Ano ang spotting at kailan masasabing normal pa ito lalo na kung ang babae ay nagdadalang-tao

Alamin din dito ang mga posibleng dahilan kung bakit ito nararanasan ng mga babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naguguluhan kung ano ang spotting at kung ano ang kinaibahan nito sa iyong buwanang dalaw? Narito ang mga sagot at ang mga possibleng dahilan kung bakit ito nararanasan.

Ano ang spotting?

Ayon sa website na Healthline, ang spotting ay ang bahagyang pagdurugo na nararanasan ng mga babae sa kanilang ari na hindi dahil sa kaniyang buwanang regla. Maaari rin itong maranasan sa simula ng pagbubuntis.

Base nga sa American Pregnancy Association o APA, ito ay nararanasan ng 20% ng mga babae sa unang 12 linggo ng kanilang pagbubuntis. Habang may 5% ng mga kababaihan naman na nararanasan ito sa gitna ng kanilang menstrual cycle. Ito ay base sa isang pag-aaral na nailathala sa American Journal of Epidemiology.

Pagdating sa pagbubuntis, ang spotting ay madaling tukuyin. Pero ito ay dapat hindi isawalang bahala dahil sa maaaring sintomas na ito ng isang kondisyon na maaaring makasama sa buntis at higit sa lahat sa dinadala niyang sanggol.

Para naman sa ibang babae lalo na sa may irregular na regla, minsan ay naguguluhan sila kung spotting lang ba ang nararanasan nila o menstruation na. Kaya naman narito ang paliwanag ng mga pag-aaral at eksperto sa pagkakaiba ng spotting at regla. Pati na kung bakit nakakaranas nito ang isang babae lalo na sa tuwing nagbubuntis.

Pinagkaiba ng spotting at regla: Spotting vs regla

Base sa isang artikulong isinulat ni Dr. Melissa Conrad Stöppler, isang U.S. board-certified anatomic pathologist, ang menstruation o regla ay ang vaginal bleeding na nararanasan ng maraming mga babae buwan-buwan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay nararanasan ng 3-5 araw sa loob ng 28 araw na menstrual cycle. Ito ay malakas na kinakailangan ng sanitary pad o napkin upang maiwasang magmantsa ito sa suot na damit ng isang babae.

Sintomas ng regla o menstruation

Bago at habang nireregla ang isang babae, maliban sa pagdurugo siya ay makakaranas rin ng mga iba pang sintomas. Ito ang sumusunod:

  • Cramps o pananakit ng tiyan, balakang o ibabang bahagi ng likod.
  • Pagiging bloating ng tiyan.
  • Masakit o namamagang suso.
  • Mood swings.
  • Pananakit ng ulo.
  • Pakiramdam na labis na pagkapagod o fatigue.

Photo by Cliff Booth from Pexels

Spotting bilang sintomas na dulot ng isang health condition

Habang ang spotting naman ayon kay Dr. Stöppler, ay mas kaunti o light bleeding lang. Hindi ito katulad ng regla na kailangan pang mag-suot ng sanitary napkin. Sapagkat kahit ang pantyliner na suot ay hindi mapupuno nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay maaaring kulay pula o brown. Mapapansin mo ito matapos umihi pagtapos magpunas ng tissue sa iyong ari. O kaya naman makikita mong may bahid ng dugo ang iyong underwear.

Sa mga babaeng may malusog na pangangatawan, ang spotting ay maaaring maranasan sa kalagitnaan ng menstrual cycle. Ito rin ay maaaring maranasan habang siya ay nag-o-ovulate.

Kailan nangyayari ang spotting? Ilang araw ang spotting?

Ayon sa Healthline, ang ovulation spotting ay maaring mangyari mula sa ika-11 hanggang ika-21 araw matapos ang first day ng iyong period. Maaari naman itong magtagal ng isa hanggang dalawang araw.

Pero ang spotting ay maaaring dahil rin sa isang kondisyon o health problem na nararanasan ng isang babae. Lalo na kung ito ay nararanasan kabasay ng mga sumusunod na kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Missed o irregular periods.
  • Mas malakas at mahabang monthly periods.
  • Pananakit ng tiyan.
  • Hapdi o pananakit ng ari sa tuwing umiihi.
  • Unusual vaginal discharge, pamumula o pangangati ng ari.
  • Nausea o pagduduwal.
  • Pagdagdag ng timbang.
  • Lagnat.
  • Sintomas na mas lumalala o mas nagiging madalas.

Bakit nakakaranas ng spotting ang isang babae?

Maraming posibleng dahilan kung bakit nakakaranas ng spotting ang isang babae. Ang mga ito ay ang sumusunod.

Ovulation

Ang isang babae ay maaring makaranas ng spotting sa tuwing siya ay nag-o-ovulate. Ang ovulation ay nangyayari sa tuwing nag-rerelease ng eggs ang ovaries at bumababa ito sa fallopian tube para maging available sa fertilization.

