Ano ang ovulation at fertile window? 7 impormasyon para malaman kung kailan pwedeng mabuntis

Nahihirapan ba kayong magka-baby ni mister? Alamin kung ano ang ovulation at kung paano makakatungkol ang kaalaman nito sa inyong mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ikaw ay may kinakaharap na problema sa pagbubuntis. Maaari kang sabihan ng iyong gynecologist na bantayan ang iyong ovulation period o ang tinatawag na fertile window. Ano nga ba ang ovulation period?

Ang ovulation period ang panahon kung saan ang egg cells ay lalabas mula sa ovary na maaaring ma-fertilize ng sperm cells.

Kung ang egg cells ay na-fertilized, mapupunta ito sa iyong matris at at saka doon mananatili para ma-develop ang iyong pagbubuntis

Sa kabilang banda naman, kung ang egg cells ay hindi na-fertilize, maghihiwalay ang mga ito at ang iyong uterine lining ay malalagas at lalabas sa iyong katawan sa porma ng regla sa oras ng iyong menstruation period.

Ang pag-unawa sa kung papaano gumagana ang iyong ovulation period at cycle ay mahalaga dahil makakatulong ito upang mas maging maigi ang pagpaplano mo sa iyong pagbubuntis.

Bukod pa rito, ito rin ay importante upang malaman kung ikaw ba ay nakakaranas ng iba pang mga medikal na kondisyon.

Ano ang ovulation? Kailan ba nagsisimula ang Ovulation?

Larawan mula sa iStock

Marami sa mga kababaihan ay nagsisimulang magkaroon ng menstruation sa pagitan ng 10 at 15 taong gulang. Dito sa panahon na ito ay nagsisimula na silang mag-ovulate at maaari na ring magbuntis.

Ano ang paliwanag sa ovulation period?

Ang ovulation period ay phase ang paglalabas ng ovary ng egg cells. Nagsisimula ang period na ito 12 hanggang 14 na araw bago ang bagong cycle ng menstruation.

Dito rin ibinibilang ang fertile window na tinatawag. Ito ang 5 araw na patungo sa ovulation period. Dagdag pa rito, ang araw ng ovulation at araw pagkatapos ng ovulation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag natutunan kung ano ang ovulation period, kapwa sa balak at walang balak magbuntis, mas matitiyak nila ang kapasidad nito. Maaari ka ring mabuntis kung nakipagtalik sa fertile window, o 5 araw bago ang ovulation. At pwede rin sa araw mismo ng ovulation.

Sa pag-alam kung ano ang ovulation period na nakabatay sa iyong cycle, makakatulog ang paggamit dito ng kalendaryo at pagbibilang ng araw. Pero, hindi ito applicable sa mga cases ng irregular ang period o menstrual cycle.

Maaaring kumonsulta pa sa doktor kung ganito ang sitwasyon at matiyak kung kailan at ano ang iyong ovulation period.

Ano ang kahulugan at ibig sabihin ng ovulation sa Tagalog?

Mahalaga na maaga palang ay nauunawaan na kung ano ang kahulugan ng ovulation sa Tagalog. Importanteng naipaliliwanag na sa mga kabataang nasa nabanggit na edad ang meaning ng obulasyon sa kanilang pagiging babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pangkaraniwan, ang mens ng kababaihan ay may cycle na 28 hanggang 32 na araw at ang unang araw ng mens ang sinasabing simula ng cycle. Ang egg cells ay lumalabas madalas sa ika-12 o ika-16 na araw bago magsimula ang susunod na menstruation period.

Ang ovulation ay tinatawag ding obulasyon o paglabas ng itlog ng babae bilang ano ang ibig sabihin nito sa Tagalog. Ito ay ang proseso sa loob ng cycle ng mga kababaihan kung saan lumalabas ang egg cell mula sa ovary.

May ilang mga araw sa loob ng menstrual cycle kung saan may mas mataas na tiyansang mabuntis ang babae. Sa mga araw na ito maaaring mangyari ang ovulation na tinatawag din sa o may ibig sabihin sa tagalog na pangingitlog ng babae.

