5 rasong kung bakit dapat organic ang binibili mong pagkain

Ayon sa mga health experts, ang mga organic foods ay siguradong safe at healthy para sa iyong family.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang organic food at bakit ito ang dapat mong ihain sa iyong pamilya?

Ano ang organic food?

Image from Freepik

Sa ginanap na Promil Organic virtual event kamakailan lang ay nakakuha ang theAsianparent ng napakahalagang impormasyon na dapat malaman nating mga magulang pagdating sa mga pagkaing inihahanda natin sa ating pamilya. Ayon kay Dr. Celeste Gomez, isang pediatrician at organic lifestyle advocate at resource speaker ng naturang event, hindi lang dapat basta natural food ang inihahain natin sa kanila. Dapat ay siguraduhin din nating organic ito. Dahil baka imbis na pinapalakas nito ang kanilang katawan ay nagiging dahilan na pala ito para magkaroon sila ng karamdaman.

Pero ano ba ang organic food?

Ayon sa mga agriculture expert, ang organic ay tumutukoy sa mga pagkaing hindi ginamitan ng kahit anumang synthetic kemikals habang lumalaki. Ibig sabihin, tulad ng mga gulay na hindi ginamitan ng fertilizer at pesticides, o mga alagang hayop tulad ng manok at baboy na hindi pinakain ng processed feeds.

Kaiba ito sa mga pagkaing tinatawag na all-natural o natural na ginamitan na ng kaunting kemikals upang mapalaki o ma-preserve.

Ayon pa rin sa mga eksperto, maliban sa mas sustainable ang mga organic na pagkain ay mas masustansya rin umano ito. Dahil sa ito ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa ating kalusugan gaya ng mga sumusunod:

Mga benepisyo ng organic food sa kalusugan

1. Wala itong taglay na kemikal na maaaring makasama sa ating kalusugan

Ayon sa isang US report, ang mga produkto o pagkain na ginamitan ng agricultural chemicals tulad ng pesticides ay nakakasama sa ating kalusugan. Dahil karamihan sa mga kemikal na ito ay kilalang nagdudulot ng cancer o sinisira ang balanse ng hormones sa ating katawan. Ilan nga sa mga karamdaman na iniuugnay ng US Environmental Protection Agency sa 1,400 na agricultural chemicals na maaring na-iintake ng ating katawan ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Sakit na may kaugnayan sa ating brain at central nervous system
  • Cancer sa breast, colon, lung at ovaries
  • Hodgkin’s at non-Hodgkin’s lymphoma atbp

2. Wala itong taglay na antibiotics na maaaring makapag-dulot ng antibiotic resistance sa katawan

Ang mga organically raised na hayop ay hindi binibigyan ng antibiotics o growth hormones. Kaya naman makakasiguro na sa tuwing kakain ng mga organic meat ay hindi makakapag-absorb ng additional antibiotic ang katawan. Mahalaga ito, sapagkat ang sobrang antibiotic intake ng katawan ay maaaring mauwi sa antibiotic resistance. Nangangahulugan ito na sa oras na may sakit at kinakailangang uminom ng antibiotic ay maaaring hindi na ito umepekto.

Sa pagkain ng mga organic meat at dairy ay masisigurong hindi mai-expose ang katawan sa mga endocrine-disrupting chemicals. Ang mga kemikal na ito’y maaaring makasira ng normal na balanse ng tiyan at ma-absorb ng katawan mula sa growth hormones na ini-inject sa mga alagang hayop.

Image from Freepik

3. Nagtataglay ang mga organic meat at dairy ng mas mataas na level ng omega 3 fatty acids

Ayon sa mga health expert, ang mga organic meat at dairy ay nagtataglay ng mas mataas na level ng omega 3 fatty acids. Ang healthy fats na ito ay nakakatulong sa katawan na maiwasan ang depression at anxiety. Na-iimprove din nito ang eye health, brain health at naiiwas ang puso sa mga sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga bata, ayon sa research, ang mga omega 3 fatty acids ay nakakatulong upang mabawasan ang sintomas ng ADHD. Ganoon din ang mga sintomas ng metabolic syndrome tulad ng obesity at highblood.

Ang omega 3 fatty acids ay nakakatulong din upang maibsan ang inflammation sa katawan. Ganoon din ang pagkakaroon ng autoimmune disease, asthma, cancer at Alzheimer’s disease.

4. Pinapalakas nito ang ating immune system o ang depensa ng ating katawan laban sa mga sakit

Ang mga phytochemical na taglay ng organic vegetables at fruits ay nakakatulong na ma-stimulate ang ating immune system. Dahil karamihan sa mga phytochemical ay antioxidants na pumoprotekta sa mga body cells laban sa oxidative damage. Pinapabagal rin nito ang growth ng cancer cells at iniiwasan ang DNA damage.

5. Nakakatulong ito upang ma-introduce sa mga maliliit na bata ang totoong lasa ng pagkain

Ang mga organic food ay hindi nagtataglay ng artificial flavors at colors. Kaya naman siguradong ligtas ito para sa inyong mga anak. Sa pamamagitan rin ng organic food ay nai-introduce sa isang bata ang totoong lasa ng pagkain. Kaya naman sa kanyang paglaki ay mas nahihilig mga masusustansiyang pagkain kumpara sa mga junk food na madalas na nagtataglay ng artificial flavorings.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga masusustansyang pagkain na kailangang siguraduhing organic

Kaya payo ni Dr. Gomez, para masigurong makukuha ng iyong pamilya ang benepisyo ng organics foods ay narito ang mga masusustansiyang pagkain na kailangang siguraduhing organic sa tuwing ihahanda sa kanila. Ang mga pagkaing ito ay kilala rin sa tawag na dirty dozen. Mataas ang tiyansa na ang mga ito ay nagtataglay ng pesticides na maaaring makasama sa kalusugan.

Dirty dozen

  • Strawberries
  • Spinach
  • Kale
  • Nectarines
  • Apples
  • Grapes
  • Peaches
  • Cherries
  • Pears
  • Tomatoes
  • Celery
  • Potatoes

Ang mga masusustansyang pagkain na nabanggit ay dapat ding mahugasan ng maigi.

Image from Freepik

Samantala, may mga masusustansyang pagkain naman na maaari mong ibigay sa iyong pamilya kahit na ito ay hindi organic. Dahil mababa ang tiyansa na ang mga ito ay ginamitan ng pesticides. Ang mga pagkaing ito ay kilala sa tawag na clean 15.

Mga masusustansyang pagkain na hindi kailangang maging organic

Clean 15

  • Avocadoes
  • Sweet corn
  • Pineapple
  • Onions
  • Papaya
  • Frozen sweet peas
  • Eggplants
  • Asparagus
  • Cauliflower
  • Cantaloupe
  • Broccoli
  • Mushrooms
  • Cabbage
  • Honeydew lemon
  • Kiwi

Kaya pa ano pang hinihintay mo? Simulan na ang pagbibigay ng organic foods sa iyong pamilya at i-enjoy ang benepisyong naibibigay nito sa katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source;

Healthline, Nature’s Path

BASAHIN: 

Ito ang epekto kapag nilalagyan mo ng asukal ang pagkain ni baby

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement