relasyon natin, di maiiwasan ang mga away at di pagkakasundo.

Ngunit puwede nating sagipin ang ating relasyon sa pamamagitan ng ilang paraan—tulad ng tip na ito na nanggaling sa isang relationship expert. At napakasimple lang niyang gawin.

Sabi ng psychologist na si Belinda Williams, gumamit tayo ng mga “micro-moments”.

Ano ang micro-moments?

Ipinaliwanag ni Belinda na bago dumating ang mga anak ng isang mag-asawa, tiyak na nagkaroon sila ng panahon para magkapalagayan ng loob. Maraming silang nagagawa na sila lang dalawa. Puwede silang humiga sa sofa, maghawak ng kamay, o makinig sa musika nang magkasama.

Ngunit nawawala ang mga ito pag marami na silang ginagawa. Maaaring naging mas busy na sila sa pagpapalaki ng anak, o sa trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang solusyon? Ibalik ang pagpapalagayang-loob na ito sa pamamagitan ng mga tig-lilimang minuto na micro-moments.

Hindi kailangan ng mahahabang oras para gumawa ng positibong epekto sa iyong relasyon, ayon kay Belinda. Ang micro-moments ay ang pag-maximize ng bawat minuto ng libreng oras.

Anong puwedeng gawin sa loob ng mga micro-moments?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tuwing may libreng oras kayong dalawa, mahalaga maging intensyonal ang pakikitungo sa isa’t isa. Kailangan niyong ipahiwatig sa inyong partner na mahal mo siya.

Puwede mo siyang yakapin tuwing nagkakasalubong kayo sa bahay. Puwede mong hawakan ang kaniyang kamay bago kayo matulog. Kahit isang maliit na bagay tulad ng pagtimpla ng kaniyang kape ay maaaring gumawa ng malaking epekto.

Wag nating hintayin ang ang espesyal lamang na okasyon para iparamdam sa ating mga partner ang ating pagmamahal. Dapat nating ipakita sa kanila na mahal natin sila araw-araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung kailangan mo ng paalala para matandaang gumawa ng micro-moments, puwede kang mag-set ng alarm sa iyong telepono. Sinubukan to ni Belinda mismo, at gumana ito para sa kaniya!

“Nahihiya akong aminin na nag-set ako ng reminder sa aking telepono para ipaalala sa akin na yakapin ang asawa ko sa sofa at sabihan siya kung gaano ko siya kamahal. Pero gumana siya!”

Source: Mirror

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Cristina Morales