Ang mga araw bago at matapos ang ovulation ay tinatawag namang fertile window. Malaki ang posibilidad nang isang babae ay mabuntis kung siya ay makikipagtalik sa loob ng fertile window.

Nakararating sa menopause stage ang mga kababaihan sa pagitan ng edad 50 at 51 at doon ay madalas na humihinto na ang kanilang ovulation. Sa kabila nito, sa perimenopausal o menopausal trasition period ay maaari pa ring magtuloy-tuloy ang ovulation.

Kung sapat ang kaalaman ng mga kababaihan sa kung ano ang meaning ng obulasyon ng babae at ang importansya nito sa kanilang sexual life, mapaplano nilang maigi ang pagbuo ng pamilya.

Ano ang iba pang katawagan o salita sa ovulation sa tagalog?

Para mas mailinaw ang period ng ovulation at pagiging fertile ng isang babae, may mga iba pang salita na pwedeng iugnay sa ovulation sa tagalog.

Bilang ang ovulation ay ang panahon ng paglabas ng egg cells mula sa obaryo, mas malinaw nga namang malalaman ito kapag alam ang ibig sabihin sa tagalog. Tiyak ang posibilidad ng pagkabuntis kung may pagtatalik din sa panahong ito at ma fertilized o mapagyabong ng sperm cell mula sa lalake.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasama na rito ang obulasyon bilang translation ng ovulation sa tagalog. Dagdag pa, ang fertile at ovulation ay pwedeng maaaring manganak o magkaanak, mayabong o mabunga, at malago.

Bilang tao, partikular sa kababaihan, ang ovulation o maaaring magkaanak ay period kung saan kailangang tiyakin ng mag partner ang pagtatalik lalo na sa nagpaplanong magkaanak.

Sa kabilang banda, sa mga wala pang planong manganak, ito rin ang period na kailangang iwasan kung maaari, o gumamit ng contraception at safe sex.

Lalo na sa kabataan, na nasa remote area na hindi naabot gaano ng edukasyon, kailangang maipaliwanag sa kanila o i-translate sa tagalog kung ano ang ovulation para maunawaan. At, mas maging epektibo ang family planning at cases ng teenage pregnancy.

Maliban dito, ang ovulation at pag alam kung ano ito sa tagalog ay mas madaling pag-unawa sa penomenon na ito sa ating katawan bilang babae, para sa responsible at reproductive health.

Kaakibat din ng ovulation sa pagpaplano ang calendar at withdrawal method.

Papaano malalaman kung ikaw ay nagsisimula nang mag-ovulate o kailan malalaman kung kailan ka fertile?

Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Una nang tinalakay kung ano ang ovulation. May iba’t iba mang interpretasyon o pagkakaintindi ang mga tao tungkol dito, ito ay may simpleng paliwanag na madaling maunawaan.

Ang simpleng kahulugan ng ovulation o ng pangingitlog ng babae sa tagalog ay ang pag labas ng egg cell ng babae mula sa kanyang obaryo.

Sa paglabas ng itlog, maghihintay ito ng sperm cell mula sa semilya ng lalaki. Kinakailangan ang pagsasama ng sperm at egg cell upang ito ay ma-fertilize na siyang pagsisimula ng pagbubuntis.

Ang fertilized egg ay kakapit sa matres ng babae at madedevelop hanggang maging ganap na sanggol. Kung walang sperm na magpe-fertilize sa itlog, baba ito kasama ng mga tissues sa matris at ilalabas ng katawan na siyang magiging regla. At muling uulit ang siklo sa susunod na menstrual cycle.

May iba’t ibang paraan upang malaman kung ang babae ay nasa kaniya nang ovulation period. Ngunit hindi madaling matukoy ang eksaktong araw kung kailan magsisimula ang ovulation.

Sa kabila nito, maaaring obserbahan ng babae ang kaniyang katawan sa mga pagbabagong maaari niyang maranasan. Dahil ang mga ito ay pwedeng senyales na ng ovulation period.

