Ang psoriasis sa mga bata ay isang uri ng kondisyon sa balat na may kaakibat na maling persepsyon o kaunawaan. Kaya naman kinakailangang malaman ng mga magulang ang sanhi, senyales at lunas nito.
Alamin kung ano ang psoriasis upang maintindihang mabuti ang ang kondisyong ito.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang psoriasis?
Ang psoriasis ay isang uri ng skin inflammation kung saan ang katawan ng isang tao ay nagkakaroon ng abnormalidad sa paggawa ng skin cells.
Ang proseso ng pagpapalit ng balat ng isang tao ay inaabot ng 28 hanggang 30 araw upang tumubo at humulas sa katawan. Sa kondisyon ng Psoriasis, inaabot lamang ng tatlo hanggang apat na araw ang buong proseso ng pagpapalit ng balat ng tao.
Ito ang dahilan kung bakit ng pagkakaroon ng pangangapal at pagkakaliskis ng balat ng isang tao, partikular na ang mga bata. Ito ang nagiging sanhi ng matinding pamamaga ng balat.
Sa ngayon ay hindi pa tiyak ang tunay na sanhi o dahilan sa pagkakaroon ng psoriasis sa mga bata ngunit pinaniniwalaan ng mga scientist na maaaring may kaugnayan ito sa immune system ng katawan.
May dalawang klase ng psoriasis sa mga bata. Ito ay ang:
- Plaque psoriasis. Ito ang pinaka-araniwang uri ng psoriasis. Inilalarawan ito bilang makapal, namumula, nagsusugat at nagkakaliskis na kondisyon ng balat. Madalas itong lumalabas sa siko, tuhod, anit at likuran ng mga bata.
- Guttate psoriasis. Ito ang klase ng psoriasis na hindi makaliskis at nangangapal. Kadalasan itong lumalabas bilang malilit na butlig na nagsusugat sa dibdib, kamay at paa.
- Inverse psoriasis. May lumalabas na bright red, shiny lesions na makikita sa kili-kili, singit.
Isa mga maling pag-iisip tungkol sa kung ano ang psoriasis ay isa itong nakahahawang sakit. Madalas, nagdudulot ito ng stigma sa mga taong may ganitong kondisyon. Ang totoo, hindi nakakahawa ang psoriasis subalit ito ay isang kondisyon sa balat na maaaring maranasan ng isang bata sa buong buhay niya. Kaya naman kinakailangan na malaman kung paano ito ma-manage man lang dahil ito’y maaari niyang madala hanggang sa kaniyang paglaki.
Sintomas ng psoriasis
Narito ang ilan sa mga sintomas ng psoriasis ay ang mga sumusunod:
- Mga plagues ng red skin na kadalasang kulay silver na scales. Ang mga plaque na ito’y may makati, masakit at kung minsan may mga crack at nagdudugo.
- Pagkakaroon ng disorder ng mga kuko sa kamay at paa. pati na rin ang discolouration ng mga kuko sa paa at kamay. Maaari rin matanggal o mag-crumble ang kuko mula sa nail bed kapag may psoriasis ang isang tao.
- Umaabot ang mga scales pati na sa scalp kapag mayroon psoriasis ang isang bata o tao.
Mga dapat gawin upang maibsan ang psoriasis sa mga bata
Narito ang ilang tips na dapat isa-isip ng mga mommy at daddy ukol sa pagharap sa kondisyong psoriasis ng kanilang anak:
- Ipaunawa sa inyong anak na ang kanilang kondisyon ay kayang maibsan at hindi sila nag-iisa dahil maraming tao ang dumaranas ng psoriasis.
- Magpagamot lamang sa isang mapagkakatiwalaan at may reputasyong dermatologist na kayang maibsan ang psoriasis sa mga bata.
- Ang mga simpleng lunas gaya ng pagligo sa maligamgam na tubig o pagpapahid ng moisturizer sa balat ay makatutulong upang maibsan ang pamamaga ng balat ng inyong anak.
- Ipaliwanag sa mga bata na walang dapat ikahiya sa pagkakaroong psoriasis at hindi nakakahawa ang kanilang kondisyon sa balat.
- Laganap ang maling impormasyon kung ano ang psoriasis kaya tulungang labanan ito sa pamamagitan ng pagpapaunawa sa mga tao ng katotohanan sa kondisyong ito. Sa ganitong paraan maiaalis ang stigma na kaakibat ng psoriasis sa mga bata.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ A. Cruz