Talagang summer na summer na! At tiyak marami sa atin ang naghahanap ng pwedeng gawing family bonding activity ngayong summer. Narito ang mga April 2024 events na pwedeng puntahan ng pamilya.
April 2024 events in the Philippines
Autism Society Philippines: Angels Walk for Autism 2024
Hindi lang basta walk for a cause ang Angels Walk for Autism 2024. Isa itong pagdiriwang ng milestone at testament sa hindi matatawarang commitment na magkaroon ng isang bansa na safe space ng mga taong may autism.
Sa event na ito, ipakikita ang iba’t ibang talent ng mga taong nabibilang sa autism spectrum. Tampok ang mga accomplishment at call to action para sa public awareness, private sector involvement, at inclusion ng autism agenda sa mga social development initiatives ng pamahalaan.
Larawan mula sa Autism Society Philippines Facebook Page
Magandang dalahin ang inyong pamilya sa event na ito. Hindi lang mae-enjoy ng inyong mga anak ang event, makatutulong din kayo sa adbokasiya ng Autism Society Philippines. At mamumulat mo rin ang iyong mga anak tungkol sa autism spectrum.
Gaganapin ang Angels Walk for Autism sa Mall of Asia Arena sa April 21, 2024. Isasagawa rin ito nang sabay sa Cebu, Iloilo, Davao at Bacolod.
Maaaring bisitahin ang link na ito para makapag-register.
April events 2024: The OASIS
Kung ang hobby naman ng pamilya ay cosplay, gaming, at pop culture, tamang-tama ang event na ito para sa inyo. Ang OASIS ay convention ng Oasis Gaming para sa mga community at enthusiast. Kung saan ay tiyak na safe at mae-enjoy nila ang pagbabahagi ng kanilang hobbies.
Tampok ang mga kilalang cosplayer at gamers sa event na ito. Tulad na lamang nila Zackt, Kang Dupet, Charess, Roxanne Kho, at The Pebbles.
LIBRE lamang na makadadalo sa event na ito ang mga batang edad 12 taon pababa. Basta may kasama itong paying adult.
Gaganpin ang The Oasis sa April 13, sa Metrotent Convention Center na matatagpuan sa South Drive, Metrowalk Commercial Complex, Meralco Ave, Pasig City.
Para sa iba pang katanungan maaaring bisitahin ang website ng The Oasis.
Love is four-legged word; A FUR DATE with AKF
Larawan mula sa Animal Kingdom Foundation Facebook Page
May pets ba kayo o kaya naman ay animal lover ba ang pamilya? Isang fundraising event ang inihanda ng Animal Kingdom Foundation in partnership with Robinsons Land ngayong Abril. Ang proceeds sa event na ito ay mapupunta sa mga gastusin para sa mga rescued animals at sa AKF Rescue and Rehabilitation Center.
Anong meron sa event na ito? Ma-eenjoy ng inyong pamilya ang intimate, laid-back summer night na puno ng pag-ibig, live music, at mocktails.
Gaganapin ang event sa April 27, 2024 sa Bridgetown Pasig.
Upang makapag-register sa nasabing event, maaaring bisitahin ang link na ito.
April Events 2024: Easter Foam Festival Manila
Summer adventure ang hatid ng event ng Kids Festival Philippines. I-beat ang heat kasama ang pamilya sa foam-filled extravaganza na ito na magaganap sa April 13, 2024. Tiyak na mae-enjoy ng pamilya ang iba’t ibang activities sa event na ito. Nariyan ang jumping castles, meet and greet kay Mr. and Mrs. Bunnie, trackless train, instant photos, at food stalls. Mayroon pang rotating music DJs na lalong magpapasigla sa event.
Abot-kaya rin naman at talagang pampamilya ang presyo ng tickets sa event na ito. Sa halagang P300 ay maaari nang ma-enjoy ang Easter Foam Festival Manila.
Gaganapin ang event na ito sa Greenfield District, Mayflower Parking Mandaluyong, Manila.
Tingnan dito ang iba’t ibang ticket admission prices at iba pang impormasyon tungkol sa naturang event.
Larawan mula sa Kids Festival Philippines Facebook Page
SPLASH RAVE Songkran Pool Party
Tamang-tama naman ngayong summer ang event ng Okada Manila na Splash Rave Songkran Pool Party. Isa itong summer event na puno ng musika at non-stop entertainment. Gaganapin ang Splash Rave sa Cove Manila ng Okada Manila, sa April 13, 2024 mula alas-5 ng hapon hanggang 12 midnight!
Sa halagang P1,500 ay maaari nang ma-enjoy ang pool at public area. Included pa ang 2 drink stubs, 1 foam water gun at photobooth access.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng Okada Manila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!