Ang sanggol na si Mayson ay isa sa napakaraming biktima ng SIDS taon taon. Ang walong-buwang taong gulang na sanggol ay natagpuan na lang na walang malay, at hindi na humihinga ng kaniyang ama. Importanteng malaman ng mga magulang kung ano ang SIDS o Sudden Infant Death Syndrome, at kung ano ang puwedeng gawin para ito ay maiwasan.
Ano ang SIDS, at paano ito maiiwasan ng mga magulang?
Ayon kay Krystyn Johnson, na nanay ni Mayson, iniwan lang daw niya ang anak sa pag-aalaga ng kaniyang ina. Ito ay dahil mayroon lang siyang dapat asikasuhin saglit.
Bandang alas-9 ng umaga, nakatanggap ng tawag si Krystyn mula sa kaniyang ina, at sinabing hindi na raw humihinga ang kaniyang anak.
Noong una ay hindi pa siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Akala niya ay nagkamali lang ang kaniyang ina. Dali-dali siyang pumunta sa ospital, at nakita na lang na wala nang buhay ang kaniyang pinakamamahal na anak.
Ayon sa kaniya, sinubukan daw gisingin ng ama ni Mayson na si Trevian Johnson ang anak, ngunit hindi raw ito bumabangon. Tumawag na agad ng paramedics si Trevian upang matulungan ang anak. Ngunit sa kasamaang palad, namatay na pala si Mayson dahil sa SIDS.
Ang SIDS ay isang kundisyon kung saan bigla na lamang namamatay ang isang sanggol. Wala itong senyales o kahit anong palatandaan, at hindi pa din sigurado ang mga eksperto kung ano ang mismong sanhi nito.
Hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari
Hanggang ngayon daw ay nahihirapan pa din si Krystyn na tanggapin ang pagkamatay ng kaniyang bunsong anak. Nalulungkot siya na hindi man lang nila nakasama si Mayson para sa kaniyang unang kaarawan.
Hinding-hindi daw nila kakalimutan ang alaala ni Mayson at gusto din niyang ipaalam sa ibang mga magulang ang tungkol sa SIDS.
Umaasa siya na bagama’t namatay si Mayson sa sakit na ito, sana magsilbing aral ito sa iba pang mga magulang na huwag balewalain ang SIDS.
Paano makakaiwas sa SIDS?
Bagama’t walang siguradong paraan upang maiwasan ang SIDS, mayroong magagawa ang mga magulang upang mapababa ang posibilidad na mangyari ito sa kanilang anak.
Heto ang ilan sa mga puwedeng gawin:
- Dapat firm ang kanilang kama, at huwag maglagay ng mga laruan, o unan.
- Huwag manigarilyo sa paligid ng iyong anak.
- Huwag matulong na katabi ang iyong anak. Okay lang na magkasama sa kwarto, basta hiwalay ng kama.
- Mag-breastfeed hangga’t maaari.
- Siguraduhing kumpleto ang bakuna ni baby.
- Nakakatulong ang paggamit ng pacifier para makaiwas sa panganib ng SIDS.
- Iwasang mainitan si baby. Siguraduhing presko siya palagi.
- Huwag bigyan ng honey ang mga sanggol na 1 taon pababa.
Sana ay makatulong ang mga tips na ito upang makaiwas ang mga magulang na maging biktima ng SIDS ang kanilang anak.
Source: Daily Mail
Basahin: Educate helpers and relatives about sleep safety to prevent SIDS!