Narito ang mga paraan kung papaano malalaman kung ikaw ba ay nag-o-ovulate o hindi:

  • Tumataas ang dami at mas nagiging makapal ang cervical mucus dahil sa magtaas ng iyong estrogen level.
  • Maaaring mapapansin ang kaunting pagtaas ng iyong body temperature sa tuwing nangyayari ang ovulation period. Ayon sa mga eksperto, ang mga kababaihan ay pinaka-fertile 2 o 3 araw bago tumaas ng husto ang kanilang temperature.
  • Pwedeng gumamit ng basal thermometer para malaman ang maliliit na pagbabago at pagtaas ng iyong temperature.
  • Isa pang malinaw na senyales ay ang katamtamang sakit na mararamdaman sa may ibabang bahagi ng tiyan o puson.  Kung saan ay maaaring maramdaman ng ilang minute hanggang ilang oras. Palatandaang may pananakit sa iyong obaryo.
  • May mga ovulatory predictor kits ngayon na available at maaaring mabili sa mga drug store na pwedeng gamitin.

Ano ang mga sintomas ng ovulation?

Maliban sa mga naunang ibinahagi, maaari ring senyales na ikaw ay nag-o-ovulate kung makararanas ka ng mga sumusunod na sintomas:

  • Breast Tenderness o pananakit ng iyong mga suso
  • Tumataas ang libido at pananabik sa pakikipagtalik
  • May napapansing panakanakang pagdurugo o spotting

Hindi magkakapareho ang bawat babae pagdating sa mga sintomas na maaari nilang maranasan tuwing nag-o-ovulate. May ilan na nakararanas ng lahat ng sintomas na nabanggit.

May iba naman na ilan lang sa mga nabanggit na sintomas ang nararamdaman. At ang iba ay halos walang sintomas na maramdaman.

Para sa ilan, may iba ring meaning ang mga sintomas na ito bukod sa obulasyon ng babae. Ang mga ito ay maaaring maging gabay mo lamang sa pag-alam ng iyong ovulation. Ngunit hindi pa rin nito direktang matutukoy ang eksaktong araw kung kailan mangyayari ang pangingitlog.

Bukod sa mga pisikal na sintomas, may mga pantulong na gabay din upang malaman kung ikaw ay nasa ovulation na o nasa iyong fertile window.

Halimbawa na lang ay ang pagkakalendaryo o pagbibilang ng mga araw mula sa iyong menstrual cycle. Tinatawag itong ovulation calendar.

Paano ba nakakatulong ang Ovulation Calendar?

Mula sa pag-alam kung ano ang ovulation sa tagalog, kakabit nito ang ibig sabihin at gamit ng ovulation calendar.

Nakatutulong ang ovulation calendar para malaman mo kung kailan ang iyong pinaka-fertile na mga araw. Ito ay importanteng gamit para mabantayan ang iyong cycle at para makita at maintindihan ang mga iregularidad.

Mayroong ilang website at apps na makakatulong sa iyo para masubaybayan ang cycle ng mas madali. Dito ay kailangan mo lamang na punan ng mga tamang impormasyon ang mga hinihinging detalye.

Bukod pa rito, maaari rin namang mag-download ng isa sa mga ganitong apps sa gadyet o cellphone ng inyong partner. Para malaman din nila ang lahat ng tungkol sa iyong ovulation period lalo na kung kayo ay sumusubok na magka-anak.

Paano gamitin ang ovulation calendar

Maaari kang gumamit ng kalendaryo o mga period tracker application na pwede mong ma-download gamit ang iyong mobile device. Sa iyong kalendaryo, markahan ang unang araw ng iyong buwanang dalaw.

Ang bilang ng mga magkakasunod na araw mula sa iyong first day hanggang sa mga susunod ay ang haba ng iyong siklo. Mahalagang malaman ang haba ng iyong menstrual cycle upang matukoy kung ikaw ay may regular period.

Kailangan mo itong gawin nang hindi bababa sa anim na magkakasunod na buwanang dalaw. Ito ay upang mas maging sigurado at consistent sa pagbilang ng mga araw. Kadalasan nangyayari ang ovulation 12 hanggang 14 na araw bago ang iyong susunod na menstrual cycle.

