REAL STORIES: "Hindi muna namin ibinibigay agad ang wants ng anak namin."

Basahin ang story ng isang mom na ito patungkol sa pagpapalaki sa kaniyang anak at kaniyang mga wais tips dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano-ano ba ang dapat malaman ng mga magulang tungkol sa pagpapalaki ng anak? Dahil unang-una ay sa ating mga magulang nakasalalay ang ikabubuti ng ating mga anak.

Bilang isang ina, nais kong ibahagi sa niyo kung paano nga ba namin nalalampasan ng aking kabiyak ang mga pagsubok na aming naranasan sa pagpapalaki ng aming anak.

Marahil unang una na dito ang iba’t ibang sakit na dumadapo sa kanila na hindi naman talaga natin maiiwasan dahil ang kanilang immune system ay mas mahina kaysa sa atin.

Pag-aalaga sa kalusugan ng ating mga anak

Ngunit ito ay maaaring maagapan sa pamamagitan ng mga vaccine na makakatulong upang mas pagtibayin ang kanilang katawan. Halimbawa na lamang ang nangyari sa aming anak na mula pa lamang nang siya ay isang buwang gulang ay nagkaroon na ng “Accute Pneumonia” at na-confine na ng halos isang linggo sa ospital.

Ang naging sanhi nito ay napabayaan ko siyang mahimbig ang pagtulog sa duyan na may sapin na tela. Mula noon ay madalas na siyang magka-ubo ngunit dahil na rin sa mga suhestyon ng nakatatanda ay napagdesisyonan naming ipa-vaccine siya ng lifetime na “Anti-pneumonia”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos noon ay bihira na siyang magkaroon ng ubo pero iniingatan pa rin namin siyang umiwas sa mga usok at mga kung ano ano pang pwedeng maging sanhi ng simula ng kanyang pag-ubo.

Pagpapalaki sa anak at pagtatrabaho

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa pa sa mga pagsubok na ating kakaharapin sa pagpapalaki sa kanila ay ang kung paano ito isasabay sa busy nating schedule lalo na kung tayo ay working parents o may negosyong kailangang pagtuunan rin ng pansin.

Isa lang ang magiging solusyon dito kundi ang pagkakaroon ng “wise time management” na talagang gamit na gamit ko lalo na noong kami ay may hinahawakang maliit na negosyo.

Palaging magkaroon ng “plan” o “schedule” sa bawat gawaing mayroon upang mas maging maganda nag “flow” ng bawat oras na magkakaroon sa bawat kilos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasama rin dito, ay kung paano natin sila mapapalaki at mabibigay ang lahat ng kanilang mga pangangailangan, dito pumapasok ang pinansyal na usapin.

Isang paraan upang makamit ito ay ang unahin ang mga pangangailan bago ang mga kagustuhan. Maglaan din ng para sa “savings” na magagamit sa kanilang “future”.

Hanggat maaari’y iniiwasan naming palaging pagbigyan ang aming mga anak lalo na kung hindi naman ito ang mga pangunahing pangangailangan nila. Tama na ang mapagbigyan man lang siya ng kahit isang beses sa isang buwan. At sa paraang ito ay natututo din siya pagdating sa pagtitipid habang siya’y nasa murang edad pa lamang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lahat tayong mga magulang ay nais mapabuti ang ating mga anak ukng kaya’t nasa atin din kung paano natin sila palalakihin sa paraang alam nating tama at sila ay matututo.

Sinulat ni

apple jopia