Ito ay madalas na nararanasan ng mga babae sa kalagitnaan ng kanilang menstrual cycle na maaaring mag-resulta sa spotting. Kasabay ng spotting ay maaaring makaranas ng breast tenderness.

Dagdag pa rito ang bloating at increased cervical mucus ang isang babae na palatandaan ng hormonal shift o fluctuations sa kaniyang katawan. Ito ay isa ring dahilan ng spotting sa mga babae lalo na sa mga nagsisimula palang reglahin.

Implantation bleeding

Ang implantation bleeding ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakaranas ng spotting ang isang babae. Subalit ito ay applicable lang sa mga babaeng nagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat ang implantation bleeding tulad ng nauna ng nabanggit ay ang normal na reaksyon ng katawan ng babae kapag nag-aattach na sa uterus ang na-fertilized niyang egg.

Pero kung buntis at ang spotting ay malakas, mabuting magpatingin agad sa doktor. Sapagkat maaaring maging sintomas din ito ng pagkakalaglag ng sanggol o miscarriage.

Paggamit ng birth control

May mga birth control methods rin ang maaaring magdulot ng spotting sa mga babae. Lalo na kung nagsisimula palang gumamit nito. Tulad ng birth control pills at IUD o intrauterine device.

Sa mga babaeng gumagamit ng birth control pills sa unang pagkakataon ay maaring makaranas sila ng spotting bago dumating ang regla nila sa unang mga buwan na sila ay gumagamit ng pills.

Ang uri ng spotting na ito sa babae ay tinatawag na breakthrough bleeding. Ito ay palatandaan na nag-a-adjust ang katawan sa hormones na itinetake nito at hindi dahil hindi effective ang pills.

May mga pagkakataon din na maaaring makaranas ng spotting ang isang babae sa oras na na-miss o na-late siyang uminom ng pills.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by jcomp on Freepik

Post-sex bleeding

Ang spotting ay maari ring maranasan ng isang babae matapos makipagtalik. Lalong-lalo na kung ang naging pagtatalik ay masyadong “rough” at nag-dulot ng iritasyon sa mga delicate tissues ng vagina.

Ito ay maaaring magdulot ng kaunting pagdurugo o spotting. Para maiwasan ito ipinapayo ng mga sex experts ang paggamit ng lubricant para mabawasan ang iritasyon o trauma sa vaginal tissues ng isang babae. Kung ito naman ay nagdudulot ng pag-aalala ipinapayong magpakonsulta na agad sa doktor.

Polycystic ovary syndrome

Ang polycystic ovary syndrome o PCOS ay isang kondisyon rin na maaaring magdulot ng irregular periods at spotting sa mga babae. Ito ay isang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng mga cysts sa kaniyang ovaries ang isang babae.

Uterine fibroids

Ang vaginal bleeding o spotting na nararanasan ng isang babae ay maaaring dahil rin sa uterine fibroids. Ito ay ang mga maliliit at non-cancerous na bukol na tumutubo sa labas o loob ng uterus. Ang mga spotting na dulot nito ay maaaring maranasan sa gitna ng mga menstrual periods.

Infections

Ang pagkakaroon ng impeksyon tulad ng mga sexually transmitted disease o STD ay posibleng dahilan din para makaranas ng spotting ang isang babae.  Ilan sa mga halimbawa nito ay yeast infection, chlamydia o gonorrhea.

Cervical polyps

Tulad ng uterine fibroids, ang pagkakaroon ng cervical polyp ay maaari ring magdulot ng spotting. Ito ay dahil sa pabago-bagong hormone levels ng katawan.

Hindi naman ito seryosong kondisyon. Bagama’t mas makakabuting magpatingin sa doktor para mas malinawagan tungkol sa kondisyong ito.

Pagme-menopause

Para sa mga babaeng nasa late 40s o early 50s, ang spotting ay maaaring sintomas rin ng pagme-menopause. Ito ay normal na bahagi ng buhay ng mga babae na kung saan tapos na ang kanilang reproductive years. Ito ang stage na kung saan wala ng kakayahang magdalang-tao ang isang babae.

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels 

Cervical cancer

May mga pagkakataon rin na ang spotting ay sintomas na ng sakit na cervical cancer. Ito ay maaring sintomas ng sakit na cervical cancer kung mararanasan ang spotting bago ang schedule ng regla na sasabayan pa ng mga sumusunod na sintomas:

  • regla na mas marami o mas tumatagal ng ilang araw o linggo hindi tulad ng dati o nakasanayan.
  • pagdurugo matapos makipagtalik.
  • pagdurugo sa vagina kahit menopause na.
  • sakit o discomfort sa tuwing nakikipagtalik.
  • pagkakaroon ng unusual vaginal discharge.

Kung nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas, ipinapayong magpatingin na agad sa doktor. Ito ay para maisailalim ka sa isang Pap smear test na tutukoy kung may abnormal cells na sa iyong cervix na palatandaan ng sakit.

