X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Georgina Wilson, sinagot ang basher na nag-komento tungkol sa gender ng anak na si Archie

3 min read
Georgina Wilson, sinagot ang basher na nag-komento tungkol sa gender ng anak na si ArchieGeorgina Wilson, sinagot ang basher na nag-komento tungkol sa gender ng anak na si Archie

Alamin kung paano sinagot ni Georgina Wilson ang netizen na nang-bash sa kaniyang anak na si Archie.

Archie Burnand ipinagtanggol ng inang si Georgina Wilson sa mapanghusgang komento ng isang netizen.

archie burnand

Image from Georgina Wilson’s Instagram account

Si Archie Burnand ay ang panganay na anak ni Georgina Wilson at ng kaniyang asawang British businessman at hotelier na si Arthur Burnand. Siya ngayon ay dalawang taong gulang.

Kung titingnan ay nakuha ni Archie ang kaniyang looks sa kaniyang foreigner na ama. Pero sa isang video na inupload ng kaniyang ina Pebrero ngayong taon ay makikita kung gaano ka-Pinoy si Archie. Ito ay dahil sa pagkahilig niya sa chicken adobo.

View this post on Instagram
Arch is such a mood A post shared by Georgina Wilson💋 (@ilovegeorgina) on Feb 16, 2019 at 3:17pm PST

Dahil sa kaniyang cute chicken adobo video ay mas minahal si Archie ng mga netizen. At sinundan ang bawat update ng kaniyang inang si Georgina sa mga milestones ng buhay niya.

Sa pinakabagong post ni Goergina ng isang larawan ni Archie na may hawak na libro ay isang netizen ang nagbigay ng komento na may patungkol sa gender nito.

“I hope this little dude of [yours] will be normal straight in the future… [Because] for me, [he’s] got gay [features]/[gestures]. Hope NOT @ilovegeorgina,”

Ito ang naging mensahe ng netizen kay Georgina Wilson tungkol sa anak na si Archie Burnand.

Hindi naman ito pinaglagpas ng model mom at agad na sinagot ang mapang-husgang komento ng netizen na ito.

“Sorry to put you on blast @franz77761, but I will love my son no matter what he chooses to be in the future and there is NOTHING WRONG with being gay.”

archie burnand

Image from Georgina Wilson’s Instagram account

Ito ang deretsahang pagsagot ni Georgina na humingi pa ng patawad sa pagkaka-mentioned ng pangalan ng nasabing netizen.

Archie Burnand, the Adobo Boy

Tulad ng kaniyang ina, si Archie ay magaling din mag-project at mag-pose sa camera. Makikita ito sa mga larawan niya na imino-model ang eyewear line ng kaniyang ina.

Tuwang-tuwa ang mga netizen na sumusubaybay sa mga updates ni Archie. Lalo sa tuwing ito ay nagsasalita ng Tagalog words na napaka-cute tingnan sa isang batang blue eyes with shiny blonde hair.

Mas lalo ngang natuwa ang mga followers ng kanilang good-looking family ng maipanganak na ang kaniyang baby brother na si Alfie. Si Alfie ay ipinanganak ni Georgina nito lamang Hulyo. At sa kaniyang mga larawan sa Instagram ay kitang-kitang kung gaano ito kamahal ng kaniyang older brother na si Archie.

Umaasa ang mga netizens na sana tulad ni Archie ay mahalin din ni Alfie ang Filipino food at maging Adobo Boy #2.

Samantala, matatandaan sa isang post sa Instagram ay pinakita ni Georgina Wilson at kaniyang pinsan na si Isabelle Daza ang pagsuporta nila sa pantay na karapatan para sa mga gays.

Georgina Wilson, sinagot ang basher na nag-komento tungkol sa gender ng anak na si Archie

Image from Isabel Daza’s Instagram account

Kaya naman hindi na nakakagulat kung maging supportive din si Georgina sa kahit ano mang maging sexual orientation ng anak na si Archie Burnard sa kaniyang paglaki.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Source: GMA Entertainment, Inquirer Entertainment

Basahin: LOOK: Unang pasilip ni Georgina Wilson kay Baby Alfie

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Georgina Wilson, sinagot ang basher na nag-komento tungkol sa gender ng anak na si Archie
Share:
  • Georgina Wilson, pregnant with Baby #2!

    Georgina Wilson, pregnant with Baby #2!

  • LOOK: Unang pasilip ni Georgina Wilson kay Baby Alfie

    LOOK: Unang pasilip ni Georgina Wilson kay Baby Alfie

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

app info
get app banner
  • Georgina Wilson, pregnant with Baby #2!

    Georgina Wilson, pregnant with Baby #2!

  • LOOK: Unang pasilip ni Georgina Wilson kay Baby Alfie

    LOOK: Unang pasilip ni Georgina Wilson kay Baby Alfie

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.