LOOK: Archie Alemania at misis, ipinakita ang nakakatawang pagkakaiba sa buhay matapos magka-anak

LOOK: Archie Alemania at misis, ipinakita ang nakakatawang pagkakaiba sa buhay matapos magka-anak

Narito kung paano ipinagdiwang ni Archie Alemania at Gee Canlas ang kanilang isang taong bilang mag-asawa.

Archie Alemania at Gee Canlas ipinakita ang naging pagkakaiba ng buhay nila isang taon matapos silang maikasal at magkaanak.

archie alemania at gee canlas

Image from Nice Print Photo

Sa isang nakakatuwang paraan ay ipinakita ng mag-asawang sina Archie Alemania at Gee Canlas ang kanilang buhay pagkatapos ng isang taon nilang pagsasama. Gamit ang mga larawan na may tema tulad ng prenup shoot nila ay idinagdag lang nila Archie at Gee ang kanilang baby boy sa eksena.

Ang mga nakakatuwang larawan nga na ito ay pinost ni Gee sa kaniyang Instagram account na may caption na.

“Prenup sequel but add a hungry lil bear cub. 🐻 Swipe till the end to see Caleb munching away! We haven’t really allowed him a lot of snacks yet so he thinks he hit the jackpot that day! 😆 Cheers @niceprintphoto for being part of our milestones! ❤”

archie alemania at gee canlas

Image screenshot from Gee Canlas Instagram account

Tuwang-tuwa nga ang iba pang celebrity sa napaka-cute na photos ng mag-asawa lalo na sa baby boy nilang si Caleb.

lj_reyes

Hahahaha oh noooo!!!! Kulit mo caleb!❤️ cutie!!!

jannadominguez77

Grabe yung pangas nya sa pancake 😍😍😍😍

wendyvaldez_

Gusto ko yung sinusubsob ni bagets yung mukha nya sa pancake.

iyavillania

Hahahaa! Awww ❤️❤️❤️❤️

carlaangeline

So cute!

Mas marami pang anggulo ng nakakatuwang milestone shoot na ito ang makikita naman sa Facebook account ng Nice Print Photo.

Archie Alemania at Gee Canlas relationship

October last year ng ikasal sina Archie Alemania at Gee Canlas. Ito ay matapos ang dalawang buwan ng kanilang i-anunsyo ang engagement nila.

Ang dalawa ay parehong kilala sa kanilang humor at talent sa pagpapatawa. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, bago tuluyang mauwi sa kasal ang pagmamahalan nila ay sinubok muna ito ng isang break-up sa loob ng limang taon.

Matapos nga ang limang taon ng sila ay maghiwalay bilang magkasintahan ay pinagpatuloy muli nila ang kanilang pag-iibigan noong 2017. Pinatunayan ng ani Archie at Gee na love is sweetier the second time around. Pagdedescribe nga ni Archie sa kanilang pagbabalikan noon ay para lang silang nasa honeymoon stage na parang bago at thrilling parin.

“Masaya. Masaya. Parang bago, parang honeymoon stage? Parang gano’n na mag-boyfriend-girlfriend, kapaan uli. Nandoon pa rin yung thrill kung ano ‘yunggusto niya. May mga element of surprises.”

Ito ang pahayag ni Archie sa isang panayam sa kaniya ng GMA Entertainment.

At noon ngang Agosto 2018 ay inaya ng magpakasal ni Archie si Gee sa isang paraan na mastered nila, ang pagpapatawa.

archie alemania at gee canlas

Image from Gee Canlas Instagram account

”Yesterday was the most romantic blooper of my life. And when I’m old I’ll get to tell my grandchildren how instead of crying I yelled at their grandpa and hooked my bag on the door before strangling him with a giant bear hug.”

Ito ang pahayag ni Gee sa kaniyang Instagram account tungkol sa naging proposal ni Archie sa kaniya.

After 2 months ganap ng mag-asawa sina Archie at Gee na sinundan ng pagdating ng kanilang baby boy na si Caleb nitong April 2019.

Archie Alemania at Gee Canlas family

Isang taon nga matapos ang kanilang kasal ay masaya at exciting parin ang pagsasama ni Archie Alemania at Gee Canlas. Mas pinasaya pa nga ito ng kanilang baby Caleb na ayon kay Gee ay very worth it ang sakit ng ito ay kaniyang ipinanganak.

“For someone who has low pain tolerance, it was honestly the most painful experience I’ve ever gone through but the moment I held him and smelled his head I knew it was all so so so worth it.”

Ito ang pahayag ni Gee sa kaniyang Instragram account tungkol sa pagdating sa buhay nila ng kanilang baby Caleb.

Source: GMA Entertainment, ABS-CBN News, Inquirer

Basahin: 3 Rason kung bakit dapat ipagdiwang ang inyong wedding anniversary

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner