10 na maaari mong gawin upang mabawasan ang stress mo

Halos lahat na tayo ay nakakaranas ng stress lalo na sa panahon ngayon. Ano nga ba ang stress management at paano ito makakatulong sa iyong kalusugan? | Lead Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa panahon natin ngayon, halos lahat na tayo ay nakakaranas ng stress. Ano nga ba ang stress management at paano ito makakatulong sa iyong kalusugan?

Ano ang stress?

Ang stress ay psychological response ng isang tao kapag siya ay nakakaramdam ng pagod o hindi mapakaling pag-iisip. Nangyayari ito kapag hindi tumugma ang iyong inaasahan sa isang pangyayari dahilan para magkaroon ng problema.

Kadalasan rin itong nakukuha kapag sobra-sobra na ang iyong dinadala dulot ng problema sa iba’t-ibang bagay. Ang stress ay pagkapagod mentally.

Sintomas ng stress

Iba-iba ang mga nararanasang sintomas ng stress sa isang tao. Ngunit narito ang karaniwang sintomas nito:

  • Fatigue
  • Nausea
  • Panic attacks
  • Social isolation
  • Heartburn
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng tyan
  • Pagkairita
  • Hirap sa pagtulog
  • Pagtaas o pagbaba ng timbang
  • Hirap maka-concentrate sa isang bagay

Ano ang stress management? | Image from Freepik

Epekto ng stress sa kalusugan

Delikado ang labis labis na stress sa isang tao. Kapag hindi naagapan ito, ang stress na nararanasan mo ay maaaring maging isang seryosong mental condition. Maaaring ito ay maging diabetes, anxiety o depression.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman narito ang mga dapat gawin once na maranasan mo ang stress.

10 na maaari mong gawin upang mabawasan ang stress mo

Mahalagang malaman kung ano ang stress management. Ito ay makakatulong upang bawasan o tuluyang mawala ang iyong stress na nararanasan. Narito ang sampung paraan kung paano bawasan ang stress.

1. Alamin ang pinagmumulan ng iyong stress

Unang dapat mong gawin para mawala ang iyong stress ay ang pag-alam kung ano ang pinagmumulan nito. Kadalasang pinagmumulan ng stress ay pamilya, pressure, society, problems o work.

2. Ugaliing maging positibo

Isa sa mga epektibong gawin ay maging positibo lagi kahit na nakakaramdam ka ng stress. Sa paraan kasing ito, kasalukuyan kang naghahanap ng solution at pag-asa kapag patuloy mong pinapagaan ang sarili mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin kasi nakakatulong ang pagiging negatibo sa lahat ng pagkakataon. Kapag inisip mong hindi mo kaya ang isang bagay, malaki ang tyansa na madadala mo ito at tuluyang hindi talaga makakayanan ang pangyayari.

3. Pahalagahan ang sarili

Kadalasan, sarili natin ang mas makakatulong sa ating mga sarili. Kung bibigyang importansya ang sarili, mabilis na mawawala ang iyong stress na nararanasan. Gawing priority ang sarili para na rin sa iyong kapakanan. Kung hindi ka komportable sa isang bagay o desisyong gagawin, ‘wag sumugal at ituloy ito dahil sarili mo lang ang mag-s-suffer.

Selfish mang pakinggan na iuna ang sarili sa lahat pero malaki ang maitutulong nito sa iyong mental health. Ugaliin ang magkaroon ng sapat na tulog, healthy foods o ibang pangangailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang stress management? | Image from Freepik

4. ‘Wag pilitin ang sarili kung hindi kaya

Malaki ang maitutulong sa iyong mental health kung hindi mo isasagad ang iyong sarili sa dulo. Kung hindi mo kaya ang isang bagay at alam mong naaapektuhan kana nito ng negatibo, pakawalan na ito para sa iyong kapakanan.

5. Tanggapin ang mga bagay

Parte ng buhay ang mag fail at hindi pagkasunduan ng lahat. May mga oras talaga na hindi umaayon sa atin ang pagkakataon at oras. Okay lang na maging malungkot o umiyak sa una. Parte ito ng emosyon ng isang tao at alam nating hindi madaling tanggapin ang bagay na malaki ang epekto sa atin.

Sa ganitong pagkakataon, siguraduhin na iiyak ka ngayon pero tatayo at lalaban ka kinabukasan.

6. Humingi ng tulong at suporta

Malaki ang nagiging parte ng mga taong malapit sa’yo kapag ikaw ay nasa down times. Kung nakakaramdam ng stress, ‘wag mahihiyang humingi ng tulong sa iyong pamilya o kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lapitan sila upang humingi ng suporta.

7. Bigyan ng break ang sarili

Sa buhay, hindi lagi ay kailangan nating mag trabaho. Kailangan rin nating mag break o ipahinga ang sarili mula sa iba’t-ibang bagay. Kung alam mong pagod kana sa iyong trabaho, bakit hindi mo ipahinga ang iyong sarili? Magbakasyon kasama ang pamilya o kaya naman ilayo muna ang sarili sa mga bagay na alam mong pinagmumulan ng stress mo.

Ano ang stress management? | Image from Freepik

8. Ugaliin ang healthy lifestyle

Malaki rin ang tulong sa iyong stress ng pagpapanatili ng tamang diet, pagkain ng healthy foods at regular na exercise. Ugaliin rin ang pagkakaroon ng sapat na tulog dahil makakatulong ito para magkaroon ng sapat na energy sa araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin nakakatulong ang bisyo sa pagpapawala ng stress. Ito ay dahil nadadagdagan lang nito ang iyong problema. Maaari mong madevelop ang health condition lalo na kung mahilig kang manigarilyo, uminom ng alak o mag droga.

9. Matutong tumanggi

Kung hindi ka komportable sa isang bagay na hinihingi ng iyong kaibigan o kasamahan sa trabaho, pwede namang tanggihan ito o magsabi ng ‘hindi’. Ang pagtanggi sa isang bahay ay hindi nangangahulugan na ikaw ay selfish. Gawing priority ang sarili lalo na kung hindi nakakatulong ang mga bagay na ito sa’yo.

10. Professional help

Kung sa tingin mo ay kailangan mo na talaga ng iba pang tulong, ‘wag magdalawang isip na humingi ng professional help sa mga taong mapagkakatiwalaan mo.

Malaki ang maitutulong nila sa’yo para mabigyan ka ng professional help o mga dapat mong gawin para tuluyang mawala ang iyong stress.

 

Source:

Web MD

BASAHIN:

Paano ko tutulungan ang asawa kong laging stressed sa trabaho?

Sinulat ni

Mach Marciano