Spotting sa buntis

May mga buntis din na nakakaranas ng spotting sa unang tatlong buwan ng kanilang pagbubuntis. Ito ay madalas na nagsisimula sa mga unang araw ng pagdadalang-tao. Kaya naman may ilang babae ang napagkakamalang nireregla sila kahit sila ay buntis na.

Paliwanag ng siyensya, ito ang normal na reaksyon ng katawan ng babae kapag nag-aattach na sa uterine lining niya ang nag-fertilized niyang egg na pagsisimula ng pagbubuntis.

Early pregnancy – ano ang kulay ng spotting pag buntis?

Ang pagdurugo ay hindi inaasahan ng mga babaeng nagdadalang-tao, kaya naman labis silang nag-aalala kapag nangyayari ito. Subalit gaya ng nabanggit, normal ito lalo na sa mga unang linggo ng iyong pagbubuntis.

Pero dapat ay bantayan mo pa rin kung ano ang kulay ng spotting ng buntis. Dahil matutukoy nito kung ang pagdurugo ay normal o hindi.

Ang implantation bleeding ay magdudulot ng light spotting lamang, kaya kulay pink o may pagka-brown ang kulay nito.

Ilang araw ang spotting ng buntis o gaano katagal ang spotting ng buntis? Ito ay isa rin sa laging itinatanong ng maraming babae. Ayon sa Healthline, ang implantation bleeding ay maaaring magtagal ng ilang oras hanggang 3 araw, at kusa naman itong titigil.

Subalit kung nakakaranas ng ibang sintomas kasama ng spotting habang nagbubuntis, mas mabuti kung tatawagan na ang iyong doktor upang makasiguro. Dahil ang spotting ay isa ring sintomas ng ectopic pregnancy, pero ang kulay ng dugo ay mas matingkad na pula.

Buntis pero dinudugo, gaano karami ang spotting ng buntis?

Gaano karami ang spotting kapag buntis?/Image by pvproductions on Freepik

Maliban sa kulay ng spotting ng buntis, maaari ring matukoy kung normal ang pagdurugo na kaniyang nararanasan base sa dami nito.

Ang kaibahan ng normal na spotting sa buntis at sintomas ng miscarriage na? Isa pa ito sa palaging tinatanong ng mga babae. Ayon sa mga eksperto, kung ang spotting ay dulot ng impending miscarriage o chemical pregnancy ang spotting mula sa mahina ay unti-unting lalakas.

Mapapansin din na may mga dark red naring mga clots o namumuong dugo sa discharge na lumalabas sa babaeng nakakaranas na ng miscarriage. Kasabay nito ay makakaranas rin siya ng cramping o pananakit sa kaniyang puson at pagkahilo.

Ang spotting sa buntis ay maari niya ring maranasan sa second o third trimester ng pagdadalang-tao. Maaring ito ay dahil rin sa mga parehong rason kung bakit niya ito nararanasan sa first trimester ng pagbubuntis.

Tulad ng slight irritation sa kaniyang cervix matapos makipagtalik, pagsasagawa ng medical exam o ang unti-unting paglaki ng kaniyang cervix. Pero dapat isaisip na kung ito ay nagdudulot ng pag-aalala sa buntis ay mabuting magpatingin na agad sa doktor.

Paano matutukoy ang dahilan ng spotting at paano ito malulunasan?

Technology photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Para matukoy ang dahilan ng spotting ay kailangang magpunta ang babae sa doktor at magpakonsulta. Doon ay tatanungin ang mga sintomas na naranasan niya.

Pati na ang mga activities na ginagawa niya kaugnay sa kaniyang reproductive health. Tulad na lamang sa kung gumagamit ba siya ng birth control methods. Saka siya sasailalim sa mga test at examinations.

Ang unang exam na maaring isagawa sa kaniya ay ang pelvic examination. Siya rin ay dapat mag-pregnancy test para matukoy kung siya ba ay buntis o hindi. Maaari rin siyang sumailalim sa special test tulad ng Pap-smear.

Para sa dagdag na pag-aaral sa kondisyon niya, siya ay maaaring kunan rin ng vaginal cultures. Hihingan rin siya ng blood at urine samples. Iasailalim sa vaginal o abdominal ultrasound para matukoy ang tunay na dahilan ng nararanasan niyang spotting.

Sa oras na matukoy ang dahilan kung bakit nakakaranas ng spotting ang babae, saka pa lamang siya mabibigyan ng karapatang lunas sa kaniyang kondisyon.

Ilan sa maaaring maging treatment na ipayo sa kaniya ng doktor ay ang pag-inom ng antibiotics o paggamit ng antifungal drug. Ito ay kung matukoy na ang dahilan ng spotting ay dahil sa impeksyon.

Maaari rin siyang resetahang uminom ng birth control pills para ma-regulate ang kaniyang menstrul cycle. O kaya namay ay sumailalim sa surgery para alisin ang mga polyps o bukol sa tumutubo sa kaniyang uterus o cervix na nagdudulot ng vaginal bleeding.

 

Karagdagang ulat mula kay Irish Manlapaz

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.