At ang mga araw bago at matapos ang ovulation ay siyang tinatawag na fertile window. Ang limang araw bago ang pangingitlog, ang araw matapos nito, at ang mismong araw ng ovulation ang siyang bumubuo sa iyong fertile window. Sa mga araw na ito mas mataas ang tiyansang makabuo ang mag-asawa kung sila ay magtatalik araw-araw o every other day.

Paano kung ikaw ay irregular?

Kung ang iyong menstrual cycle ay paiba-iba kada buwan o ikaw ay may irregular period, maaari kang sumubok ng ibang paraan. Hindi magiging epektibo para sa kababaihang may irregular period ang paggamit ng calendar method.

Pinakamainam na ipakonsulta ito sa isang Ob-Gyn upang mapayuhan kung anong ovulation tracker method and pwede sa iyo.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Nataliya Vaitkevich

Ovulation Period at ano ang mga yugtong dapat mong bantayan

Mayroong tatlong yugto sa kabuuan ng ovulation period, ito ang:

  • Periobulatory: Sa yugtong ito, ang mga layer ng cells na nakapaikot sa ovum ay magsisimulang maging kamukha ng mucus at lalapad ito. Ang uterus lining ay magsisimula na ring kumapal.
  • Ovulatory phase: Dito naman ay kung saan ang mga egg cells ay lumalabas mula sa mga dominant follicle na nasa loob ng ovary at napupunta sa falloipian tube. Maaaring ma-fertilize ng sperm cell and egg sa puntong ito. Tandaan na ang pangkaraniwang itinatagal lang ng buhay ng egg cell ay 24 hours. Kaya mamamatay ito liban na lamang kung nakatagpo ng sperm cell. Ito lamang ang tanging oras sa menstruation cycle ng kababaihan na maaari siyang mabuntis. Kaya’t kung ikaw ay nagpaplano na makabuo ng baby, makakatulong na alamin ang iyong fertile window.
  • Luteal phase: Ang fertile egg ay mapupunta na sa sinapupunan habang ang mga unfertlized naman ay mabagal na titigil sa pag-produce ng  mga hormones at mamamatay pagkatapos ng 24 hours. Ang uterus lining ay magsisimula ng maalis at maghahanda nang umalis sa katawan sa oras ng mag-mens.

Gaano dapat kadalas ang pagtatalik para mabuntis? 

Kadalasan, ang mga mag-asawa na sumusubok ng isang beses sa araw ng fertile window ay nagiging matagumpay na makabuo. Gayunpaman, kung aktibong sumusubok na magbuntis ay magkakaroon ng mas malaking tiyansa kung magtatalik kada araw, na may isang pagitan, sa oras ng fertile window.

Tandaan lamang na ang pinakamagandang oras para mabuntis ay dalawang araw bago ang ovulation o sa araw mismo ng ovulation.

Kapag iyo nang nauunawaan kung ano ang ovulation at paano ito nangyayari, mas mapaghahandaan mo ang iyong pagbubuntis. Makabubuti rin ito kung ikaw naman ay wala pang planong bumuo ng pamilya o nagpa-family planning.

Mahalaga na alam mo na kung kailan ang iyong fertile window. Umiwas na makipagtalik sa mga araw na ito. Kung ‘di naman maiiwasang makipag-sex ay siguruhing gumagamit ng proteksyon kung ayaw pang mabuntis.

4 na klase ng Ovulation Disorder

Madalas ang mga problema na kaugnay ng ovulation ay nauuwi sa infertility o hirap na magbuntis kaya’t bantayan lamang ang ilan sa mga pangkaraniwang sakit na maaaring makuha.

  1. Polycystic ovarian syndrome

Ang Polycystic ovarian syndrome o PCOS ay isa sa pinakamadalas na endocrine (hormonal) disorder na nararanasan ng kababaihan. Tinatayang nasa 10% ng mga kababaihan sa singapore ang mayroong PCOS.

Hindi man palagi, ang babaeng may PCOS ay madalas na magkaroon ng mga cysts sa kanilang ovaries o magkaroon ng hormonal imbalance tulad ng sobrang androgen (male hormone) at insulin resistance.

Maaaring makita ito mula sa mga iba’t ibang sintomas ngunit karamihan sa kababaihan ay walang kamalay-malay sa kondisyon na ito at nananatiling undiagnosed.

