Labis ang pasasalamat ng broadcaster na si Anthony Taberna, kilala rin sa tawag na Ka Tunying, nang ibalita nito ang paggaling ng kaniyang daughter sa illness na cancer.
Mababasa sa artikulong ito:
- Daughter ni Anthony Taberna cancer-free na!
- Zoey Taberna labis ang pasasalamat sa sakripisyo ng kapatid
Daughter ni Anthony Taberna cancer-free na!
Ibinahagi ni Anthony Taberna sa kaniyang Facebook post na cancer-free na ang kaniyang daughter na si Zoey. Sinalaysay ni Anthony Taberna na lima’t kalahating buwan ang ginugol ng kanilang pamilya sa Singapore hindi para magbakasyon kundi ay upang harapin ang hamon ng paggamot sa illness ng daughter.
Agaw-buhay daw ang daughter ni Anthony Taberna noon at inakala niyang hanggang doon na lang talaga ang buhay nito. Pero laking pasasalamat ng broadcaster na matapos ang ilang buwan ng paghihirap ay gumawa umano ng himala ang Diyos.
“Sa pinakamahirap at pinakamasakit na bahagi, doon ko nakita at nadama kung paano gumalaw ang kamay ng Panginoong Diyos. Sa Kaniya kami nagtiwala,” saad ni Anthony Taberna sa kaniyang post.
“At gumawa Siya ng himala. Magaling na si Zoey, kasama namin siya na umuwi. Malakas at buhay na buhay ang pag-asa.”
Screenshot mula sa Facebook video ni Zoey
Ngayon nga ay magaling na sa kaniyang illness ang daughter ni Anthony Taberna. Magkakasamang umuwi sa bansa ang pamilya ng mga ito at ibinahagi rin ni Zoey ang naging karanasan sa kaniyang social media.
Aniya, December 2019 nang ma-diagnosed na mayroon itong leukemia at mula noon ay sumasailalim na ito sa chemotherapy. December 2021 umano nang lumala ang kalagayan ng illness ng daughter ni Anthony Taberna. Nang magsagawa ng tests ang mga doktor ay nalaman na ang acute lymphoblastic leukemia ni Zoey ay naging acute myeloid leukemia na. Ibig sabihin, ang mga cancer cells na dapat ay wala na ay bumalik sa mas dangerous at mas nakamamatay na porma.
Nagdesisyon ang pamilya Taberna na dalhin sa Singapore si Zoey para doon magpagamot. Rekomendasyon daw ito ng mga doktor dahil mas maayos ang medical care sa nasabing bansa. Malaking hirap ang dinanas ng daughter ni Anthony Taberna sa komplikasyon ng illness nito. Ganoon din sa emosyonal na estado ng buong pamilya. Kaya ngayong magaling na siya at tuwing inaalala ang mga naganap sa nagdaang buwan ay nasasabi niya umano sa sariling, “Wow. Nagawa ko pala ‘yon.”
Labis-labis ang pasasalamat ng daughter ni Anthony Taberna sa Panginoon, sa mga kaibigan, mga kamag-anak, medical team na gumamot sa kaniya, sa mga kasama nila sa simbahan, at lalung-lalo na sa mga magulang at bunsong kapatid na si Helga.
Zoey Taberna labis ang pasasalamat sa sakripisyo ng kapatid
Screenshot mula sa Facebook video ni Zoey
Naikwento rin ni Zoey na kinailangan niyang dumaan sa dalawang chemotherapy sessions at bone marrow transplant sa Singapore.
Aniya, dahil kailangan ng bone marrow transplant, nagpa-test for compatibility ang kaniyang mga magulang at ang kapatid na si Helga. Lumabas ang resulta at ang kapatid ang kaniyang naka-match at eventually ay naging donor.
Noong una umano ay ayos lang sa kaniya na maging donor ang kapatid dahil sinabi umano ng doktor na parang blood transfusion lang ang magaganap na transplant. Pero nang maglaon ay nalaman ng daughter ni Anthony Taberna na kailangan din dumaan ng kaniyang kapatid sa multiple procedures. Kabilang na rito ang blood extractions at iba’t ibang injections. Doon aniya nakaramdam ng guilt si Zoey na kailangang danasin iyon ng kapatid na si Helga.
“I felt like I deprived her from being with the people she wants to be with and going to places she wants to go to because she was stuck with me.”
Kaya naman, sobra-sobra ang pasasalamat ni Zoey sa mga sakripisyo ng kapatid. Hindi daw naging madali ang mga pinagdaanan niya at ng kaniyang pamilya lalo na at may side effects din ang kaniyang treatment.
‘’I’m not gonna lie, there were so many times that I thought that it was the end for me. That my life would end at 13 years old. I kept on thinking about my friends, my family, my loved ones, my church duties. What will happen when I’m gone?”
Screenshot mula sa Facebook video ni Zoey
Ngayong magaling na siya, napapasaya umano siya ng mga taong proud na proud na kinaya niyang malampasan ang karamdaman. Nagpasalamat din siya sa Diyos at sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kaniyang healing journey.
“When others show me how much they care for me, I feel so thankful to the point that I think that everything I went through is worth it, despite being in terrible pain.”
Matapos umano ang transplant ay kinailangan nilang manatili sa Singapore ng 100 araw pa upang obserbahan ang kaniyang kalagayan. At ngayon nga ay ibinalita ng kaniyang ama na si Anthony Taberna na nakauwi na sila sa Pilipinas at cancer-free na ang firstborn daughter.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!