X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping

Lalakeng nambastos ng babae, kulong dahil sa Anti-catcalling Ordinance

4 Mar, 2019
Lalakeng nambastos ng babae, kulong dahil sa Anti-catcalling OrdinanceLalakeng nambastos ng babae, kulong dahil sa Anti-catcalling Ordinance

Dahil sa pagkakaroon ng Anti-catcalling Ordinance sa Quezon City, isang lalake ang nakulong matapos mambastos ng 22-anyos na babae.

Malaking problema ang catcalling, o pambabastos, dito sa Pilipinas. At nakakalungkot na hanggang ngayon ay marami pa ring mga kababaihan ang nagiging biktima ng ganitong klaseng pag-uugali. Kaya't ilang lugar na ang gumawa ng Anti-catcalling Ordinance upang pigilan ang ganitong gawain.

Epektibo ang Anti-catcalling Ordinance

Nasa kulungan ngayon ang lalakeng si Jay-ar Cabases dahil sa kaniyang ginawang pambabastos sa isang babae. Ito ay matapos siyang ireklamo ng isang babae ng catcalling sa Quezon City.

Ayon sa babae, naroon raw siya sa loob ng kanilang bahay at nakikipaglaro sa kaniyang mga alagang aso nang bigla na lang siyang tinawag ni Cabases. Paulit-ulit raw siya niyong tinatawag na "beh," at sinabi pa raw nito na sana siya na lang raw ang alaga ng babae. Bukod dito, paulit-ulit rin daw niyang hiningi ang cellphone number ng babae.

Dahil napuno na sa ginagawang pambabastos, kinompronta ng babae si Cabases. Ngunit tinanggi nito ang ginagawang pambabastos, at sinabi pang mayroon lang raw siyang kausap sa cellphone. Pinagtawanan pa raw nito ang babae nang siya ay komprontahin. Hindi rin daw alam ng suspek na bawal ang pambabastos sa Quezon City.

Ito na ang pangalawang beses na mayroong nakulong dahil sa catcalling

Dahil sa nangyaring insidente,  nagsampa ng reklamo ang biktima laban sa suspek. Malas na lang ng suspek at mayroong ordinansa sa Quezon City kung saan puwedeng makulong ang mga catcallers.

Ayon sa pulisya, humingi pa raw ng sorry ang suspek sa biktima, ngunit desididong magdemanda ang biktima. Dagdag pa ng mga pulis na nakapagpyansa na raw ang suspek.

Ito na ang pangalawang beses na nagamit ang ordinansa para maipakulong ang isang catcaller sa Quezon City.

Ibinahagi naman ng babae sa Facebook ang insidente, kung saan ito ay agad na nag-viral

Aniya, "Huwag niyo naman sana sabihin na “yun lang?” “Dahil doon lang ipapakulong mo?” No. Never naging mababaw o never naging “lang” ang pambabastos sa babae nor sa lalake."

Mahalagang turuan ang mga bata na rumespeto sa mga babae

Kahit sinong magulang siguro ay hindi papayag na bastusin ng kung sinu-sino ang kanilang anak. Kaya mahalagang turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na rumespeto ng kapwa, lalo na ng mga babae.

Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang upang maturuan ng respeto ang kanilang mga anak:

Partner Stories
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
  • Turuan sila na huwag bastusin o awayin ang ibang tao
  • Para sa mga anak na lalake, ipaalam sa kanila na mali ang catcalling at ang pangungulit o pambabastos sa mga babae
  • Kapag mayroong ginawang mali ang iyong anak, tulad ng pambabastos, huwag itong pabayaan at ituro sa kanila na mali ang ganitong klaseng pag-uugali
  • Ituro sa kanila na pantay lang ang mga lalake at babae, at lahat ng tao ay dapat nilang nirerespeto

 

Source: GMA News

Basahin: Catcalling sa Metro Manila, ipinagbabawal na ng batas

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Jan Alwyn Batara

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Lalakeng nambastos ng babae, kulong dahil sa Anti-catcalling Ordinance
Share:
  • Facebook starts crack down on vaccine misinformation and anti-vaxxers

    Facebook starts crack down on vaccine misinformation and anti-vaxxers

  • Catcalling sa Metro Manila, ipinagbabawal na ng batas

    Catcalling sa Metro Manila, ipinagbabawal na ng batas

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • Facebook starts crack down on vaccine misinformation and anti-vaxxers

    Facebook starts crack down on vaccine misinformation and anti-vaxxers

  • Catcalling sa Metro Manila, ipinagbabawal na ng batas

    Catcalling sa Metro Manila, ipinagbabawal na ng batas

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.