Ano ang anti-terror bill at paano ito makakaapekto sa iyong pamilya?

Para sa kaalaman ng lahat, ano nga ba ang Anti-terror Bill Act of 2020 sa tagalog at ano ang magiging epekto nito sa iyong pamilya? | Lead Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa kaalaman ng lahat, ano ba ang Anti-terror bill sa tagalog at ano ang magiging epekto nito sa iyong pamilya?

Isa sa pinaka pinag-uusapan ngayon ay ang Anti-terror bill. Inaprubahan na ito ng House of Representatives at kasalukuyang hinihintay na lamang ang pirma ng pangulo.

Ngunit bakit nga ba madami ang nababahala sa bill na ito?

Ano ang Anti-terror Bill Act of 2020 sa Tagalog?

Ang Anti-terror Bill Act of 2020 ay pinalakas na Human Security Act of 2007.

Nakapaloob sa Section 27. Preliminary Order of Proscription, na maaaring sabihin ng korte ang isang tao o grupo kung ito ba ay terorista. At sa loob ng na 6 na buwan, magsagawa sila hearing para malaman kung babawiin ba ang order o ipagpapatuloy ito.

Sa bill na ito, ang mga cabinet official ay maaari ring magturo kung ang isang tao ba ay terorista at tuluyang ipaaresto. Marami ang nangangamba dito dahil ayon sa kanila, baka maabuso ang pagkakataon na ito. Dahil ang prosesong ito ay gawain kadalasan ng korte.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Unsplash

May kakayahan rin ang bill na ito na manmanan o bantayan ang isang tao sa loob ng 60 na araw. Kung ikaw ay masasabing ‘suspected terrorists’ ikaw ay maaaresto sa loob ng 14 na araw. Ngunit pagkatapos mong makalaya, ikaw ay under surveillance pa rin.

Nakasaad sa Anti- terror Bill Act of 2020 na hindi maituturing na terorista ang mga aktibista. Ngunit marami pa rin ang nangangamba dahil ayon sa Section 9. Inciting to Commit Terrorism, kasama sa krimen ito sa pamamagitan ng panulat o pahayag na kanilang gagawin. Ang mapapatunayang may sala ay maaaring makulong hanggang 12 na taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“…hereof by means of speeches, proclamations, writings, emblems, banners or other representations tending to the same end, shall suffer the penalty of imprisonment of twelve (12) years.”

Image from Unsplash

Naging kontrobersyal at umani ng pangamba ay ang kakayahan ng bill na arestuhin ang isang indibidwal kahit walang warrant.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kasi sa Section 29. Detention Without Judicial Warrant of Arrest, maaaring maaresto o mahuli ang ‘suspected terrorist’ ng walang nilalabas na warrant of arrest o kasong isinasampa. Pwedeng tumagal din ng 14 days ang detention sa’yo o kaya naman madagdagan pa ito ng panibagong 10 araw.

Nakasaad rin sa Section 10. Recruitment to and Membership in a Terrorist Organization na sino man ang sumali sa isang grupo at napatunayang ito ay terrorist organization ay maaaring makukulong hanggang 12 na taon. Samantalang ang mga napatunayang nag recruit sa isang terrorist organization ay mabibigyan ng life imprisonment.

“Any person who shall voluntarily and knowingly join any organization, association, or group of persons knowing that such is a terrorist organization, shall suffer imprisonment of 12 years and those who will recruit another to join, commit, or support any terrorist organization will be punished with a penalty of life imprisonment without the benefit of parole,”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Unsplash

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bill na ito ay nagkakaroon ng hawig o walang pinagkaiba sa ibang bansa. Dagdag nito na ang ilan ng probisyon na nakasaad sa bill ay ibinase sa mga batas ng mga iba’t-ibang bansa. Kung saan naging epektibo naman ang pagtrato sa mga terorista.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

House of Representatives

BASAHIN:

Solo parent ID: Kwalipikasyon, application, at benepisyo


Sinulat ni

Mach Marciano