Sakit ng hayop na nakahahawa sa tao: Anthrax oubreak sa Laos mino-monitor ng DOH

Close monitoring ang ginagawa ng DOH sa kaso ng anthrax outbreak sa Laos. Ang anthrax ay uri ng sakit ng hayop na nakahahawa sa tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naitala na mayroong outbreak ng sakit na anthrax sa Laos nitong nakaraang Linggo. Kung saan ay higit sa 50 suspected human cases ang kanilang naitala.

Sakit ng hayop na nakahahawa sa tao, binabantayan ng DOH

Sa report ng Laos media, mayroon na umanong 65 suspected cases ng anthrax sa kanilang lugar, kabilang na ang 54 sa southern Champasak province, na border ng Thailand.

Larawan mula sa Shutterstock

Nag-utos na rin ang Thai government ng close watch sa livestock, upang mamonitor nang maigi ang sakit na anthrax at para maprotektahan ang publiko.

Ayon sa Department of Health, seryoso at potentially deadly infection ang sakit na ito. Dulot ito ng bacteria na natural na natatagpuan sa lupa o soil. At ang karaniwang apektado nito ay mga domestic at wild animals.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Anthrax does not spread from person to person like colds or the flu. It is caused by a bacterium called Bacillus anthracis, which produces spores. Animals like livestock are the ones most affected,” paliwanag ng DOH.

Larawan mula sa Shutterstock

Sinisiguro naman ng DOH na mino-monitor nila nang maigi ang developments ng naturang sakit sa iba pang bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag pa ng DOH, maliit lamang naman daw ang tiyansa na makaapekto ang sakit na ito sa general public.

“The risk of the general public getting infected by anthrax is very low. Veterinarians, farmers, livestock personnel, and other workers who handle animals and their products may have a higher risk,” saad ng DOH.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Tinatayang nasa 82 suspected anthrax cases pa lamang daw ang naitala mula January 1, 2017 hanggang December 31, 2023 sa ating bansa. Ngayong taong 2024 ay wala pa umanong naitatalang kaso ng naturang sakit.

Ayon sa World Health Organization, maaaring makuha ng tao ang anthrax mula sa sa infected na hayop o kaya naman sa mga contaminated product.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya payo ng DOH sa publiko, iwasan ang pagkain ng raw meat o hindi nilutong karne ng hayop. Iwasan din ang contact sa livestock o animal remains.

Sinulat ni

Jobelle Macayan