Ilan sa mga sintomas nito ay obesity, acne, at abnormal na pagtubo ng mga buhok sa katawan. Ang PCOS ay isa rin sa mga nangungunang dahilan ng infertility sa kababaihan.

  1. Premature ovarian insufficiency

Ang produksyon ng egg cells ay nahihinto sa kondisyon na ito at nauuwi sa pagbaba ng estrogen levels. Madalas na ang mga naaapektuhan ng kondisyon na ito ay ang mga kababaihan na nasa edad 40.

Mayroong ilang mga maaaring pinagmumulan nito at ang ilan dito ay genetic abnormalities, environmental toxins o autoimmune disease.

  1. Hyperprolactinemia

Sa ilang pangyayari, dahil sa paggamit ng ilang klase ng medikasyon o abnormalidad sa pituitary gland na siyang nagpo-produce ng hormones, ang kababaihan ay nakakapag-produce ng sobrang bilang ng prolactin.

Ito rin ay maaaring maging sanhi ng pagkabawas ng estrogen. Gayunpaman, ang kondiyon na ito ay mayroong mas mababang tiyansa na maging sanhi ng ovulatory dysfunction.

  1. Hypothalamic dysfunction

Kondisyon ito kung saan ang produksyon ng follicle stimulating hormone (FSH) at luteinizing hormone (LH) ay nagugulo. Ang dalawang prominanteng hormones na ito ang tumutulong upang mastimulate ang ovulation at makakaapekto rin ang mga ito sa menstrual cycle.

Ilan sa mga dahilan ng hypothalamic dysfunction ay emosyonal at pisikal na istress, labis na baba o taas ng timbang. Minsan din ay ang labis na pag-eehersisyo, mababang timbang at tumor ay maaari ring mauwi sa hypothalamic dysfunction.

Paano makapagsimula o mapataas ang ovulation?

Larawan mula sa Pexels

Kung mayroong abnormalidad sa iyong ovulation ay maaaring mag-prescribe ang iyong mga doktor ng fertility drugs para masolusyunan ang problema. Ang ilan sa mga gamot na madalas na irekomenda ng mga doktor para sa ovulation ay:

  • Metformin: Ito ay madalas na gamit ng mga kababaihang may PCOS. Ginagamot nito ang insulin resistance at pinapataas ang tiyansa ng ovulation.
  • Bromocriptine: Kung mayroong hyperprolactinemia, ito ang madalas na inirerekomenda ng mga doktor.
  • Letrozole: Temporaryang gumagana ang gamot na ito para sa pagpapababa ng level ng hormone na progesterone upang ma-stimulate ang produksyon ng ovum.
  • Clomid: Ito ay oral medication na kung saan pinapataas ang secretion sa pituitary gland ng follicle-stimulating hormone (FSH) at luteinizing hormone (LH) na nagiging dahilan para ma-stimulate ang ovarian follicles.

Paalala lamang na maaari lamang na inumin ang mga gamot na ito matapos magpakonsulta dahil ang mga fertility drugs na ito ay may mga side effects tulad ng:

  • Hot flushes
  • Mood swings
  • Pananakit sa tiyan
  • Panunuyo sa ari o vaginal dryness
  • Pagtaas ng bilang ng pag-ihi

Kung mayroong pagdududa tungkol sa iyong menstrual cycle, kumonsulta lamang sa iyong health practitioner dahil sila ay makatutulong upang mas mabantayan ng maayos ang iyong kalagayan at makakapagbigay rin ng payo sa mga test at medikasyon na kailangang kunin kung kinakailangan.

Mahalaga rin na maituro at maipakilala ang konsepto ng ovulation period, at ano ang ibig sabihin nito sa tagalog bilang kaalaman sa mas marami. Mas makakatulong din ito sa mga nagbabalak ng family planning at sa mga may plano na mabuntis at magkaanak.

 

Ang artikulong ito ay unang na inilathala sa theAsianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Charlen Mae Isip. 

Karagdagang impormasyon isinulat nina Jobelle Macayan at Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

The Asian Parent