Mga newborn na hindi perfect ang apgar score, mas mataas ang risk na magkaroon ng health problems

Alamin kung ano ang kahalagahan ng perfect na apgar score sa mga newborn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Apgar score ng newborn na mas mababa sa 10, may kaugnayan sa pagkakaroon ng problema sa kalusugan ni baby habang siya ay lumalaki, ayon sa isang pag-aaral.

Ano ang apgar score?

Ang apgar score ay isang test na ibinibigay sa mga sanggol na bagong panganak. Ginagawa ito sa unang minuto (1 minute) ng buhay ni baby na inuulit sa susunod na limang minuto (5 minutes). At kung may pagbabago o pagbaba sa score sa pangalawang test ay maaring ulitin ito sa susunod na sampung minuto (10 minutes) sa buhay ng isang newborn.

Ito ay inintroduce at ipinangalan sa creator nito sa si Dr. Virginia Apgar noong 1952. Isinasagawa ito ng mga doktor o midwife para ma-estimate at ma-check ang health condition ng mga sanggol na bagong panganak.

Sa pamamagitan ng apgar score ay chinecheck ang limang aspeto sa kalusugan ng newborn baby. Ito ay ang sumusunod:

Appearance (skin color)

Pulse (heart rate)

Grimace response (reflexes)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Activity (muscle tone)

Respiration (breathing rate and effort)

Sa bawat aspeto ay maaring bigyan ng score si baby mula 0-2 na nakadepende sa kaniyang observed condition. Ang score na 2 ang pinakamataas at 0 ang pinakamababa.

Halimbawa sa Respiration, kung ang sanggol ay hindi humihinga siya ay bibigyan ng score na 0. Kung sakali namang mabagal ang paghinga niya kumpara sa normal na breathing rate, siya ay bibigyan ng 1. Ngunit kung siya naman ay umiiyak ng malakas at humihinga ng maayos ang score niya ay 2.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula sa kada puntos ng limang aspeto ay pagsasamahin ito para magkaroon ng total value ang apgar score ng isang newborn na kung saan ang perfect score ay 10.

Image from Freepik

Kahulugan ng apgar score

Itinuturing na normal ang health condition ng isang sanggol kung siya ay magkakaroon ng apgar score na 7 pataas. Samantalang, moderate low naman ang 4-6 na score at low naman ang 0-3.

Ang pagkakaroon ng low score ng isang newborn ay nangangahulugan na nangangailangan siya ng immediate medical care tulad nalang ng suctioning o paglalagay ng oxygen para makahinga ng maayos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inaasahan naman na may mababang score sa apgar test ang mga newborn lalo na sa unang minuto ng kaniyang buhay na dumaan sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Mula sa high-risk pregnancy
  • Dumaan sa C-section
  • Dumaan sa complicated labor at delivery
  • Isinilang ng premature

Ngunit dapat sa pagdaan ng minuto lalo na sa susunod na 5 minute test ay mag-improve na ang apgar score ni baby. Dahil kung hindi, nangangahulugan ito na mas kinakailangan niya pang mabigyan ng dagdag na medical measures at mahigpit na mamonitor ang kaniyang kalagayan.

Pag-aaral tungkol sa apgar score at long term health condition ng newborn

Ang apgar score ay hindi isang batayan para matukoy ang long term health outcome ng isang sanggol sa kaniyang paglaki.

Ngunit isang bagong pag-aaral ang nagsasabing ang hindi pagkakaroon ng perfect 10 na apgar score ng isang newborn ay nagpapataas ng kaniyang tiyansa na magkaroon ng health problems sa kaniyang paglaki tulad ng epilepsy at cerebral palsy.

Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na isinagawa sa Sweden sa pamumuno ng isang postdoctoral fellow na si Neda Razaz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Razaz, nauna na nilang natuklasan ng kaniyang mga kasama noong 2015 sa Canada na ang pagkakaroon ng hindi perfect na apgar score ay may long term adverse outcome sa kalusugan ng isang sanggol.

Ngunit dahil sa hindi sufficient ang sample size ng kanilang ginawang pag-aaral ay nagdesisyon silang ulitin ito para masigurado ang nauna na nilang findings.

Kaya naman ginawa nila ang pangalawa nilang pag-aaral sa Sweden sa tulong ng birth data ng bansa sa loob ng 18 years mula 1996 to 2016. Dito nga nila mas napatunayan ang nauna na nilang natuklasan.

Sa kanilang latest study ay nakita nila ang ugnayan ng hindi perfect na apgar score sa pagkakaroon ng epilepsy, cerebral palsy at iba pang early childhood developmental vulnerability ang isang sanggol sa kaniyang paglaki.

Bagamat isinilang ng full term at walang malformations, natuklasan nila na ang mga newborn na may normal range ng apgar score na 7 to 9 ay mataas ang tiyansang magkaroon ng neonatal mortality, infections, asphyxia-related complications, hypoglycemia at respiratory distress na mas tumataas pa ang tiyansa habang dumadaan ang oras matapos silang maipanganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas tumataas pa lalo ang risk ng neonatal morbidity kung sakaling bababa ang apgar score ng isang newborn sa kaniyang 5 minute test.

Layunin ng pag-aaral

Kaya naman layunin ng pag-aaral na ginawa nila Razaz, na hamunin ang mundo ng medisina na  dagdagan ang effort na ginagawa para masigurong makaperfect 10 na score sa apgar test ang mga newborn. Dapat din daw ay mai-check ang apgar score ng lahat ng newborn sa 10 minutes ng kaniyang buhay, bumaba man o hindi ang resulta ng 5 minute test nito.

Sa ngayon ang apgar score ay itinuturing na isa sa importanteng paraan para matukoy ang neonatal state ng isang sanggol sa buong mundo.

 

Sources: Kid’s Health,The BMJ 

Basahin: Baby’s eyes swollen? Conjunctivitis in newborns can lead to blindness