Arjo Atayde pinasalamatan ang misis na si Maine Mendoza sa pagiging mabuting asawa nito sa kaniya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Arjo Atayde sa misis na si Maine Mendoza sa birthday nito.
- Pagbati ni Sylvia Sanchez sa manugang na si Maine.
Arjo Atayde sa misis na si Maine Mendoza sa birthday nito
Nitong March 3 ay nagdiwang ng kaniyang 29th birthday ang TV host na si Maine Mendoza. Sa Instagram ay may maikling mensahe ang mister niyang si Arjo Atayde kay Maine. Ang aktor pinasalamatan ang misis na si Maine sa pagiging mabuting asawa nito sa kaniya. Kasunod ang pagbati ng maligayang kaarawan sa TV host.
“Thank you for being the best wife, Mrs. Atayde. Thankful everyday that I was blessed with you. I love you, baba! Happy Birthday ❤️.”
Ito ang mensahe ni Arjo kay Maine.
Pagbati ni Sylvia Sanchez sa manugang na si Maine
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami kung gaano kaganda ang relasyon ng in-laws na si Maine at ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez. Ang aktres binati rin ang TV host sa naging kaarawan nito.
“Maine nak, It’s your first birthday with us as Mrs Atayde at Sobrang saya talaga that we all spent it together with the Mendoza family. Masaya ako at masaya ang pamilya natin pagmagkasama. Tayo palang party na.”
Ito ang bahagi ng post ni Sylvia tungkol sa naging birthday celebration ni Maine.
Makikita rin sa kalakip na video na ibinahagi ni Sylvia na present rin sa birthday celebration ni Maine ang kapatid ni Arjo na si Ria. Kasama nga nito ay ang aktor na si Zanjoe Marudo na kamakailan lang ay nag-propose ng kasal kay Ria.
Kaya naman si Sylvia, hindi maitago ang kasiyahan sa lumalaki nilang pamilya.
“Our family keeps getting bigger and bigger! I am so excited for the years ahead for you and Arjo! Love you, my daughter! ❤️
Happy happy birthday @mainedcm 😘😘😘”
Ito ang pagbati pa ni Sylvia kay Maine.