Isa sa mga kilalang destinations para sa mga gustong mag-staycation ay ang Antipolo. Malapit lang din kasi ito sa Metro Manila. Bukod pa riyan, maraming scenic views, lush landscapes, at pinaghalong cultural at natural attractions sa lungsod na ito. Kaya kung naghahanap ka ng magandang spot para sa staycation ng pamilya, narito ang anim sa pinakamagagandang Antipolo staycation spots na tiyak na magbibigay sa inyo ng relaxing experience.
LIST: 6 Antipolo staycation destinations na pang pamilya
Larawan mula sa Cristina Villas Resort website
Nature lover ba ang pamilya? O simpleng gusto niyo lang na mag-relax sa piling ng kalikasan? Tamang-tama para sa inyong pamilya ang mag staycation sa Cristina Villas Mountain Resort. Punong-puno ang resort na ito ng amenities. Syempre hindi mawawala ang iba’t ibang outdoor pools. Mayroon pang waterpark, basketball at volleyball court. Kung mahilig naman kumanta ang pamilya, mayroong KTV room ang Cristina Villas Mountain Resort. Bukod pa diyan, mayroon din silang pocket gardens at private spa.
Address: Sta Cruz Taktak Road, Antipolo, Rizal
Larawan mula sa Thunderbird Resort Instagram
Primyadong resort sa Antipolo ang Thunderbird Resort. Tanaw na tanaw ang Manila skyline mula sa resort na ito, pati na rin ang Laguna de Bay. Well-decorated ang bawat kwarto at ang bawat guest ay may access sa infinity pool, spa, cycling area, volleyball court, in-house restaurant at golf course.
Address: Eastridge Avenue, Binagonan, Rizal 1940, Philippines
Larawan mula sa LeBlanc Instagram
Malapit naman sa local attractions ang LeBlanc Hotel and Resort, tulad na lamang ng Hinulugang Taktak. Kaya bukod sa staycation sa hotel na ito sa Antipolo, pwede rin kayong mamasyal sa mga local attractions. Bukod pa rito, tiyak na feeling luxurious ang staycation niyo sa LeBlanc Hotel and Resort. Marami kasing modern amenities ang resort na ito. May chic rooms, pools, indoor basketball court, entertainment area at syempre excellent service.
Address: 3 Taktak Rd. Brgy Dela Paz, Antipolo, Rizal, Philippines, 1870
Larawan mula sa Lujetta’s Instagram
Malapit sa kalikasan ang Luljetta’s Hanging Gardens and Spa. Nasa mountainside kasi ang lokasyon ng Antipolo staycation spot na ito. Ang maganda sa Luljetta’s Hanging Gardens and Spa ay mayroon silang hydro-massage pools, infinity pool, at iba’t ibang spa services. Perfect ito para sa mga naghahanap ng staycation spot kung saan ay makapagrerelax ang buong pamilya habang ine-enjoy ang stunning views ng lungsod at ng Laguna de Bay.
Address: Sitio Loreland, Barangay, Antipolo, 1870 Rizal
Larawan mula sa Loreland Farm Instagram
Talagang family-friendly ang resort na ito. Kaya naman may pool para sa matanda man o pambata. May malawak na main pool, recreational pool para sa mga bata, at colorful pool na perfect para sa family bonding. Mayroon din silang play parks, billiard table, at sauna! Kaya siguradong matutuwa ang kids pati na ang adults sa staycation niyo!
Tiyak na mae-enjoy niyo hindi lang ang pagre-relax kundi maging ang family bonding.
Address: Sitio Loreland, San Roque, Antipolo, Rizal, Philippines, 1870
Larawan mula sa Altaroca Instagram
Maganda ang disenyo ng resort na ito na inspired sa Mediterranean style. Syempre, hindi lang aesthetic ang ino-ooffer ng Altaroca Mountain Resort and Events Place. Mayroong iba’t ibang recreational facilities dito. Mayroong pool at ambient cottages. Bukod pa diyan, mayroon ding barbecue facilities na pwedeng gamitin ng pamilya.
Address: Taktak Road, Bankers Village, Barangay Sta.Cruz, Antipolo, Rizal, Philippines, 1870
Naghahanap ka man ng luxury, nature wellness, o cultural activities kasabay ng staycation ng pamilya, maraming pagpipilian na mga lugar sa Antipolo. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga ito. Tiyak na ma-eenjoy ng buong pamilya ang ilang araw na pananatili niyo sa mga resort at hotel na ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!