STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

Malalaman din dito ang mga larong puwedeng gawin ng mga bata para maging maayos ang kanilang mental health.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napag-alaman sa isang pag-aaral ng mga researchers na ang pagiging adventurous ng mga bata ay maaaring maging way upang makaiwas sa anxiety at depression.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Bata na adventurous, mababa ang tsansa na magkaroon ng anxiety at depression
  • Mga adventurous na larong maaaring subukan ng mga anak

Bata na adventurous, mababa ang tsansa na magkaroon ng anxiety at depression

Tulad ng maraming adult, hindi rin naman nakakaligtas ang mga bata sa posibilidad na magkaroon ng mental health problems. Kadalasan nga ay sa kabataan pa nagsisimula ang mga ganitong sakit na lumalala na lang kalaunan habang nagkakaedad na. Ang ilan sa mga maaaring sakit na kanilang maranasan ay ang anxiety at depression.

Ang anxiety ay ang normal na reaction ng isang tao sa stress. Nagiging way ito upang maging alerto ang katawan upang makapaghanda at mapansin ang panganib na paparating. Hindi normal na maituturing na kung ito ay nararanasan nang sobra gaya ng labis na takot at pagkakakaba.

Samantalang ang depression naman ay isa sa mga pinakakaraniwang mental health problems. Maituturing itong serious medical illness dahil maaaring mag-cause ito ng pakiramdam ng labis na pagkalungkot at kawalan ng gana sa maraming bagay kahit pa ang minsan na naging hobby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga ganitong karamdaman ay maaaring makuha rin ng inyong mga anak. Para sa mga eksperto may isang way raw upang maiwasan ito. At ito ang pagiging adventurous.

Sa isang pag-aaral na pinangunahan ng University of Exeter, naghanap ang mga researcher ng 2,500 bilang ng mga magulang na may anak na edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Tinanong nila ang mga magulang patungkol sa mga nilalaro ng anak nila na macoconsider bilang “thrilling” at “exciting.” Ang timeline ng questionnaire na ito ay kasagsagan ng unang lockdown ng Covid-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakita sa pag-aaral na ito ang mga batang mas maraming beses naglalaro sa labas ay may kaunti ang ‘internalizing problems’ o ang tinatawag na anxiety at depression. Sila rin iyong mas naging positive ang pag-iisip pa rin noong unang lockdown.

Ayon sa nanguna sa pag-aaral na isang professor sa Child Psychology sa University Exeter na si Helen Dodd, ginawa raw nila itong pag-aaral para sa kapakanan ng mental health ng mga bata,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We’re more concerned than ever about children’s mental health, and our findings highlight that we might be able to help protect children’s mental health by ensuring they have plentiful opportunities for adventurous play.”

” This is really positive because play is free, instinctive and rewarding for children, available to everyone, and doesn’t require special skills.”

Sa opinyon naman ng Director ng UK Impact sa Save the Children na si Dan Paskins, maganda raw na i-take na ang chance na paglaruin sila lalo at madami silang namiss out dahil sa restrictions ng COVID-19.

“Every child needs and deserves opportunities to play. This important research shows that this is even more vital to help children thrive after all they have missed out on during the COVID-19 restrictions. More play means more happiness and less anxiety and depression.”

Para naman kay Jacqueline O’Loughlin, Chief Executive ng PlayBoard NI, maganda raw ang ginawang pag-aaral na ito. Dahil nakitang kinakailangang bigyan ng oportunidad ang mga bata na ma-encounter ang risk at challenge ng paglalaro araw-araw,

“This research emphasizes the importance of adventurous play. Children and young people need freedom and opportunities to encounter challenge and risk in their everyday playful adventures.

It is clear from the research findings that playing, taking risks and experiencing excitement outdoors makes a positive contribution to children’s mental health and emotional well-being.

The rewards of allowing children to self-regulate and manage challenge in their play are widespread and far-reaching.

Adventurous play helps children to build the resilience needed to cope with, and manage stress in challenging circumstances.”

Mga  larong maaaring subukan ng mga bata

Kung hindi pa nai-explore ng mga anak ang mga larong makakapagbigay sa kanila ng thrill at adventure, narito ang ilan sa maaaring subukan sa gabay ng mga magulang:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Magplano ng camping out overnight sa hiking o kaya naman ay nature trip.
  • Mag-swimming at paddling sa dagat, ilog, o kaya naman ay lawa.
  • Sumubok na laruin ang skateboards, cycling, roller skates o anumang may gulong.
  • Gumawa ng mga obstacle courses sa bakuran o hindi naman kaya ay sa kwarto.
  • Pasubukin ang ilang mahihirap na laro sa playground.
  • Umakyat sa mga puno.
  • Gumawa ng iba’t ibang structures gamit ang kahoy o bakal.
  • Subukang ang rope swinging, ngunit siguraduhing ligtas ito sa mga bata.

Sinulat ni

Ange Villanueva